CHAPTER 2: Lyon Vastia

328 20 2
                                    

Isang gabi umatike si Deliora sa isa sa mga bayan sa Fiore, dahil gustong mghiganti ni Gray kay Deliora, iniwan ni Gray ang kanyang gurong si Ul at ang knyang kaibigang si Lyon.

LYON POV:

"Ul, umalis na si Gray. Hindi ba nati siya susundan?" tanong ko kay Ul. Hindi sumagot si Ul pero alam kong gusto niyang iligtas si Gray. Kahit ako gusto kong iligtas si Gray pero alam kong hindi ko kaya si Deliora. Nagulat ako ng bigla akong hinila ni Ul. "U-Ul saan tayo pupunta?" tanong ko kay Ul. "Ililigtas natin si Gray. Hindi ko na kayang mawalan pa ulit ng isang anak." sagot ni Ul sa akin. "Hindi ko rin kayang mawala sa akin si Gray." sabi ko sa sarili ko. Nagmadali kami ni Ul para iligtas si Gray. Sinubukan ko ang ipinagbabawal na atake ang Ice Shell ngunit pinigilan ako ni Ul at nakatulog ako.

GRAY POV:

"Lyon!!" sabi ko ng tumilapon si Lyon sa may malaking bato. Nang nilapitan ko si Lyon nakita ko sa malayo si Ul na papunta kay Deliora. Lumapit ako kay Ul at nakita kong ng is niyang binti ay yelo na lang. Agad niyang ginawa ang Ice Shell at siya ay naglaho. Nng magising si Lyon, "Gray nasaan si Ul?" tanong niya sa akin. "W-wala n si Ul." sinabi ko habang umiiyak. "Wag ka ng umiyak Gray." sabi bi Lyon habang niyayakap niya ako. Patuloy ang pagiyak ko at hindi ko na nmlyang wala na si Lyon sa tabi ko. "Lyon!! Lyon!! Nasaan ka na!!" sigaw ko habang patuloy na umiiyak.

LYON POV:

Iyak ng iyak si Gray kaya't yinakap ko siya para patahanin. Narinig ko ang mga kumukulong sikmura namin kaya't napagdesisyonan kong maghanap ng makakain naming dalawa. "Gray, wag kang aalis dito. Hahanap lang ako ng pagkain. Babalikan kita." sabi ko s kaya at binitawan siya. Nng makalayo ako narinig ko siyang hinahanap ako ngunit hindi na ako bumalik kasi naghahanap ako ng makakain namin. Nang makakuha ako ng makakain, dali dali akong bumalik kung saan ko iniwn si Gray ngunit hindi ko siya nakita doon. Naghanap ako sa mga malalapit na lugar pero hindi ko p rin siya nakikita. Hindi ko namalayang bumubuhos na pala ang mga luha ko. Pinahid ko ang mga ito at patuloy kong hinanap si Gray. Sa paghahanap ko kay Gray, nakilala ko si Sherry Blendy, Yuka Suzuki, at Toby Horhorta. Nakita ko kung gaano sila kagalit kay Deliora. Ilang araw pa nang paghahanap at napansin kong sumusunod sa akin sina Sherry. Naglakbay kami at lumipas ang mga ton at nadala namin si Deliora sa  Galuna Island. Dito namin isinnagaw ang moon drip para muling pakawalan si Deliora sa Ice Shell ni Ul.

"Ilang buwn na rin nating tinutunaw ang yelo na bumabalot kay Deliora." sabi sa akin ni Sherry. "Oo nga. Kailan ba matutunw ang yelong yan?" dgdag pa ni Yuka. "Matuto tayong maghintay sa mga mangyayari." sagot ko sa kanila. Hindi ko alam na nagpadala ng request ang mg mamamayan ng Galuna Island sa Fairy Tail. Hindi ko akalaing dito ko ulit siya makikita. Umakyat si Gry sa tuktok ng bundok kung saan nandun ako at nakahelmet ako.

GRAY POV:

"Sherry, Yuka, Toby, kayo na ang bahala sa mga kasama niya. Ako na ang lalaban sa kanya." sabi nung lalaking nakamaskara habang nakaturo sa akin. "Parang kilala ko ang boses na yun. Hindi ako pwedeng magkamali.." sabi ko sa sarili ko. Nang kaming dalawa na lang ang natira, naglaban kami at ntanggal ko na ang maskara niya. "Lyon!!" sabi ko sabay yakap sa kanya. "B-bumitaw ka Gray." nauutal na sinabi ni Lyon sa akin. "Hindi. Hindi ako bibitaw Lyon." sabi ko sa  kanya habang umiiyak. "Hindi ka rin nagbabago. Iyakin ka pa rin kagaya ng dati." sabi niya sa akin at niyakap niya ako. "Siguro narito kayo para tapusin ang request ng mga taga-Galuna?" tanong niya sa akin. "O-o. P-pero hindi kita kyang saktan Lyon." tugon ko sa kanya. Itinulak ako ni Lyon at sinimulang atkihin. "P-pero bakit?" tanong ko sa kanya. "Kailangan mo akong talunin para matapos mo ang misyon mo." tugon niya sa akin. Patuloy siya sa pagatke habang ako naman ay patuloy lang sa pagiwas sa mga atake niya.

LYON POV:

"Bakit hindi mo ako inatake? Paano mo matatapos ang request na  kinuha ninyo?" tanong ko kay Gray. "Bakit hindi mo pinapatama ang mga atake mo sa akin?" tanong niya sa akin. Namula ako at hindi nakakibo. "Ang hirap saktan ng nagiisang taong mahal ko." sabi ko sa sarili ko. Patuloy ko siyang inaatake pero hindi ko ito pinapatama sa kanya. Nang makabalik si Sherry, di ko na maiwasang pattamain kay Gray ng mga atake ko at natalo ko siya dahil hindi siya lumalaban. Matapos ang laban namin ay kinuha siya ng kasama niyang lalking bumubuga ng apoy. Napilitan akong umatke para ipakitang nilalabanan ko ang mga Fairy Tail wizards lalo na si Gray. Natalo kami at natpos nila ang request nila. Umalis na sila sa Galuna at nagkahiwalay ulit kami ni Gray. Umalis na rin kami ng mapayapa sa Galuna at naglakbay sa Fiore. 

Naglakbay ako kasama sina Sherry, Yuka, at Toby at napadpad kami s Lamia Scale. Sumali kami sa guild na ito at nabilang sa mga wizards ng Lamia Scale. Kumuha kami ng request bilang isang grupo at palagi nming natatapos ito ng maayos. Isang araw nakita ko sa malayo si Gray kasama ang isang babaeng tubig. Sobrang malapit kay Gray. Gusto ko na sanang lapitan pero gumagawa pala sila ng request kaya't hindi na ako nagpakita. Patuloy kong sinubaybayan si Gray at napagalaman kong Juvia ang pangalan ng babaeng tubig. Sobrang selos n selos ako dahil sobrang close sila. Ngunit wala akong magagawa kaya't hinayaan ko na lang sila. Umuwi ako sa guild ng sobrang lungkot at hindi ako namamansin ng mga panahong iyon.

SHERRY POV:

"Lyon, nakabalik ka na pala." pagbati ko sa kanya. Laking gulat ko ng dinaanan lang niya ako. "Lyon? Ok ka lang ba?" tanonng ko sa kanya. Ngunit wala pa rin akong narinig na sagot mulla sa kanya. "Hayaan mo na siya Sherry." sabi ni Yuka sa akin. Nakita ko si Lyon na umakyat sa silid niya at binagsak ang pinto.

LYON POV:

Umakyat ako sa aking silid at sinarado ang pinto. "Sino ba yung Juvia na yun sa buhay ni Gray?" tanong ko sa sarili ko at hindi ko napansin na tumutulo ang luha ko. "Sino nga ba si Juvia sa kanya?" paulit-ulit na tanong ko sa sarili ko hanggang sa nakatulog ako.

AUTHOR POV:

Magtatagpo pa ba ang landas nila Gray at Lyon? Malalaman kaya ni Gray ang nararamdmn ni Lyon para sa kanya?

Mages of Love: The Secret Affair of the Ice Wizards of Fiore (Book One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon