Ayun nag movie marathon kami puro horror movies. Una namin napanood yung Conjouring tapos sunod yun Unfriended tapos ito yung The Nun.
Hindi naman nakakatakot!! Joke, duwag nga ako eh. huhuhu. Sige utuin natin ang nating sarili na hindi tayo duwag. Antaray lakas maka manifestation!
"Oyy girl? okay ka lang?" Tanong ni Yassi. Di na ko makadilat ayan kase ang dami naman jumpscare eh. Bakit nga ba ako pumayag na horror panoodin namin pwede naman love story o action nalang eh. Worst part tala tong jumpscares at sound effects eh.
"Di ako okay eh antok na ko." sagot ko actualy takot lang ako dun sa movie. Inaamin ko naman eh. Nakakaloka naman to jusmiyo mapapa sign of the cross ka nalang. Nag-goodnight na ko isa-isa sa kanila. Asan si James? kinain na ba siya nung madre sa movie? Masaya kung ganon. Charot!
Umakyat na ako at nahiga na ako ng saktong lumabas si James sa Cr.
"Ahhhh!" nagulat naman ako. Ayan kasi tsk. May CR naman kase sa labas ng kwarto dito pa siya magsho-shower nakakainis napakaepal feel at home agad ghourl.
"Grabe. Sa sungit mong yan duwag ka pala." Nga-nga naman ako first time ko makakita ng abs taba lang kasi meron sila Daniel at Andre.Charot may abs naman din sila kaso nga lang mas may hulma tong kay James eh ayy ano ba naman tong pinagsasabi ko. Eww naman. Erase Nadine eraseeeee. Gutom ka lang Nadine naiimagine mo tuloy ang pandesal.
"psssstt.." may narinig akong sumitsit agad kong kinuha ang kumot na malapit saakin.
"Ikaw ba yun? wag ka nga manakot." Nagulat kaming dalawa. Hindi kasi kami sumitsit. Tapos sila Yassi nasa labas nanunuod pa. Saan ba yun huhu Lord sorry na sa lahat ng mga kasalanan ko.
"Ahhhhhh!!!" sigaw naming dalawa.Tapos nagtago kami sa iisang kama at nagyakapan sa sobrang takot. Duwag din pala tong isang to akala ko ako lang huhu!
Shems nafi-feel ko tuloy yung abs niya. Di pa kasi nag-bibihis. Uy ang manyak naman ng dating! hindi takot lang talaga ako huhuhu!
"Oooy Nadz chancing na yan!" Sigaw niya saakin. Kapal naman ng taong to kung hindi lang ako duwag sinipa ko na siya palabas ng bahay o di kaya kinaladkad ko na siya ng parang spolarium kainis!
"Asa men. Ahh may sumsit sit nanaman!" Pagwawala ko. Ayoko ng ganito eh, lagi kasi ako tinatakot ni mommy nung bata pa ako. Yung pag di ka daw kumain yung kaluluwa mo kukulong sa kaldero, yung mga aswang at tiktik huhuhu!
"Psshh shh cry-baby ka naman. Sige na tulog na." Pagcocomfort niya saakin. Somehow, somewhat I feel so safe in his arms. Bigla naglaho lahat ng inis ko.
"Huhuhu ayoko na!" Sigaw ko. Umiiyak na talaga ako Oa na kung Oa eh nakakatakot naman talaga eh. Di pa ko ready mabawian ng buhay!
"Sige na tulog ka na. Nandito lang ako. Hindi kita iiwan." Sagot niya habang niyayakap ako. Sheems nafefeel ko yung abs niya talaga.
Lord nagiging pervert ako ano ba yan! Kasi naman bakit ko ba nakilala tong taong to. Pero infairness ha, it feels so safe and comforting knowing na merong nagcacare for you. Gets niyo? Basta ganun yung feeling. Masarap sa pakiramdam.
Tapos hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako.
The next thing I knew is....
*Click*
"Awww how cute together!" rinig kong sabi ni Yassi.
Lagot nakatulog pala ako ng katabi siya.
Tapos winawagayway ni Yassi yung film ng picture naming dalawa. Naku bakit nga ba ako dito natulog sa tabi niya ay bakit nga ba ako pumayag na kasama siya dito sa bahay naming magbabarkada, is this some kind of sorcery huhu. Lord karma ko na ba to.
"waah itapon mo yan!" Sigaw ko kay Yassi at natapilok ako. Nagtakbuhan kami ni Yassi sa buong bahay.
Malas naman.
"Duwag na malas pa." Sigaw ni James. Gago yun ahh. As much as gusto ko siyang durugin ng pinong pino ngayon hindi ko magawa dahil hindi ako makagalaw ng maayos alam niyo yon?!! nakaka-imbyerna??!
"Akin na gamutin natin yan." Sabi ni Jamss nilagpasan ko lang siya. Nakakainis siya sobra. Parang nakonsensya si Yass kaya lumapit siya at tinulungan ako pumunta sa kwarto ko. Diba nga ayun may mga sari-sarili din naman kaming kwarto dito. Sprain lang naman siya kaya di na kailangan ng sobrang gamutan.
"Naddie, alam mo bagay kayo." Nabulunan ako sa tubig na iniinom ko. Bakit naman naisip ni Yass yun bigla nakakaloka talaga tong babaeng to, napaka hopeless romantic.
"Yass, ano nanaman yan naiisip mo nakakaloka ka. Ni maging friends nga kita mo di kami match kahit friends makita ko lang yung lalaking yun lakas na kumulo ng dugo ko Yass sobrang nakakainis siya!!" natatawa si Yassi siguro mukha na akong bombang sasabog dito sa sobrang inis.
"Eh bakit mag-katabi kayo kagabi?" mapang-asar niyang sabi habang tinutusok tusok nanaman niya ako tagiliran ko.
"Okay fine! Naduwag lang naman ako kagabi dahil may sumisit-sit. Grabe Yass nakakatakot sobra akala mo lalabas na yung puso ko sa takot, alam mo yun?" parang namutla din si Yassi at Kath. See hindi lang ako ang duwag sa bahay na to! Marami pa kaming pangarap lahat! Ayaw pa namin pumanaw no!
"Hala Naddie pa-bless na natin tong bahay!" Sabi niya ng kumapit saakin si Kath din tumakbo papunta sa kama. Kahit kelan talaga to si Yassi at Kath, ang cute.
"Malakas ang kapit natin Yass, andito ang pinuno nila. Ang Diablo." Sabi ko at natatawa. Napakunot naman ang noo ni Yassi.
"Si James ang pinuno ng mga demonyo!!" sabi ko at sabay-sabay kaming natawa.
James's POV
Nakakatawa talaga yung babaeng yun, bungangera tapos duwag naman pala. Hindi ko maisip why is she like that to me? para siyang bomba na sasabog hahaha!!
"Uy si James ini-isip si Naddie." Sabi saakin ni Andre. Well iniisip ko naman talaga si Nadine, kung paano ang next move ko upang bwisitin siya hahaha!!
"Bro, ganun ba talaga kainitin ang ulo non? pikon?" sabi ko kay Andre, kasi parang lagi nalang galit di na ata marunong tumawa ang babaeng yun eh.
"Hindi bro, try mo kaya wag pikunin? hahaha!!!" sagot naman ni Daniel.
I remembered last night, sana lagi nalang siyang tulog no? para hindi siya masungit. She looks like a peaceful angel sleeping last night.
Aaminin ko, she's a stunner. Pero yung bunga-nga niya din stunner grabe, kala mo di mauubusan ng salita eh."Huy anong iniisip mo jan?" sabi ni Andre saakin. Napangiti naman ako.
"Kung paano siya bwibwisitin next." Lagot ka sakin Maria Nadine Samantha Lustre.
-------------------------------------------------------
Revised
BINABASA MO ANG
Book 1: All in One (JaDine)
Teen FictionMeet Nadine Lustre, ang jack of all trades lahat kaya niyang gawin. Well, pwera sa isang bagay. Ito ay nagmahal. Makakasurvive nga ba siya sa mala roller coaster niyang buhay?