Chapter 51: They knew it

716 34 3
                                    

⪼ S H A I A L A 

"Last na 'to." Sabi ko kay Denver at muling kinuhanan ng litrato ang araw na palubog na. Napangiti ako at ibinaba ang aking camera. It's so beautiful. Every angle is so breathtaking. I really love sunsets, it makes me feel calm for some reasons.

"Pang-pitong 'last' mo na 'yan." Inis na sabi niya at ibinulsa ang magkabilang kamay sa itim na jacket. Bakit ba ang sungit ng lalaking ito?

Susungitan ko na sana siya pabalik ngunit naagaw ng pansin ko ang isang taong pamilyar. Naglalakad ito sa dalampasigan habang tinitingnan ang mga kuhang litrato sa sariling camera. "Wesley!" Malakas na sigaw ko kaya naman umangat ang ulo niya at hinananap kung nasaang gawi ang sumigaw. Kumaway-kaway ako upang mas madali niya akong makita at hindi naman ako nagkamali. Mabilis siyang tumakbo patungo sa akin at nginitian ako. His smile is so bright just like the sun.

Sana lahat 'no? Nakakaloka naman kasi itong kasama ko, ni hindi ko pa nakikitang mabanat ang mga labi.

"Nasaan ang iba?" Tanong niya sa akin. Binati niya si Denver pero hindi ito bumati pabalik, sa halip ay umirap pa at itinuon ang tingin sa dagat.

"Nasa hotel na." Sagot ko. Naagaw ng atensyon ko ang litrato sa kaniyang camera, sinilip ko iyon at nang mapansin ni Wesley ang ginawa ko ay napangiti siya at inilapit sa akin ang camera.

"Wow. You're good at taking pics!" I exclaimed. Didn't expect he's into photography as well. Inilipat niya ang litrato kaya naman lumapit pa ako lalo sa kaniyang upang tingnan ang mga iyon. 

Napansin ko ang pagbaling ng atensyon ni Denver sa aming dalawa hanggang sa matagpuan ko na lamang ang sarili kong hinahatak niya palayo.

"Wait, ano bang problema mo? Hindi pa kami tapos mag-usap!" Reklamo ko.

"Tapos na." Malamig na sambit niya. Nilingon kong muli si Wesley at nakita ko itong nakatingin sa aming dalawa ni Denver na unti-unti ng nawawala sa paningin niya.

***

"Hindi ba parang nakakabastos naman ang ginawa mo?" Tanong ko kay Denver pagkabitaw niya sa akin. Normal na lamang ang paglalakad naming dalawa dahil wala naman talagang dahilan para magmadali kami. Hindi ko lang talaga alam kung anong pumasok sa utak ng lalaking ito at bigla-bigla na lamang umasta ng ganon.

He just hissed. Naiinis ako kaya hindi ko na lang siya pinansin. 

Bakit ba kasi kasama na naman niya ako? Bakit ba ako na naman ang pinili niyang kasama? Para ano? Para gamitin? Para maibaling sa iba ang nararamdaman niya? Kung iyon nga ang dahilan, napakatanga ko naman pala dahil sumama-sama pa ako.

Pero may balak kaya siyang aminin kay Sapphire ang nararamdaman niya?

Huminto ako sa paglalakad nang maisip ang tanong na iyon. Napalingon naman sa akin si Denver at napahinto rin sa paglalakad. "Anong problema?" Tanong niya sa akin habang sinusuri ako upang tingnan kung anong mali.

"M-May balak ka bang aminin kay Sapphire ang nararamdaman mo?" Nakita ko ang bahagyang pagkagulat sa mga mata niya sa naging tanong ko. Umiwas siya ng tingin sa akin kaya naman alam ko ng hindi niya sasagutin ang tanong ko na iyon. Kaso muli niyang ibinalik sa akin ang kaniyang tingin at nang magtama ang mga mata namin ay bahagyang umangat ang sulok ng labi niya.

"Oo, kapag nawala na ang nararamdaman kong iyon at kapag nakahanap na ako ng iba." Kumunot ang noo ko. He's not making sense! 

Bakit siya aamin kung kailang wala na? 

Bakit ayaw niya munang subukan?



⪼ S A P P H I R E

Infernio Academy 1: Touch of HellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon