Chapter 2: Last

738 13 0
                                    

Annika's POV

After class, nag-decide ako na sa Katipunan na lang ako pupunta para bumili ng stationary. Madaming craft store doon pero wala pa akong napupuntahan kahit isa. Sana by this time, may mabili na ako para naman masimulan ko na yung sulat ko para sa kanya.

Few hours later....

"A! para kanino yang sinusulat mo?"
Tanong ng dorm mate ko, si Anne.

"Ah, ano... basta... Wag ka nga tumingin!!"
Sagot ko naman.

"Sus tago mo pa, kita ko naman na para kay Donny mo"

"Alam mo naman pala eh, alis ka na nga!!"
Sabay tulak sa kanya palabas ng kwarto.

Grade school pa lang, kaibigan ko na si Anne. Kaya alam niya lahat ng pinagkakaabalahan ko sa buhay. Lahat napagu-usapan namin pero hindi ko lang talaga kayang ipabasa sa kanya yung mga letter na ginagawa ko para kay Donny. Nakakahiya kaya. Chos.

After kong magsulat, natulog na agad ako para makapag-beauty rest. Rest lang pala, walang beauty. Lol.

Wednesday na bukas kaya may taping ulit si Donny sa ABS. Ibig sabihin non, makikita ko na siya at mabibigay ko na yung last letter ko para sa kanya.

The following day...

*Mirielle calling...*

"Hello Mirielle! Nasan ka na?"

"Kakatapos lang ng class ko ate, didiretso na ako dyan"

"Okay, nandito na ako sa Starbucks sa loob. Hintayin na lang kita. Ingat!"

"Okay ate, see you!"

Mirielle is one of my mutuals, madalas ko na siyang nakakasama since malapit lang yung dorm ko sa bahay nila. She's my on the go friend. Isang text or call lang, G agad siya when it comes to Donny.

After an hour, dumating na si Mirs.

"Hi ate, sorry kung na-late ako. Traffic kasi eh"

"It's okay, saks lang naman. Ano punta na tayo sa audience entrance?"

"Yes, tara"

"For sure madami ng naghihintay kay Donny doon"

And I was right, sobrang dami ng tao. There are different fansclubs na naghihintay sa paglabas ni Donny. This is very unusual kasi dati naman, hindi ganon kadami.

"Ate, super dami ng tao. Makakalapit kaya tayo?"

"Easy breezy, akong bahala sayo Mirs. Sisingit tayo"

"Gusto ko ng mabigay tong chocolates and postcard na binili ko, last time pa 'to eh."

"Ako diiiin, gusto ko ng mabigay 'tong last letter ko"

"AAAAAHHHHHH! DONNY!!!!!!! PA-PIC!!"

"Ay shit, andyan na si Donny Mirs!!"

Wala na pala akong kausap. Andun na siya kay Donny. Loka talaga yun.

Lumapit na din ako, umaasang maiaabot ko tong letter pero pumasok na siya ng sasakyan. Medyo nawawalan na ako ng pag-asa.

Pero hindi, kailangan ko talagang maibigay to sa kanya.

Nakipagtulakan ako para maiabot kay Donny yung letter ko.

"Donny, this is for yoagysfsva"

Di ako informed na ang wild ng mga tao ngayon. Huling araw na ba ni Donny sa ABS? Natulak ako mula sa harap ni Donny papunta sa pinaka-likod. Di ko alam kung naiabot ko ba or nahulog na lang sa lapag yung letter. Shet talaga.

Di ko alam na naka-open pala yung cam ko, and napicturan ko pala siya. *see media*

"Ate ano nangyari sa'yo? Bakit may dugo braso mo?"

"Huh? Asan?"

Pagtingin ko sa braso ko, aba. Dumudugo nga.

"Ah wala yan, nagkatulakan kasi kanina. Kaurat na, uwi na tayo Mirs"

"Okay ka lang ate? Nabigay mo ba yung letter?"

"Actually hindi ko alam kung naabot ko ba, hayaan mo na. Ano? Nakapagpa-pic ka ba?"

"Oo ateeee!! Omg! Hinahanap kita kanina nawala ka eh"

"Loka ka pala eh, iniwan mo ako e"

"Sorry na. Hahahahahaha"

Donny's POV

After so many years.... lol. Natapos din yung picture taking and autograph signing. Nakita ko na may nalaglag na letter so I asked kuya Manny kung pwede niyang pulutin.

"Kuya, can you get that envelope. Nalaglag kanina, hindi ko alam kung sino nagbigay"

"Sige"

Bumaba si Kuya Manny para pulutin yung envelope then he gave it to me.

"It's from A..."

I smiled a bit, matagal ng nagse-send sakin ng letter yung 'A', and hanggang ngayon... Hindi ko pa din alam kung sino siya. Hindi ko nakikita kung sino yung nagaabot since kapag binibigyan nila ako ng gifts or letters, kinukuha ko lang agad.

"Makikilala din kita soon"











It started with a letter - Donny PangilinanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon