Chapter 29: Fireworks

266 8 0
                                    

Annika's POV:

Namamalengke kami ngayon dito sa bayan ng Sta. Rosa para bumili ng mga lulutuin namin para sa Media Noche. Tita Maricel insisted na sa kanila ako maki-celebrate ng New Year dahil di naman na daw ako iba. Wow lang.

Kasama ko din pala si Hannah and Benj ngayon Namimili kami ngayon ng mga seafood, crabs and ousters to be specific. Sila Tito Anthony naman, nasa bahay nila. Nagluluto ng kung ano man.

Bumulong sakin si Hannah "Grabe pala here no, ang stinky."

"Wag kang mag-english dito, baka manakawan tayo." Mahina ko ding sabi.

"Kuya magkano po ang isang kilo ng talaba?" Sabi ko sa tindero. Nginitian ko din siya para may discount. Sana effective.

"What's talaba? Fats?" - Hannah

"Oyster, ats. Ano ba yan, daig pa kita." - Benj

"350 na lang kilo por you miss byutipul. Dating por hundred yan." Sabi ni Kuyang tindero.

"320 na lang kuya, dalawang kilo naman po bibilhin ko."

"Sige na nga, sige na nga"

Papalabas na kami ng palengke at hawak hawak ni Benj yung pinamili namin nang may makabunggo siyang babae, maganda at matangkad. Dumikit yung katas ng seafood sa kanya. She's wearing all white for pete's sake. Seryoso ba, pupunta siyang palengke ng naka-puti?

Nanlaki yung mata nilang dalawa. Wala din akong masabi kaya umatras kami ni Hannah. Parang nag-slow mo?

"You know what Benjamin Ryan? You're so nakakadiri talaga. Bakit ba kasi hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo? You're so dugyot. You even have coffee spill on your shirt. Eww!" Dire-diretsong sabi nung babae kay Benj. Namula din yung babae sa sobrang inis at nagtakip ng ilong. Natapunan kasi si Benj ng kape kanina.

"I'm really sorry your highness. Ikaw kaya yung hindi nakatingin and wow, you never fail to surprise me. You're wearing an all white outfit dito sa palengke? Are you even real?" Hinawakan ni Benj yung balikat nung babae. Magkakilala sila?

"Eww, don't touch me nga Mr. D!!" Naglakad na palayo yung babae.

"Mr. D?" Sabay sabay naming sabi.

Narinig yun ng babae kaya sumigaw ulit siya, "D as in Dugyot!"

Napatawa naman si Benj with matching hawak sa tiyan.

"What did just happened?" - Hannah

"Oo nga? Magkakilala kayo?"

"She's my classmate. Transferee." Tipid na sabi ni Benj at nagkibit balikat.

"Ohhh" sabay naming sabi ni Hannah.

***

It was 7 pm when we finished cooking and preparing for our Media Noche. It's my first time to celebrate New Year without Mamu.. Buti na lang pinayagan nila ako na dito maki-celebrate kila Hannah. Pahirapan pa nga sa totoo lang, pero nung kinausap ni Hannah si Mamu, aba... Ang bilis pumayag.

Hannah's filming a grwm video while Solana and I are just waiting for her to finish. After a few minutes. Bumaba na kami para mag-party daw. Nandito din yung ibang relatives nila kaya sobrang nahihiya talaga ako. Ate Sam (Kuya Pao's wife) always asks me about Donny. Kung ano daw kami. She also wants me to hang out with her kasi daw gusto niya akong gawing model? That's not my thing pero I said yes, ang cute kasi ni Leia. (Anong connect)

Nag-picture taking muna kami bago nagsindi ng mga sparklers. We also had a mini program hosted by Ate Ella. We're now playing rock paper scissors at kami na lang apat nila Donny, Timo, Fili at ako ang natitira.

It started with a letter - Donny PangilinanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon