Chapter 25: Move in

501 19 0
                                    

Annika's POV

"Mother hen!! Help me pick between these two!!" Sigaw ni Hannah from her bedroom. I'm in the kitchen preparing our breakfast. Every morning, ganito kami. Nagsisigawan, we both have busy schedules so parang eto na yung bonding namin. Yung pagpili ng susuotin ng bawat isa.

"Bring it here! I can't leave my eggs!" What. Sa sobrang sabaw ko parang ang weird nung sinabi ko.

Natatawang lumapit sakin si Hannah, "You can't leave your eggs huh. So, this one or this one?" Tinaas ni Hannah yung dalawang top na hawak niya.

"The red one" I answered.

"Got it. By the way, you know Fili, our cousin, right? He's having a hard time on his Calculus, can you teach him? Madami kasi akong gagawin later eh." Hannah said habang kumukuha ng bacon na niluto ko kanina.

"Yah, sure. Papuntahin mo na lang siya dito. Wag mo ngang ubusin yan!!" Kumuha ulit si Hannah ng isa pang bacon bago tumakbo papunta sa kwarto niya. Wala na siyang bacon mamaya.

After we ate, umalis agad si Hannah. May sinabi pa nga siya na nabanggit yung pangalan ni Donny pero hindi ko naintindihan. Tatanungin ko na lang siya mamaya.

Ever since na lumipat si Hannah dito, never pumalya si Donny na itext ako. Lagi niyang kinakamusta si Hannah, pati ako. We always text each other and talk about random things. Minsan, nakakatulugan ko na lang siya tapos the following day magte-text na lang ulit siya. I don't use my phone often pero ngayong may ka-text na ako.. Halos di ko na mabitawan yung phone ko.

***

Pagkauwi ko sa unit ko, natutulog si Hannah sa sofa. Ang daming nagkalat na papel sa paligid niya so niligpit ko muna. Magluluto na din ako ng dinner namin, pupunta dito yung childhood best friend ko. Si Anne, dito ko muna siya papatuluyin. Para naman may kasama si Hannah kapag wala ako, medyo close na din naman sila so hindi na ako magkakaroon ng problema.

"Annikaaaaaa! Alam mo, blessing ka talaga. Nagtitipid kasi ako ngayon.. Buti na lang tinawagan mo ako para dito na lang mag-stay." Patakbo siyang lumapit sakin para i-hug ako. I only have few friends, and when I say few... Mabibilang lang talaga ng mga daliri mo sa kamay.

"Kailan ka ba hindi nagtipid? Kuripot mo kaya. Ayusin yung isa pang kwarto." Tulak ki sa kanya habang tumatawa.

Itinuloy ko yung ginagawa ko sa kusina nang biglang may nag-doorbell. Lumapit ako sa pinto at sunod sunod na pinindot nung nasa labas yung doorbell, sa sobrang taranta ko binuksan ko na agad yung pintuan.

Nakita ko si Donny na akmang pipindutin na naman yung doorbell at si Fili na nagte-text. Yes, si Fili nga. Kilala ko siya sa mukha eh and guess what, kasama niya si Timo na may kausap sa phone at si Donny na bigla akong tinulak papasok. Akala ko ba si Fili lang magpapaturo? Bakit pati si Timo at Donny nandito?

"Go to your room!!" Tulak tulak pa din ako ni Donny papunta sa room ko. Anong meron?

"Pasok kayo, Timo! Pakisara na lang yung pinto ha." Sigaw ko sa kanila hanggang makapasok ako sa loob ng kwarto at naiwan si Donny sa pinto.

Okay naman suot ko ah? I'm wearing a white v-neck shirt and a sweat pants. Napatingin ako sa itsura ko sa salamin and holy cow. Wala pala akong bra??? OMG. Nakakahiya. Ang tanga mo talaga Annika. Alam mo naman na pupunta si Fili dito tapos wala kang bra. Kaya pala ako tinulak ni Donny. SHIT.

So nakita niya. Mas nakakahiya. Pero buti na lang siya lang yung nakakita, paano kung pati si Timo at Fili. Dali dali akong nagayos ng sarili ko, hindi ko alam kung lalabas ba ako o hindi na. Pero naalala ko na may niluluto pala ako. Kung wala siguro, hindi talaga ako lalabas.

It started with a letter - Donny PangilinanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon