Chapter 16.1: Eya

500 14 3
                                    

Authors Note: Chapter 16 was supposed to be a long one but I accidentally pressed the Publish button. My bad. Please bear with me guys, I don't really write stories so most of time, the updates are lame. Mema kumbaga. Lol. Thank you for reading #ISWAL. Here's the continuation....

Annika's POV

Maagang natapos yung meeting namin so nagayos na agad ako ng gamit ko.

"Where do you want to eat?"

"I'm actually leaving, can't come with you today. Sorry. Madami pa akong gagawin eh"

"Ohh, hatid na kita gusto mo?"

"Thanks but no need na Tims. Hassle pa eh. Magu-uber na lang ako."

"Okay, ingat ka. Text me when you get there na"

Naisip ko na bumili na lang ng lunch since wala na akong time para mag-luto. Nagi-ikot ako ngayon around BGC, looking for a japanese resto. Bibilhan ko na lang din si Donny. Wala talaga akong idea kung ano yung dapat kong bilhin so I called Hannah

"Annicakeee, napatawag ka?"

"I'm here at BGC, anong japanese resto nga yung favorite niyo?"

"Kumakain ka na ng Japanese food? Since when?"

"Not for me, para sa Kuya mo sana"

"Ohhh, sweet naman. Try Ooma, just get him a maki and a crab tempura."

"Okay, Thanks Hanns! Good luck ha"

"Anytime. Kiss mo ko kay Solana ha"

"Sure!! Bye."

After I bought our food dumiretso na ako sa bahay nila.

Walang tao, nasan kaya si Donny? Nilapag ko muna yung food na binili ko sa dining table then I changed into my comfy clothes.

Nawala yung gutom ko so nag-linis na lang muna ako ng pool. Creepy pala kapag ang laki ng bahay mo tapos walang tao. Okay, wag mo takutin sarili mo Annika...

After an hour, kumakain na ako ng dumating si Donny.

"Donny, kain ka muna dito. I bought you a japanese food."

Tiningnan ko si Donny na busy sa phone niya habang nakangiti. Sino kaya kausap non?

Bigla siyang tumakbo pa-akyat. Don't say hindi niya kakainin 'tong binili ko? Ang mahal pa naman.

Eh sino ba kasing may sabi na bilhan mo siya niyan, Annika? Shunga ka din eh.

Maya maya pa, may nagdo-doorbell so pumunta ako sa gate at mejo nagulat ako kasi Sila Sunny, Turs, and Ai 'to ah. I smiled at them..

"Hi, nandyan ba si Donny?" - Ai

Sasagot pa lang sana ako ng biglang sumulpot si Donny sa likuran ko.

"Uy, pasok kayo." - Donny

Nag-beso sila kay Donny saka sila pumasok sa loob. So may taga bukas na may taga sara pa ng pinto. Kainis. Nagsisimula ng uminit ulo ko kay Donny ha.

Nasa sala sila ngayon at base sa narinig ko. Gagawa daw sila ng video para sa channel ni Turs. First video niya ata.

"Donny, ipaghahanda ko ba kayo ng merienda or kahit anong snacks?" I asked Donny pero busy siya sa phone niya or should I say, he's pretending na busy siya sa phone niya wala naman kasi siyang ginagawa nagii-scroll lang. Hindi niya ako sinagot so Turs answered instead.

It started with a letter - Donny PangilinanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon