Multimedia: Risei and Blake
⪼ R I S E I
It seems like everyone's against me. Obvious naman na pinaguusapan nila ako pero wala akong pakialam sa mga sinasabi nila. Hate me as much as they can, I don't care. At the end of the day, their opinions don't define who I really am... right?
Patuloy lang sa pagtawa ng malakas si Blake roon sa isang sulok habang nakikipagkwentuhan sa iba. Nakakapagtaka lang na makitang kasama ng tatlong baguhan sila Ford. Kailan pa sila naging magkakaclose?
Pansin ko ang pananahimik ni Ford na malayo sa totoong siya. I know him, but not that much since hindi ko naman siya madalas nakakasama, pero kahit ganon alam ko kung paano siya makihalubilo sa ibang tao. Makulit rin siya katulad ni Blake, may out-going na personality katulad ni Hadley pero bakit ang ganitong side niya ang pinakikita niya ngayon? Silent and cold like Sapphire and Silver.
Nawala ang atensyon ko kay Ford nang kawayan ako ni Blake. "Meryenda ka muna!" Aya niya sa akin pero tiningnan ko lang siya at maya-maya lang ay iniwas ko na ang tingin ko at ipinagpatuloy na ang pagpipintura. Si Blake lang ang nag-aya sa aking magmeryenda, actually siya lang naman ang kumakausap sa akin ng ganyan, ng maayos. At siya lang ang hindi pumapatol sa akin kapag hindi maganda ang mga lumalabas sa bibig ko.
I didn't really expect that someone could tolerate this bad attitude.
"Tama na 'yan, masamang pinaghihintay ang pagkain." Nagulat ako nang marinig ang boses ni Blake sa gilid ko. Nilingon ko siya at nakita kong inaayos niya ang mga lata na pintura na nagamit ko na at gagamitin ko pa.
"I'm not hungry." I glanced at the paper bag he's currently holding with the other hand, I could smell cinnamon. Gosh, I'm not hungry but the smell makes me crave. I love anything that has cinnamon.
"Weh?"
"Oo nga."
"Weh? Part two." I furrowed my eyebrows and looked at him. What is he talking about? Sira talaga ang isang 'to.
"Hindi nga ako nagugutom. Ikaw na lang ang kumain." Sumulyap ulit ako sa hawak niya at mukhang napansin niya iyon kaya inabot niya sa akin.
"Bigay 'yan sa atin nila Trevor." Napansin ko nga ang pagpasok ng dalawa rito kanina. "Samahan kitang kumain. Kwentuhan tayo." Akmang isasandal na niya ang balikat sa pader na napinturahan ko kaya nanlaki ang mga ko at hinawakan ang balikat niya bago pa man ito dumikit sa pader.
"May pintura!"
"Oh shit!" Sigaw nito at dumistansya sa akin kaya kusa ko na lang siyang nabitawan. Napatingin naman sila sa gawi namin sa lakas ng sigaw ni Blake pero hindi ko sila pinansin. "B-Bakit mo ako hinawakan?!" Reklamo niya sa akin.
"The paint is not completely dried yet!" Tinuro ko ang pader na sasandalan niya dapat. Napatingin ako sa kamay ko at nakita kong may bahid ng pintura ang likod nito. Nadikit ata ito nang salbahin ko ang damit niya. Nakakainis naman.
"Hala, nagkapintura ka pa tuloy." Dali-dali siyang kumuha ng basahan at kinuha ang kamay kong may pintura. Sinubukan niyang punasan 'yon para matanggal ang pintura pero hindi ito natanggal, sa katunayan ay kumalat lang ito sa kamay ko.
Binawi ko ang kamay ko mula sa kaniya, "Ako na." Akmang maglalakad na ako patungong banyo pero may kamay na nag-abot sa akin ng alcohol. Si Dannah. Tiningnan ko lang iyon saglit. Maya-maya ay kinuha ko na at ibinuhos sa kamay ko pero hindi ko sinasadyang malaglag ang basahan. Pupulutin ko na sana 'yon kaso naunahan ako ni Blake at muli niyang kinuha ang kamay ko. Tingnan mo 'to, he freaked out a while ago when I touched him pero ngayon siya na mismo ang humawak sa kamay ko.
BINABASA MO ANG
Infernio Academy 1: Touch of Hell
Misterio / SuspensoInfernio Academy is the biggest secret of Del Fuego, an institution that isn't solely focused on academics. It's for those students who wanted to learn more about their strengths and weaknesses. Only 100 selected ones, beware because everybody's a l...