Satiko's Pov
Bakit ganon? Pakiramdam ko e anlaki ng ipinagbago ni Alecha. Palagi syang tulala. Unti-unting nawawala ang Alecha na nakilala ko. Ang Alechandia Merania Lee na masiyahin. Nagiging moody na sya. Matagal na kaming magkakasamang tatlo kaya alam ko na kung may problema na ang isa sa amin. At base sa nakikita ko kay Alecha may problema sya. Hindi lang problema kundi MALAKING PROBLEMA sya. At kung ano yun? Hindi ko din alam.
"Hoy babae, nakasampung buntong-hininga ka na!" sigaw sa akin ni Nina. "So, what's your problem?"
"Huh? Anong problema ka dyan? Hindi ako ang may problema!" sagot ko sa kanya.
"Ha-ha-ha at sinong niloko mo?"sarkastiko nyang sagot.
"Wala ka bang napapansin kay Alecha,Lately?" seryosong kong tanong sa kanya.
"Wala naman. Bukod sa pagpasok nya ng puyat."natatawa nyang sabi. "Dati-rati e hindi sya nagpupuyat dahil mababawasan daw ang kagandahan nya. " humawak na sya sa tyan nya. "Tsaka nakita mo ba yung braso nya? Para syang may pasa?"
Nagkaroon ako ng ideya sa mga sinasabi ni Nina.
"Hindi kaya bumalik sya sa pagiging Mafia Queen ng Leeras Mafia?" sabay naming sabu at nagkatinginan kami.
"What do you mean? Si Merania?" Nagulat ako ng may nagsalita sa likod ko. Sigurado akong sya yun dahil sya lang naman ang tumatawag kay Alecha ng Merania. Lumingon ako.
"Anong? S-si Alecha?" utal kong tanong
"Come on girls. Madami na din akong napapansin sa kapatid ko. At ano yung sinasabi mo Nina na may pasa sya sa braso?"
"aaaaah. Eeehh" Hindi alam ni Nina ang sasabihin.
"Anong pinag-uusapan nyo?" tamad na tanong ni ALECHA!
"Merania/Alecha?"
"Para kayong nakakita ng multo" tamad nya sagot.
."Sis umamin ka nga sa akin..." sabi ni Roxx kaya naman natigilan si Alecha. "Bumalik ka ba sa Leeras Mafia?" seryosong tanong ni Roxx
"What if yes?" seryosong tanong pabalik ni Alecha.
"Whyyy?!" sigaw ni Roxx pero iniwan lang sya ni Alecha na nakatulala. "What the hell! Merania what's your problem?" sigaw nya kaya naman naagaw namin ang pansin ng lahat ng tao.
"Why? You are asking me why? If ever naman na sabihin ko sayo hindi mo padin maiintindihan!!"Sigaw pabalik ni Alecha.
"Hindi ko talaga maiintindihan kung hindi mo ipapaintindi!" gali na sabi ni Roxx pero hindi lang sya pinansin ni Alecha at dire-diretsong naglakad.
"Una na ako guys. May gagawin pa ako sa room e." paalam ni Nina sa amin. Ngunit tiningnan lang sya ni Roxx kaya hindi na ako umimik. Ngayon kaming dalawa na lang ang nandito.
"Ikaw hindi ka pa ba aalis?" nagulat ako ng nagtanong sya.
"Hindi pa. Wala din naman akong gagawin kaya sasamahan na muna kita." sagot ko sa kanya hindi na nya ako pinansin."Sumunod ka sa akin" pambasag ko sa katahimikan at tumayo na ako.Tiningnan ko sya ng nagtataka dahil hindi pa sya natayo kaya naman tumayo na sya agad at sumunod sa akin. Tahimik lang kami buong byahe. Wala ni isa sa amin ang nagtangkang umimik. Nakarating na kami sa lugar na pupuntahan namin at bumaba na kami.
Dinala ko sya sa espesyal na lugar. Sa Sampaloc Lake."Dito ako madalas pumupunta kapag may sama ako ng loob"pagsasalita ko "Sabi ni Daddy kapag daw may kinikimkim ako dito lang daw ako pumunta at ikutin ang lawa ng Sampalok." pagpapatuloy ko.
"Salamat Satiko" bulong nya na syang ikinagulat ko.
"Para naman saan?"
"Dahil dinala mo ako dito"
"aahhhhh"
At namalagi ng muli ang katahimikan.
"Alam mo ba na tumawag sa akin yung boyfriend ng ex ko. Hindi ko alam na kinidnapped nya pala si Alecha"pagsasalita nya saka sya tumawa kunwari "Haaaays hindi ko alam na nasa masamang kamay na pala sya samantalang nangbababae pa ako at nakikipaglandian"
"Roxx, hindi mo naman kasalanan na napunta sa ganong sitwasyon si Alecha tsaka yang pambababae mo e nature mo na kaya hindu mo na din yan maiiwasan" sabi ko sa kanya. "Halika kain tayo ng isaw tapos bike tayo"
"Sigee" masayang sagot nya at tumakbo sa bilihan ng isaw kaya naman sinundan ko sya.
"Ate 100 peso nga pong paa ng manok tsaka 50 pesos na isaw" sabi ko sa tindera na syang ikinatawa naman ni Roxx dahilan para lingunin ko sya.
"Grabeeeee! Antakaw mo pala. Sabagay halata naman sa mukha mo!" natatawa nyang sabi kaya natawa na din ako.
"Ang sweet nyo naman po nakakainggit kayo" napalingon kami sa likod namin at nakita namin ang dalagang nakangiti. Tumatawa pa rin si Roxx habang ako ay natigilan sa sinabe ng dalaga
"Hahahah salamat miss. Ganun talaga pag nagmamahalan. Makakahanap ka din ng sa iyo"nakangiting sambit ni Roxx at hinila ako paalis. Nang makalayo na kami ay saka ako nagsalita.
"Hoy Hoy Hoy! Mr. Roxx Meer Lee! anong katangahan naman ang pinagsasabi mo dun sa dalaga ha?" inis na tanong ko sa kanya. .
"Hahaahaa kilig ka naman"sabi nya habang natatawa "Yaan mo na ganito talaga ako kapag may problema dinadaan ko sa biro"
"Hmmm okay. Pagod na ko. Uwi na tayo?" aya ko sa kanya
"sige tara na pagod na rin ako e . Pago na mag-intay sayo" bulong nya
"Ano may sinasabi ka ba dyan?" tanong ko
"Wala sabi tara na. Lalo ka tuloy nagmukhang siopao ang takaw mo kasi e. Minsan nga mag-gym ka!" tatawa-tawang sabi ko.
Umuwi na kami ng masayang masaya sa nangyari sa araw na ito.
Roxx' Pov
Grabe laking pasasalamat ko na lang kay Satiko dahil sa mga pinagsasabi nya e gumaan kahit papaano ang damdamin ko. Aaminin ko naman na kahit naiinis ako sa kanya e napasaya nya din ako kahit papaano.
Alas dos na ng madaling araw pero hindi ako makatulog. Iniisip ko kasi yung sinabi nubg dalaga sa amin kanina.
Sweet daw kami ni Satiko
'Tangina sana nga!' sabi ko sa sarilo ko saka natawa mag-isa.
Btw. Kamusta na kaya si Alecha? Kailangan naming mag-usap.
Kinatok ko sya sa kwarto nya.
*knock knock*
*eeeenk* tunog yan ng pagbukae ng pinto wag kang ano!
"Sis..." tawag ko sa kanya
Ako---------->:(
Sya-----------> -____-
"Yes bro?" pinagkadiinan nya ang huling salita.
"Malhaebwa jebal.." naiiyak kong sabi sa kanya" Why do you have to be Mafia Queen, again? " diretsong tanong ko sa kanya.
{Malhaebwa jebal------tell me please}
"Sorry, kuya but I have to protect you and our family." sagot nya sakin " You don't know how much I treasure you, so please understand" saka tuluyang bumagsak ang luha nya at niyakap ako.
Wait---what?
Ang cold hearted kong kapatid umiiyak at niyakap ako? Sheeeet! End of the world na!
BINABASA MO ANG
Dreamer Teens
Random"Barkadahang sabay-sabay umaasa. Walang iwanan MAGTIWALA LANG!"