Chapter Nine

7 0 0
                                    

Yvann's Pov

Napapansin ko na parang umiiwas sakin si Gabbrii ng hindi ko alam kung bakit. Kaya nagtetesting ako ng dahilan.

Nagsimula ito nung nakita nya kami ni Alecha sa starbucks. Alam kong nandun sya kaya naman nagrequest ako kay Alecha na maging sweet dahil may gusto akong malaman.
Nagsubuan kami at naglambingan.

kriiiiing* *kriiiing*

NINA CALLING

Ano kayang sasabihin nito?
"Nasa clinic daw si Alecha...Sige...Nasa clinic daw sya...Sabihin mo na  lang kay Roxx...Bye"

Putol putol ang sabi nya at halatang kinakabahan. Hindi ako sumagot sa mga sinasabi nya at pinatay ang tawag.

Tumakbo ako papunta kay Roxx at binalita sa kanya. Nakita namin si Nina at Satiko kaya lumapit kami at nagpunta sa clinic.
"BAKIT KA NANDYAN?!" bakas ang gulat sa mukha namin  ng makita namin si Gabbrick sa loob at binabantayan si Alecha .

"Bakit? Masama ba? Sige alis na ako" akma na syang  tatayo nang biglang tinaas namin ang kamay nila na parang pinipigilan akong lumabas
"WAG!" sigaw ni Satiko

"Salamat..." mahina pero sapat na para marinig namin ang bulong ni Alecha. Dahan-dahan kaming tumingin  sa kanya. Nagulat ako ng makitang nakangiti sya kay Gabbrick

"Bat sakin ka nagpapasalamat?"  nauutal na tugon sa kanya ni Gabbrick at lumunok

Ngumiti lang sya at humiga.

Tang*na! Seryoso? Nakakabaliw! si Alechandria ngumiti sa kanya! Nakakahibang.

Lumingon  sa amin si Satiko at sa mga kasama ko at bakas din ang gulat sa mga mukha nila

"Kayo? Anong problema nyo? Magtitinginan lang ba kayo at tatayo dyan?" Malamig na tanong ni Alecha sa amin dahilan para lingunin namin sya.

"Ahm.." panimula ni Roxx "Bakit ba nahimatay ka ha?" iritadong tanong nya sa kapatid.

"Kinamalayan ko?" tanong pabalik ni Alecha.

"Haaaay! Omaygass, gurl! Akala ko mamamatay ka na! Hhuhuhu" parang tangang bati ni Nina.

"Tss. Baliw ka" natatawang sabi ni Alecha.

Pabago-bago ng ekspresyong tong si Alechandria

"Matagal mamatay ang masamang damo" natatawang sabi ko. Tumawa kaming lahat maliban kay Gabbrick na seryoso ang mukha.

Biglang tumayo si Gabbrick at lumabas. Walk out ang peg ni kuya?

"Hahahaha" tawa ko habang nakahawak pa sa tyan.

" Parang baliw" bulong ni Nina

CONFIRMED! TANG*INA! YUHOOOOOO!

"Sis una na kami ni Satiko" paalam ni Roxx

"What?" tiningnan nya lang si Satiko ng masama kaya sumunod na lang sya.

"Sige una na ako Aleche, Yvann" paalam ni Nina na tinanguan ni Alechandria

"Hatid na kita" prisinta ko pero umiling sya at lumabas.

"May problema ba kayo ni Thaddeaus?" seryosong tanong ni Alecha kaya nilingon ko sya

"Wala pero napapansin kong lumalayo sya sakin at naiinis kapag lumalapit ako sayo"

"Edi lumayo ka sakin" diretsong sagot nya at natigilan ako.

"Bakit? Ayaw mo na naiinis si Gabbrii?" nakangising tanong ko at suminghap sya

"Hindi sa ganon. Kung ako ang pag aawayan nyo tigilan nyo na!" halos pasigaw nyang sabi.

Dreamer TeensTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon