Gabrick's Pov
After one day..."Gab!"
"Gabrick"
"tok tok tok!"
"Gabrick Thaddeaus Lopez!"
"Gabriiiiiiiii!"
Nagising ako dahil sa ingay ni Mommy. Ano bayan! Aksidente akong napatingin sa orasan at napagtantong 6:30 pa lang. Hayy nako si Mommy talaga ang aga-aga e nanggigising.Matutulog na sana ulit ako ng bigla kong maalala na may pasok na nga pala. Kaya naman dali-dali akong bumangon, naligo at nagbihis. Halos tumakbo na ako para makalabas ng kwarto at bumaba ng hagdan.
"Mabuti naman at naisipan mong bumangon" bungad sakin ni Mommy. Hayss.
"Ang sweet nyo naman Mommy!" sarkastiko kong sabi sa kanya. Tch. "Bye"
Sumakay na agad ako ng kotse at nagmaneho patungo sa SNA (South National Academy).
Dito ko nakilala sila Yvann at Roxx. Noon ko pang alam na may kapatid si Roxx. Si Alechandria. Noong una, galit ako sa kanya. Lalo na nung may ginawa syang katangahan sa burial ni daddy. Pero ngayon, hindi ko alam kung ano na abg nangyayare sakin. Gusto ko syang makita. At pag sinuswerte ka nga naman, nakita ko na agad sya.Pero syempre nagpanggap ako na wala akong pakialam dahil baka kung ano ang isipin nito. Ang alam ko, madami nang naging ex si Alechandria pero pinaasa lang sya ng mga lalake. Kaya medyo nadala na din sya. Halos isumpa na nya ang mga lalake. Alam ko din na galit sya sakin dahil malamang napahiya sya.Habang nakatingin ako sa kanya, nagawi sa akin ang paningin nya at nag-iwas din agad ng tingin. My heart beats faster. Hindi ko alam kung bakit.
Naglakad nalang ako papunta sa classroom tutal alam ko na naman kung saan ang room ko. Sa BEFF 1 room 9. Means, nasa 3rd floor ang room ko. Pagdating ko sa room, hindi ko inaasahang makita si Alechandria na parang may tinitingnan na picture. Dumukot pa sya ng isang picture at saka parang naiiyak. Matapos abg ilang saglit ay dahan-dahang tumulo ang luha sa kanyang mga mata. Hindi ko na alam ang gagawin ko dahil ito abg unang pagkakataon na magkaganan sya. I mean, nakatingin sa picture tapos biglang iiyak? Wth? Aha! Alam ko na. Posibleng naaalala nya lang yung mga ex nya. Well, nakakaawa sya .
"ehem ehem" umubo ako ng kunwari para mabaling sa akin ang atensyon nya.
"What?" inis na tanong nya sakin. Lagi nalang galit. Red days. Hahahaha.
"Para kang siraulo natawa mag-isa" aniya at saka bumaling sa litrato. Makalipas ang ilang minuto ay nagdatingan ang lahat ng kaklase namin kasama ang aking guro. Si Mr. Javier.
Mabait sya.Nagsitayuan kaming lahat.
"Goodmorning class, Magandang buhay!!" masiglang bati nya.
"Goodmorning my dear teacher, magandang buhay!" masiglang bati din namin sa kanya maliban kay Alechandria.
"Ms. Lee? Ano ang iniisip mo dyan?" tanong ng propesor.
"None of your business." diretso at serysong sagot nya kaya napatungo ang lahat.
Tss. Isa yan sa mga inayawan ko sa kanya kahit noon palang. Lahat nalang ng gusto nya ginagawa nya. Edi sya na. Psh. Spoiled Brat!
"You may now take your seat"
"Thankyou" at nagsipag-upuan ang lahat.
"Ms. Lee. Alam mo ba na 3 teachers na bg nagrereklamo sa ugali mo?"
"Yeah right. And no one cares..."sagot nya.
"I know that you are one of them Mr. Javier" she added dahilan para mapalunok ang propesor. "At..." "Dahil dyan, humanda na kayo sa susunod na mangyayari. Abangan" pagtutuloy nya sa sinasabi. Hmmm. Ibang klaseng babae walang modo. Gusto ko syang lapitan para turuan ng Good Manners. Nako! Nakakababae naman ang ugali nito. Muli akong napalingon sa kanya at napagtantong tulog na naman sya. Palagi naman. Psh! Hayys. Grabe laging tulog pero di naman tumatangkad sabi nga ng kapatid nya mukha syang gasul. Pfft. hayy--
"Baka matunaw si Ms. Lee" pagalit na ani ng aming guro na sya naman ikinagulat ko.
"S-sorry" napapahiyang sabi ko.Alechandria's Pov
Nagising ako ng wala na si Mr. Javier sa classroom at napalitan na ni Maam Anzures."Ha ha ha ha ha" tawa nya na sarkastiko habang nasa akin ang paningin. " Mabuti naman at nagising ka na. Ms. Lee"
"Tatahimik ka o masisisante ka? Let me remind you na nandito ka, para turuan kami hindi para sermonan ako." diretsong sabi ko na nakapagpatahimik sa mga kaklase mo.
"Ano maam? Tititigan mo lang ba ito?..." sabay hila dun sa nasa burial na lalake. . I don't know his name. And.. I'm not evem interested. "o magkaklase pa tayo? Masyadong kire!"
"Sorry." aniya. " Open your books on page 21"
" I don't have books. May I borrow?" tanong sa akin nung nasa burial nga na lalake.
"No." diretsong sagot ko sa kanya.
"Still angry at me?"
"What do you think?" I asked him sarcastically.
"You love throwing questions, huh?" Aniya habang natatawa.
"Really? I don't think so. I don't love it..." malakas kong sambit"Coz It's my hobby."
He sighed."Hmm. Okayy. If you are angry, then sorry"
Inirapan ko sya at lumabas sa room."Ms. Lee? Where are you going?" tanong ni Maam Anzures.
"None of your business." dire-diretso akong naglakad papunta sa cafeteria. And guess who's here? Ofcourse not. So Im gonna told ya.
"Girls. Look who's here!" ani ng babaeng mukhang kabayo.
"Oh! Hi Alechandria" psh. Andaming knows. Nginitian ko na lang sya. Tss. Kaya ayoko sa mga babae na ganan e. Yung pera habol sayo? Well, actually, I dont need them coz I have Nina and Satiko. They are my true friends.
Umupo ako at yumuko. Ng biglang may lumapit sa akin na lalaki.
"Hi miss,Alechandria, right?"tanong nya na tinanguan ko naman. Kunyare nalang may pakialam ako sa kanya. Tss. I don't give a shit for a stranger. Duhhh!
"Hey lovey dove" sabay akbay sakin nung lalaki sa burial. At teka ano daw? Lovey Dove nya mukha nya. Tiningnan ko sya ng masama pero seryoso syang nakatingin sa lalakeng nasa harapan ko. "And you? Whou are you? Layuan mo ang Lovey Dove ko." umalis ang lalaki na parang takot. Bat ba sya matatakot dito?
" Problema mo?"Tanong ko sa kanya. "Lovey dove mo mukha mo. Ayokong makita ang pagmumukha mo!" mataray kong sabi at saka ko sya nilayasan.
Ang kulit nya lagi nya na lang akong ginugulo psh. Konti nalang talaga e bibigwasan ko na ito. Sa paglalakad ko, nakarating ako sa madilim na parte ng school. At may biglang tumakip sa ulo ko dahilan para wala akong makita. Sinakay nila ako sa van. At wala na akong malaman na gagawin. Maya maya pa ay nakatulog ako.
BINABASA MO ANG
Dreamer Teens
Random"Barkadahang sabay-sabay umaasa. Walang iwanan MAGTIWALA LANG!"