Chapter Twelve

28 0 0
                                    

Roxx' Pov

"Ako magtatanong! Anong problema mo,Roxx?" parang tangang sabi ni Satiko

"same with Gabbrick"

"Anong name ng ex mo?"

"nakakadalawang tanong ka na! bawal yan" parang batang sabi ko para makaiwas sa tanong nya dahil ayoko na rin naming pag-usapan pa ang nakaraan. PAST IS PAST nga diba?

"Ang daya naman e!"pag mamaktol nya. Teka ano bang pake nya sa ex ko? Wala na sya dun! But a part of me wanna tell her the name of my ex.

Nakailang ikot na yung bote at tumama kay Satiko.

"HOY TULALA KA DYAN!PROBLEMA MO?" sigaw at halatang nagulat sya kaya napatawa ako. Kasi naman parang sobrang layo ng iniisip nya. Well ano kaya yun?

"Truth or dare?"

"Truth"

"Ako magtatanong kase ikaw nagtanong saken kanina" sabi ko. Hindi naman sila tumutol kaya nagtanong na ako. "Anong iniisip mo bat ka tulala?" nagseryoso ako at napalunok naman sya

"Iniisip ko kung sino yung ex mo" kung seryoso ako kanina mas seryoso sya. At dahil sa sinabe nya mukhang matatae na siguro yung mukha ko. Pero mas nagulat ako nung tumayo sya at umalis .Grabe!

"Eheeeem!" kumwaring umubo si Nina nung napansin nya na natulala ako.Kaya naman agad akong tumingin sa kanya.

"Sundan mo na!" utos naman ni Alecha at yun nagsignal sakin para sumunod sa kanya. Syempre susundin ko yun. Takot ako kay Alecha. Wag nyo akong tawanan. Bakit ba ha? Who wouldn't? Isa syang Mafia Queen. Sya naman kasi e bumalik pa dun. Nakakatakot tuloy kasi naman alam na alam mo na kayang kaya nyang makapatay ng tao. PERO TAKE NOTE PAG KAILANGAN LANG. MABAIT YAN! HAHAHAHAH. Okay, enough with Alechandria.

So, ayun na nga, nakita ko si Satiko sa may puno. Nakatambay sya dun. Mukhang tanga lang diba? Siopao sa tabi ng puno. HAHAHAHA Grabe LT. Pero syempre hindi ako tumawa kasi nga parang ang seryoso ng mukha nya. Galit?

Problema neto? Nakakabakla sya ha? LOL

"So, anong dahilan mo at may pa walk out effect ka pa?" tanong ko sa kanya kaya naman napatalon sya dahil sa gulat.

"nanggulat ka naman e! Ikaw kasi may hindi ka pa pagsabi ng name ng ex mo! Bwisit ka!" Akmang tatakbo na sya pero nahawakan ko sya sa kamay.

"Palagi mo nalang akong tinatakbuhan. This time wag ka na naming tumakbo o! Please lang" pag-aamo ko sa kanya. Hindi ko kasi yata kaya na hindi kami nagpapandinan or may bagay kaming tinatago sa isa't-isa. Hindi kami mag boyfriend-girlfriend but we're friends. No. Actually bestfriends. Sinong mag-aakala na kaming mag enemy dati, best friends na ngayon. Saya diba?

"Okay, I'm sorry. Naiinis lang kasi ako. Name lang ng ex mo hindi mo pa masabi. Wow lang ha? Kakaiba. Sakin ka pa talaga naglihiim? Grabe lang diba? O, best friends tayo diba? Anong nangyare dun sa prendsyip naten?" pagmamaktol nya

"Okay na, it's my fault. Sorry talaga sya si Adrienne Lorraine Tenorio----"

"Adrienne Lorraine Tenorio?"

"Yep. Why?"

"Shit ka! That's my cousin. No, actually di kami magkaano-ano kasi nga anpon sya. Di rin naman kami close"

"For real?!"

"Hindi. Kasi nagbibiro lang ako" sarkastiko nyang tugon "Pano pala kayo nagbreak?"

"Ahm. Mahabang istorya"

"Sige, saka mo na lang ikwento kapag handa ka na" buti nalang talaga at marunong sya makiramdam. Hays "Balik na tayo dun! Gabi na din naman e, saka malamig na"

"Madaling araw na kamo"

"Huh? Ano? SHIT!" nagpapanic na sya HAHAHA ang cute nya talaga

"Don't worry pinagpaalam kita sa parents mo"

"Ulol! Parents? Hindi mo nga sila kilala e"

"At sino namang may sabi sayo? E, chatmates nga kami ng mommy mo tapos call mates kami ng daddy mo"

Satiko's Pov

Shems! Bat nya kilala ang parents ko? Ano nalang ang iisipin nila? Malisyoso pa naman sila. Kianakabahan ako e. Baka kasi akala nila boy friend ko itong kumag na to! Humanap naman sila ng pogi. Wag naman sana dito HAHAHAH. Charrot! Pogi naman si Roxx, a?

Ayy ano ba tong pinigsasasabi ko? Grabe! Si Roxx pogi?

"Eww yuck kadiri!"

"Huh?" naguguluhang tanong ni Roxx. Nakalimutan ko na nandiditi nga pala sya. Waa! Napalakas yung sinabe ko. Nakakahiya!

"Wala. Sabi ko baka kasi kung ano ang isipin nila. Baka...."

"Baka? Isipin nila na boyfriend moko? Don't worry kasi yun talaga yung iniisip nila. Hahaha" tawa sya ng tawa

"What?" gulat na may inis kong tanong

"Sinabi ko kasi sa kanila na boyfriend mo ako!" shems

"For real? Nako! Bwisit ka! Papagalitan ako for sure ng parents ko.Bawal ako magboyfriend!"

Grabe lang ha? Halos umiyak na ako dito sa kaba samantalang sya, maiiyak na sa kakatawa

"Don't worry! Payag naman parents mo. Actually, gusto nga nila na tayo ang magkatuluyan kaya o

"Nanay at Tatay mo?" sarkastiko kong tanong. Pano ba nnaman kasi kung maka-MOMMY AND DADDY akala mo nanay at tatay nya. E akin kaya yun, Duh?

"Hayys. Sabi ko nga sa kanila e tayo na kaya mommy and daddy nalang daw ang itawag ko sa kanila total tayo na daw"

"K."

"Galit ka na nan? Sorry na o?"

"Ge. Tara na sa loob" hindi ko na inintay ang sagot nya at dire-diretso na ako sa loob. Nakakainis naman kasi nagsasabi sya ng kung ano-ano sa parents ko. BOYFRIEND ko daw sya. BOYFRIEND his face! Bwisit.

Naiinis ba talaga ako dahil sinabe nya yun o naiinis ako sa sarili ko dahil gusto ko ang sinabe nya?

Hayy ewan ko ba! Lately hindi ko na maintindiihan ang sarili ko e. I mean yung feelings ko. Tuwing nandyan sya ang lakas ng tibok ng puso ko. Ewan ko ...

Posible kayang gusto ko na sy gusto?

Hay ewan ko ba. Alam ko naman hindi pwede e. Kasi bumalik yung ex nya na halata namang mahal na mahal nya parin. Sana ako na lang sya. Nakakainis diba?

Bakit kailangan ko pa magkagusto sa taong may gusto naming iba? Ugh! Bwsit

"Satiko, intayin mo ako" sabi ni Roxx kaya huminto ako at inintay sya

"Tara!" ang sigla nya, a?

Naglakad kami papasok para puntahan ang mga kaibigan namin kaso si Alecha at Gabbrick nalang ang nandito.

" Yaa! Nasan na sila Nina at Yvann?" tanong ni Roxx kaya naagaw nya ang atensyon nila

"Umuwi na. Nalasing si Nina" sagot ni Gabbruck atsaka bumalik na sa usapan nila na napakaseryoso.

" Ayy sige! Una na din kami" .
Tinanguan lang nila kami. Grabe ha? Hanep makapagusap! Parang may sariling mundo a.

Dreamer TeensTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon