Chapter Two

35 0 2
                                    

Satiko's PoV
"MAGKAKILALA KAYO?" pasigaw na tanong naming apat sa kanilang dalawa.

"Hindi/Oo" sabay na sagot nila. Nagtataka naman kaming nagpalitan ng tingin.

"Ano ba talaga?" tanong ko upang mabasag ang nakabibinging katahimikan.

"Tss. Oo"sagot naman ni Alecha.

"Omaygass. Pano? Magkaano-ano kayo?"excited na tanong ni Nina.
Ngunit imbis na sumagot ang dalawa e sabay na humakbang palabas ng sofa.Ngunit kahit na magkaiba sila ng nilabasan ay paniguradong magtatagpo sila dahil pabilog ang lugar.At ng magtagpo na sila ay kapansin pansin na nagsisigawan ang dalawa sa hindi malamang dahilan. Lumapit ako kay Roxx para tanungin kung may alam ba sya kahit labag sa loob ko ay gagawin ko na para lang sa chismis. Hahahaha. Tama chismis lang ang habol ng magandang si ako. Natawa ako mag-isa ngunit natigil ako nang biglang magsalita si Roxx.
"Ano na namang kabaliwan yan ha? Sabihin mo nga sakin may gusto ka ba sakin?" Inis na sabi nya.

"What?" awtomatikong sagot ko. Ang kapal naman ng mukha nito grabe dinaig pa yung kapal nung heels ko. Tss."Fyi. Nagpunta lang naman ako para tanungin ka kung alam mo kung anong pinag-aawayan nila"

"Kung alam ko sana edi hini na ko nagpapakapalaka na nakatago dito para marinig yung usapan nila diba? Use your common sense. Tss" usal nya sa akin atsaka lumipat ng pwesto.

"Ang kapal talaga ng mukha ng lalaking yun e ano?" pabulong kong sinabi sa sarili.

"Hoyy kelan ka pa natutong magsalita mag-isa ha?" Nagulat ako ng bigla kong marinig ang boses ni ALECHANDRIA! "Tsaka anong ginagawa mo dyan ha? Mukha kang siopao na nagtatago sa damo na kahit anong gawin mo e kita ka parin!" anas nya sa akin.

"Ang harsh mo naman sa akin. Nandito lang naman ako kasi..."

"Kasi ano?"

"Uhhhh. Kasiiiiiii" isip Satiko paganahin mo yang kukote mo.Aha! "Kasi nalaglag yung contact lense ko."

"Aaaaa!" tatangu-tango nyang sabi na parang napipilitan. "Sige hanapin mo na muna yan. Papasok na ako."

"Sigee. Byeee. Ingat" Pasweet kong sabi sa kanya.

"SATIKOMIN KOBAYASHI!" pasigaw nyang sabi

"What?"

"Pinagsasasabi mo? Bye? Ingat? E wala pa ngang 5 metro ang layo ng pupuntahan ko!"

"Ayy. Heheeehe. Syempe joke lang yun." pagpapalusot ko. Kahit kailan talaga masyadong seryoso itong taong to. tsk. Tsk. Tsk.

Pag-alis nya, naalala ko bigla ang sinabi nung lalaking kamuka ni Nobita.Tss. Ano daw? May gusto ako sa kanya? Baka nga sya ang nay gusto sa akin. Tama yan satikomin may gusto lang sayo yun kaya may paganun-ganun pang nalalaman. Ayaw nalang umamin sa akin e. Kung san san pa dinadaan ang usapan pwede namang sabihin nalang na "Satikomin, I like you"
Mga lalake talaga. Ayaw pa maging straight-forward. Bwahahaahha. Napatawa ako sa naiisip.
"Para ka na namang baliw dyan!" sabi ng isang pamilyar na boses. Teka diba si anoto! Si... Dahan-dahan akong lumingon. ROXX?

"Para ka namang nakakita ng multo." kalmado nyang usal.

"Hindi naman ako nakakita ng multo.
Hmmm. Actually, mukha lang multo." sarkastiko kong sagot sa kanya.

"What the? Seriously? Mukhang multo?" natatawa nyang sabi at saka parang baliw na naglakad habang pinaaulit-ulit ang salitang SIOPAO.

Roxx PoV
Hayst. May gusto siguro sakin itong si Satikomin. Well, kung manliligaw naman sya okay lang din. Papaabutin ko lang ng 3 months ang pakikipag-usap para malaman ko kung totoo ang feelings nya. Bwahhahaha. Roxx Meer Lee. Pero nasan na kaya si sister? Nako, ano naman kayang kaek-ekan ang meron sa kanilang dalawa ni Gabrick? Haishh. Dapat bantayan ko na talaga si Merania. Kung ano-ano pa naman ang gustong itry nun. Baka mamaya...
Baka mamaya... Iba na ang gusto nya... Tapos...Tapos... Tapos... MABUBUNTIS sya.

Naku h'wag naman sana muna. Hindi pa ako handang magkaroon ng matabang pamangkin kagaya ng nanay nya. Tapos si Gabrick ang ama? Tss. No thanks. Ayos na yung mga adik sa kanto wag lang si Gabri. Nakoo, Isa yung malaking gago. Baka mamaya masaktan nya lang ang kapatid ko.
Pagdating ko sa sala ay nakita ko silang kumpleto na nakatingin sakin. Ay grande na naman ang entrance ko. Inggit na naman tuloy si Yvann at Gabri. Tss. Inggitero. Tamo to si Yvann. Hindi man lang nagawang makipagplastikan at talaga pnapakita na insecure sya. Lels.

"So, magkaano-ano ba talaga kayo?" Tanong ni Nina, mukhang pinagpapatuloy ang usapan nila kanina bago dumating ang gwapong si ako.

"Friends/Enemies" sabay nilang sagot at tamad na nagtinginan ng masama.

"Teka nga! Kanina pa kayo magkabaliktad ng sinasabi a. Ano ba talaga?" Takang tanong ko.

"Baka naman mamaya Lovers na yan ha? Dadaan ka muna sakn tol. Hindi porket barkada kita e hahayaan ko na lang na mabuntis mo ang kapatid ko!" inosenteng sabi ko habang nakatingin kay Gabrick.

"WHAT THE HELL!" sabay na naman sila.

"Iba nayan tol at sis ha!" nanunuksong sabi ko sa dalawa.

"Will you just shut your big damn mouth, brother?" inis na tanong sa akin ng kapatid kong mukhang gasul ang katawan pero maganda.

"Gasul ka!"

"Kuyaaaaaa!"

"what?" insenteng tanong ko.

"Gasul ka dyan!"

"Wowwww! Mind reader ka na pala ngayon.

"Mind reader mo pisngi mo! Nabulong ka kaya dyan." sa sinabi nyang yun e natawa ang lahat Tiningnan ko silang lahat ng masama.Pero lalo silang natawa. Ano bang nakakatawa sa gwapo kong mukha? Tss. Inggit lang kayo.

"Kain na tayo guys!"masayang aya ni Satiko sa amin.

"Yeahh!Let's go" Sabi naman ng kapatid kong gasul.

"I'm on diet" sabat naman ni Nina.

"Diet mo mukha mo" natatawang kong sabi sa kanya "Ang sabihin mo makikipagdate ka sa mga libro mo!"

"Mas okay na yun atleast may aasahan ako para sa assignments and projects. Tsaka look, antaaaaas ng grades ko."Nagmamalaki nyang sambit.

"Mataas ang grades? Kaya pala may line of 7 ka sa Math." hindi namin inaasahang sasabihin yun ni Yvann. Kaya tumawa nalang kami kasi baka magmukhang pilit kaya nilakasan ko ang tawa.

"Tss" tanging sambit ni Nina. "Fine, kakain na ako. Just stop teasing me!" maarte ngunit nakikiusap na aniya.

"Okayyy!" masayang banggit ng babaeng mukhang siopao.

"Guys, may pasok na nga pala sa isang araw." pambabasag ko sa katahimikan.

"Yeah right" sabi ni Gabrick.

"So guys. Kain nalang tayo wag na muna ang daldal!" sagot naman ni Satiko. At kumain na kami. Hanggang sa nagpaalaman na at nagsipag-uwian

Dreamer TeensTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon