CHAPTER 1: Gray Fullbuster

891 25 7
                                    

Isang gabi matapos isakripisyo ni Ul ang buhay niya para iligtas sina Lyon at Gray kay Delyora ay nagpalaboy-laboy ang batang si Gray at napadpad sa Magnolia kung saan nakatayo ang pinakakilala na guild sa Fiore, ang Fariy Tail. Dahil sa sobrang gutom na si Gray ay pumasok siya sa guild ng Fairy Tail upang humingi ng pagkain ngunit pagpasok na pagpasok niya rito ay agad siyang nawalan ng malay.

MIRAJANE POV:

"May batang nahimatay sa tapat ng pinto!" sigaw ko nang makita ko ang nakahandusay na bata. Agad akong tumakbo sa may pintuan at tinignan ko kung sino ang batang iyon. "Master! May batang nahimatay dito sa tapat sa pinto. Pero hindi ko kilala ang batang ito." sigaw ko habang binubuhat ang bata. Dinala ko ang bata sa silid at agad na pinagpahinga. Ilang minuto pa ang lumipas ay nagising na ang bata. "N-nasaan ako? S-sino ka?" tanong niya sa akin. "Ako si Mirajane. Nakita kitang nakahiga at walang malay sa tapat ng guild kaya inakyat kita dito sa silid para makapagpahinga ka." tugon ko sa bata. "bakit ka nga ba napadpad dito at anong pangalan mo?" tanong ko sa kanya. "Ako si Gray Fullbuster. Isang ice make wizard na sinanay ni Ul. Iniligtas kami ni Ul sa mapanganib na si Delyora at dahil sobrang gutom na ako, nagawi ako dito dahil nakaamoy ako ng pagkain." tugon ni Gray sa akin. Hinila ko si Gray at agad kong hinainan ng pagkakain si Gray.

GRAY POV:

Sinama ako ni Mirajane para kumain at inihainan niya ako ng masasarap na putahe. "Napakasarap naman ng mga ito." sabi ko kay Mirajane. "Master. Si Gray Fullbuster nga po pala. Siya po yung batang nawalan ng malay kanina." sabi ni Mirajane sa matandang lumapit sa amin. "Ako nga pala si Macarov Deyar, ang master ng guild na ito." pagpapakilala sa akin ng matanda. "M-master po kayo ng guild na to?" ang mga katagang masabi ko dahil sa gulat. "Gusto mo bang sumali sa guild namin?" tanong ni Master Macarov sa akin. Napatango na lang ako at agad nilang tinatakan ang dibdib ko ng marka ng Fairy Tail. Nagdiwang ang lahat sa pagdating ko sa guild pero alam ko sa sarili ko na may kulang sa buhay ko.

Kinabukasan ay sinubukan kong kumuha ng request ngunit sabi ni Master kailangan ko raw ng kasama kaya't pinasamahan niya ako kay Natsu, isang dragon slayer. Agad kaming umalis ni Natsu at tumungo sa napili kong request. Dahil nga siguro sa hindi magkasundo ang apoy at yelo, hindi rin namin makuhang magkasundo ni Natsu. Natapos namin ang request at umuwi kaming nagbabangayan. Agad naman kaming natigilan ng dumating ang isang batang babae na nakasuot ng baluti at sinuntok kaming dalawa. "Natsu. Sino na naman yang batang inaaway mo?" tanong ng batang babae kay Natsu. "S-si Gr-gray Fullbuster bagong myembro ng Fairy Tail." tugon ni Natsu na para bang takot na takot siya. "So ikaw pala ang bagong salta." sabi sa akin ng babae sa akin. "Ako nga pala si Erza Scarlet." pagpapakilala niya sa akin. "Ti-titani-nia?!?!?" sinabi ko na gulat na gulat. Sabay sabay kaming bumalik sa guild. Kuamin kami at nagpahinga.

Lumipas pa ang mga araw at ang mga taon at mas naging malapit ako kanila Natsu at sa iba pa. Binigyan ako ni Levy ng diary para daw isulat ko ang mga nararamdaman ko sa araw-araw. Sinimulan ko ang pagsulat sa diary na ito. ~Nasaan  ka na ba? Matagal na kitang hindi nakikita. Sobrang namimiss na kita.~ unang linyang naisulat ko sa diary na ito. Hindi ko namalayang tumutulo na pala ang mga luha ko at nagulat ako dahil pinunasan ni Levy ang mga ito. "ok ka lang ba Gray?" tanong niya sa akin. "Ok lang naman ako. May naalala lang." tugon ko sa kanya. Tinabihan ako ni Levy at kinuwento ko sa kanya ang lahat. "T-talaga Gray?" gulat na gulat na sinabi ni Levy. "W-wag k-kang maingay." sabay takip ng bibig ni Levy. "O-oo hindi ako magiingay." sabi ni Levy sa akin. Patuloy namin siyang pinagusap ni Levy sa tuwing nakikita ako ni Levy na nagsusulat sa diary ko.

Ilang buwan pa ang nakalipas ay sumali si Lucy Heartfilia sa Fairy Tail. At sa pagsali niya sa Fairy Tail ay mas naging exciting ang lahat. Tinalo namin ang guild ni Erigor at natalo ang Flute. Tapos tinalo rin namin ang Jupiter at ang Element Four ng Phanthom Lord. At marami pang kaganapan. Bago ko makalimutan, dahil din kay Lucy ay nakita ko ulit ang taong mnamal ko. Nabuo rin ang pinakamalakas na team ng Fairy Tail. Ako, si Erza, Natsu, Lucy, at Happy. marming ngangyari sa mga lumipas na panahon at patuloy ang kagustuhan kong makita siyang muli. 

Isang araw y kumuha ng request si Lucy at sinamahan namin siya nila Natsu, Happy, at Erza kagaya ng dati. 

LUCY POV:

"Grabe ang layo naman ng pupuntahan natin." pagrereklamo ko sa mga kassama ko. "Naku Lucy, ikaw naman ang kumuha ng request na ito kaya manahimik ka na lang." sabi ni Erza sa akin habang tinitignan ako ng masama. "S-sabi ko nga tatahimik na ako eh." sabi ko sabay tago sa likod ni Natsu. "Ang init naman." sabii ni Gray sabay tanggal ng kanyang mga damit. "Gray suutin mo nga ang mga damit mo." sabi ni Happy. Agad namang sinuot ni Gray ang damit niya. "Teka huminto muna tayo. Mukhang may sumusunod sa atin." sabi ni Erza. Agad naman  kaming huminto at hinanap ang sumusunod sa amin. "Lumabas ka na!" sigaw ni Erza. Agad namang lumabas si Juvia. "Diba ikaw yung Water Mage ng Phanthom Lord? Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Gray.

JUVIA POV:

"Naaalala pa niya si Juvia." sabi ni Juvia sa sarili. Hinawakan ni Gray-sama ang mga kamay ni Juvia. "Anong ginagawa mo dito Juvia?" tanong niya kay Juvia. "P-pwede ba akong sumama at tumulong sa inyo?" tanong ni Juvia sa kanila. Pumayag si Erza na sumama si Juvia at tuwang tuwa si Juvia. Hindi tinanggal ni Juvia ang tingin niya kay Gray-sama. Patuloy ang paglalakbay ni Juvia kasama ang mga bago niyang kaibigan. "Masaya si Juvia na nakasama kayo." sabi ni Juvia habang niyayakap si Gray-sama. Namula si Gray-sama habang yakap siya ni Juvia. Nang makarating na si Juvia at ang knyang mga kasama ay agad nilang isinagawa ang request. Nagkahiwa-hiwalay sila at si Juvia ay nakasama si Gray-sama.

GRAYPOV:

Kasama ko si Juvia dahil nagkahiwa-hiwalay kaming lahat. Mabuti na rin yun at may kasama pa ako. "Tara Juvia." hinila ko si Juvia papunta sa isang bahay. "A-annong gagawin mo kay Juvia?" tanong niya sa akin. "Magtatanong tayo kung saan yung request natin." sagot ko sa kanya. Matapos magtanong ay agad kaming tumungo sa  dereksyon na tinuro sa amin nung napagtanungan namin. "Juvia wag kang lalayo sa akin ayokong pti ikaw mawal sa paningin ko." sabi ko sa kanya. Namula ang mukha ni Juvia. Nang makarating na kami ni Juvia sa request, nakarinig n kami ng kaguluhan. "Siguro nauna na sa atin sina Erza." sabi ko kay Juvia. Agad kaming umakyat sa tore at kinalaban namin ang mga evil mages na humarang sa amin.

Ilang oras pa ang nakalipas at nagkita-kita na rin kami nila Erza at natapos na namin ang request qt sabay kaming bumalik sa guild. Nang makarating kami sa guild ay agad kong hinanap si Levy at nagkwento kung ano ang nangyari. Agad ko rin itong isinulat sa aking dairy. Binasa ni Levy ang dairy ko at tumawa siya. "Puro tungkol sa kanya ang laman nito ah. Bihira lang ang misyon ninyo. Puro siya at kung gaano mo siya namimiss." pangaasar sa akin ni Levy. Ilang oras pa  at patuloy kaming naguusap ni Levy. "Mahal mo talaga siya noh?" tanong sa akin ni Levy. Natigilan ako sa tanong n yun at ang nagawa ko na lang ay ang tumango. "Just as i expected." sabi ni Levy. "Sana magkita na kayo ulit ng maging masaya ka na." dagdag pa ni Levy.

Lumipas pa ang mga araw at lagi ko pa rin siyang naiisip. Lagi namin siyang pinaguusapan ni Levy. "Alam mo Gray siguro laging nadadapa at nabubulunan yon." sabi ni Levy. "Huh, bakit?" tnong ko sa kanya. "Kasi lagi mo siyang binabanggit." pangaasar ni Levy. Hinila ako bigla ni Natsu sa kinauupuan ko habang naguusap kami ni Levy. "Tara Gray, maguusap tayo." sabi sa akin ni Natsu. Nang makalabas kami ng guild nagulat ako sa nakita ko. Isang malaking cake na may nakasulat na happy birthday Gray. Nagpasalamat ako sa kanilang lhat dahil hindi nila nakalimutan ang birthday ko. Ipinagdiwang namin ang kaarawan ko at ng lumubog ang araw y isinult ko ito s dairy ko. ~sinurpresa nila ako ngayon sa biirthday ko. Napakasaya ng araw na ito. Pero sana nandito siya para mas masaya.~ mga katagang sinulat ko sa dairy ko.

Kailan ko kaya siya makikita? Bakit ko ba siya iniisip? Bakit ko ba siya mahal? Mga tanong na gumugulo sa isipan ko araw-araw. Nang matapos kong isulat sa dairy ko, natulog na ako.

AUTHOR POV:

Sino nga ba yung "siya" na mahal ni Gray at lagi nilang pinaguusapan ni Levy? Sino nga ba yung "siya" na laman ng dairy ni Gray? Sino nga ba "siya"?

Mages of Love: The Secret Affair of the Ice Wizards of Fiore (Book One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon