Chapter 2

13.7K 388 11
                                    

Nadine's POV

"James? James. Gising na." Pangigising ko kay James medjo nanghihina pa ako pero keribells lang. Ano kaya ginagawa niya dito? I'm guessing siya nagdala sakin sa clinic. Hindi naman ata ako kaya buhatin kung si Yassi diba?

Kahit pala dinasaur na unggoy to mabait rin. Kahit ganon kademonyo to may tinatago rin palang bait inside infairness.

"Hmm. Ayos ka lang?" Tanong niya ng may pagka concerned. Wow bumabaliktad ang mundo ah, kala mo isa siyang anghel na mahulog mula sa langit ngayon.

"Oo konting hilo nalang. S-salamat pala." Nahihiya kong pagsabi. Syempre ikaw ba naman mahiya-hiya naman tayo pagtapos nating sungitan to no. Ayaw niyo? o sige ako na nga lang.

"Wala yun. Tara na." Sagot niya habang nagugusot ng mata.

Biglaang pumasok si Mom, Yassi, Kath, Daniel at Andre. Lahat sila mukhang nagaalala. Eto talagang mga to, akala mo naman mamatay na ako eh. Baka gusto talaga nila ko madeds? Char.

"Baby? you okay na?" concerned na tanong ni mom. Kahit ganito si mommy, busy siya and everything ramdam na ramdam ko pa din na mahal niya ko. Well, parents right.

"Im okay na mom. Medjo nahihilo na lang." Pangiti kong sagot. Agad naman ako niyakap ni mommy. Nakakamiss yung yakap ni mommy hays.

"James salamat nga pala sa pagalaga kay Nadz." nakangiting sabi ni mom kay James napangiti din ako.

"Tita wala po yun. Ahh sige po alis na ako." Sagot ni James at napakamot sa ulo niya siguro may dandruff to regaluhan ko kaya ng head and shoulders. Charing!

Lumabas na kaming lahat.

"Ahh sabay na kayo saakin." Tanong ni James. Ang bait nito ngayon ha. Infairness when he's like this lumalabas yung kapogian niya. Nalatago sa ilalim e.

"Sige." Mahina kong sagot. Wala kasi ako sa mood makipagbarahan ngayon. At saka susungitan ko pa ba at this point of moment na tinulungan niya ko? diba parang ako na yung magiging demonyo non.

"Ako na nagsasabi, may sakit nga si Naddie." sigaw ni Yassi. Tapos tawa sila nga tawa. Nag frown nalang ako.

Tapos may biglang may tumatakbo papunta saamin na babae. Wait naalala ko to eh, nakita ko na tong dugyot na to eh.

"Shit tara na!" Sigaw,ni James sabay hila saakin. Alam ko na! ito yung taong mukhang dugyot na coloring book! ano kaya atraso neto ni James dito sa babaeng to? Kala mo ado na napakawalan ng amo kung makahabol siya ehz

Tawa ako ng tawa kasi si Kath at Yassi hirap tumakbo dahil naka heels. Yan heels pa more sila eh buti nalang hindi ako nagheels ngayon naka doll shoes lang ako ngayon.Dapat pala nag rubber shoes ako ngayon kaso hindi ako nainform na may amazing race pala na magaganap eh hahahaha!

"Ano ba to! Akala ko sa Friday pa PE eh!" Sigaw ko ng mejo hinihingal pa.

Pagpasok namin sa van ni James. Tawa na talaga ako ng tawa. Buti nalang tinyed tong kotse niya kaya di ako makikita sa labas. Laughtrip naman talaga eh akala mo hinahabol kami ng aso when in reality hinahabol kami ng babaeng mukhang aso HAHAHA!

"James, Pasabay ako huhuhuhu." Sigaw nung  babaeng aso HAHAHA! Nakakatawa yung ichura nung gurl mukhang desperada na talaga siya makasabay si James at ito naman si James mukhang desperado na matakasan tong babaeng to. Baka meant to be sila? Parehas desperate char!

Pinaharurot na ni James yung sasakyan. Di pa din ako natigil sa pagtawa wait lang hahahaha!

"Naddie okay ka lang? Pasensya na kayo ha! Bwiset kasi yung babaeng yun." Singhal ni James. Tawa pa din ako ng tawa at this moment, kaso bigla akong napahawak sa sentido ko. Nasobrahan na ata ako ng tawa kaya tumigil na ako.

"Ok lang ako. At dun mo lang kami ihatid ng barkada sa Azure Homes Village." Sagot ko ng naka pikit. Ayan Naddie sumakit ulo mo kakatawa kabilis ng karma ghourl.

"Realy? magkakasama kayo sa parang isang bahay unit?" Rinig kong sabi ni James. Nagtataka siguro siya. Well nagpatayo kasi sila mommy ng sarili naming bahay, like for the barkada. Since very busy siya with handling the school and other business stuffs eh. Ayun kila Yass niya nalang ako pinagbilin. Ganito na ang set-up naming magbabarkada since 2nd year highschool. Si Yass kasi busy parents niya sa business din, si Kath naman asa ibang bansa parents niya. Si Andre busy ang parents with their resto and si Daniel kung saan saan nagtratravel ang parents niya, eh ayaw niya ng ganun so ayun dito siya nag stay sa Philippines.

"Yes we live together! You can live with us if you want?" Tanong ni Yassi kay James. Mukhang agree ang whole barkada ah? wala akong narinig na nag- object. Sabagay wala naman kami sa korte para mag-object. Char!

"Sure! Naghahanap din lasi ako ng matitirhan eh." Sagot naman ni James. I see siguro bagong dating lang to sa Pilipinas kaya wala pa siyang condo unit, apartment or what. Kaya din ganon siya siguro magsalita.

Wala ba parents niya dito sa Pilipinas? nakakahiya naman magtanong eh. Malalaman din natin yan soon.

"Naddie, Diba may bed pa sa tabi mo? dun nalang si James." Tanong ni Kath saakin ng papasok na kami sa condo.

"Yes. Sige." Matipid kong sagot. Makatingin naman to sila Yassi kala mo naman kinikilig ampotek. Mga siraulo talaga tong mga to.

"Wow parang ang laki naman!" Tanong ni James. Para siyang manghang mangha. Kala mo naman talaga hindi sila mayaman eh. Kala mo talaga sa lansangan dati nakatira.

"Well, yung mama kasi ni Naddie busy kaya saamin na siya pinagkatiwala ng mommy niya." Sagot naman ni Andre. tapos dumirecho direcho siya sa kusina.

Well yung kwarto dito isang room lang. Tabi tabi lang ng bed ganun. Meron naman kami sari-sariling kwarto talaga pero, we prefer yung  mag-kakasama kaming lahat. Ang saya kaya! Lalo na pag may harutan kami, pillow fight ganern!

"Sige tulog na ako goodnight!" sigaw ko ng paakyat na sana ako kaso pinigilan ako nila Yassi.

"Teka mag momovie marathon pa tayo." Sabi naman ni Daniel. Pagod na pagod na dapat ako eh matutulog na sana ako kaso kilala ko tong mga to, di sila papayag na hindi buo ang barkada.

Pumunta na muna ako sa kusina upang mag-luto ng fries and popcorn. Syempre diba hindi kumoleto ang movie marathon ng walang pagkain!

So ayun nga po ano wala na akong nagawa kung di mag movie marathon. Kumuha sila Daniel ng mga unan sa taas and then sila Yassi sa drinks. Sitting pretty lang itong isang to. Well, I understand naman kasi bago palang siya dito di niya pa kabisado ang mga bagay bagay. Sawakas, natapos ko na din ang niluluto ko at magsta-start na kami.

------------------------------------------------------

Revised

Book 1: All in One (JaDine)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon