CHAPTER 4: The Grand Magic Ball

207 18 2
                                    

Taon taon ay iniimbitahan ng plasyo ang lahat ng salamangkero ng Fiore para magsama-sama sa isang malaking salo-salo, isang malaking selebrasyon, ang Grand Magic Ball. Limang myembro lang ng Fairy Tail ang dumating; sina Natsu, Gray, Lucy, Juvia, at Erza. Dumating na rin ang mga myembro ng Lamia Scale; sina Lyon, Sherry, at Yuka. Dumating na rin ang mga representante  ng Sunlight Wyvern; sina Scarlet, Crimson, Ayame, Brian, at Alfer. Dumating na din ang iba pang guilds at independent mages. Lumabas na ang hari ng Fiore at sinimulan na ang kasiyahan.

GRAY POV:

Sinimulan na nila ang kasiyahan. Agad kongg hinanap si Lyon dahil sabi nila may sayawan daw pero bago ko pa siya makita ay hinarang nila Crimson. "Hi Gray. Naaalala mo pa ba kami?" tanong sa akin ni Scarlet. "Oo naman. Teka may hinahanap ako. sige bye." tugon ko sabay alis. Nakita ko na lang na sumasayaw si  Ayame kasama yung Brian at si Crimson naman ay kasayaw si  Alfer. Si Yuka naman ay nilaapitan si Scarlet at nagsayaw rin sila. Si Natsu at si Lucy sumsayaw na rin habang si Erza naman ay kasayaw ni Jellal. Nang makita ko na si Lyon at dapat yayayain ko na sumaayaw ay bigla akong hinila ni Juvia. "Gray-sama. Gusto ni Juvia na ikaw ang kasama niyaa sumayaw." sabi sa akin ni Juvia habang hinihila ako sa gitna. Wala akong nagawa kundi isayaw ang makulit na si Juvia. Nang isinasayaw ko na si Juvia ay nakita kong niyaaya ni Lyon sumayaw si Sherry. Sobrang nalungkot ako sa nakita ko. ipiagpatuloy ko na lang ang pagsasayaw namin ni Juvia.

LYON POV:

Nagsimula na ang sayawan at lahat sila nagsasayaw na. Nakita kong papalapit sa akin si Gray. "Yayayain ba niya ako sumayaaw?" tanong ko sa sarili ko. Habang papalapit si Gray ay nakikita ko rin si Juvia na sumusunod sa kanya. Bigla na lang nawala sa paningin ko si Gray at nang makita ko ulit siya ay nakita kong isinasayaaw na niya si Juvia. Sa sobrang inis ko ay hinila ko na lang si Sherry para sumayaw. Habang sumasayaw kami ni Sherry ay sinikap kong mapalapit kami kanila Gray. "Gray-sama ang galing mo pala sumayaw." sabi ng malanding si Juvia. Hindi kumikibo si Gray. Sa isang sinasadyang pangyayari, itinulak ko si Sherry kay Juvia at parehas silang natumba. Nadaganan ni Sherry si Juvia kaya't inalalayan ni Sherry si Juvia papunta sa mga upuan para makapagpahinga. Agad ko namang hinila si Gray at isinayaw siya. Hindi kumikibo si Gray pero halatang namumuula siya.

GRAY POV:

Natumba si Sherry at nadagan si Juvia. Natulala ako sa mga nangyayari. Nang makalayo na si Juvia at Sherry ay hinila ako ni Lyon at nagsayaw kami. Naramdaman kong namumula ang buong mukha ko at ng tinignan ko si Lyon, nagbublush din siya. Ilang minuto akong hindi kumikibo dahil hindi ko sigurado kung panaginip lang ang lahat ng ito. Nagising lang ako nung naapakan niyaa ang paa ko. "Totoo nga ang lahat ng ito." sbi ko sa sarili ko. "L-lyon, bakit nagbublush ka?" tanong ko kay Lyon. "Huh? A-ako nagblush? Hindi ah. Eh ikaw nga itong namumula eh." sabi sa akin ni Lyon. Naramdaman kong lalong namula ang mukha ko dahil sa mga sinabi niya. Bigla niya akong niyakap at sa sobrng gulat ko ay wala akong nagawa. 

LYON POV:

"Gray, mahal na mahal kita." bulong ko sa kanya. Naramdaman kong bumilis ang tibok ng puso ni Gray dahil sa mga sinabi kong iyon. "Na-nani?" yun na lang ang nasabi niya. "Ang sabi ko mahal kita." inulit ko sa kanya. Hindi siya nakapagsalita at hindi niya namalayang humigpit na ang yakap niya sa akin. "G-gray.." sabi ko. "Bakit?" tanong niya sa akin. "M-masyadong mahigpit ang yakap mo sa akin. H-hindi ako m-makahinga." sabi ko. Agad niyang niluwagan ang yakap niya sa akin. Hindi ako makapaniwalang nasabi ko kay Gray ang nararamdaman  ko sa kanya. Niyaya ko si Gray na umupo at kumain. Kinuha ko ang mga paborito naming pagkain at pinagsaluhan namin ito. "Say ahh.." sabi ko habang sinusubuan ko siya ng monchi. "A-ano ba. K-kaya ko kumain ng magisa." nauutal niyang sinabi sa akin. "Bakit ka namumula?" pangaasar ko sa kanya.

GRAY POV:

"Say ahh.." sabi ni Lyon habang sinusubuan niya ako ng monchi. "A-ano ba. K-kaya ko kumain ng magisa." nauutal kong sagot sa kanya. "Bakit ka namumula?" pangaasar niya sa akin. "Kapag hindi ka pa tumigil hahalikan na kita." sabi ko sa kanya. Parehas kaming natigilan sa mga sinabi kong iyon. "Eh bakit ka nga namumula?" patuloy na pangaasar niy sa akin. "Oh bakit ntigiln ka, akala ko ba hahalikan mo ako kapag hindi kita tinigilan?" dagdag p niya. "Ano k sinuswerte? Ehdi komota ka diba?" bawi ko sa kanya. "Sinog nagsabing hindi ako kokota." sbi niya sa akin sabay halik sa labi ko. Natigilan ako sa ginawa niya. Makalipas ang ilang sigundo ay itinulak ko papalayo si Lyon at umalis ko s kinauupuan ko. Agad kong tumakbo sa balkonahe ng palasyo at kinausap ko ang sarili ko. "B-bakit sobrang bumibilis ang tibok ng puso ko?" tanong ko sa sarili ko. Ilang oras pa akong nakatayo sa balkonahe at biglang may yumakap sa akin mula sa likod.

"Gray. Sorry sa ginaw ko kanina." sabi sa akin ni Lyon. "Ano pa bang magagawa ng sorry mo, eh nagawa mo na?" tanong ko s kanya. "G-galit ka ba sa akin?" tanong niya. "Lyon binastos o ako. Syempre mgagalit ako sayo." sabi ko sa kanya habang tinatanggal ang pagkayakap sa akin. "So galit ka nga  sa akin."sabi ni Lyon. "Sorry sa ginawa ko Gray." sabi niya at umalis na siya.

LYON POV:

"Sobrang nabastos ko ata si Gray sa ginawa ko. Sige hahayaan ko na lang muna siyaang magisa." sabi ko sa sarili ko. Ilang oras pa ay nakita ko si Gray na masayang isinasayaw si Juvia. Sobrang nagalit ako sa sarili ko dahil sa ginawa ko. Dapat ako ang kasayaw ni Gray hindi si Juvia. Nanahimik na lang ako sa isang tabi at uminom ng uminom ng alak. Di ko namalayang sobrang dami na pala akong naimom na alak kaya't nakatulog na ako sa kinauupuan ko. Nagising ako na nakahiga na sa aking silid at nakapang tulog na. "S-sino kaya ang naguwi sa akin? B-binihisan pa niya a-ako. Ibig sabihin nakita  niya ang lahat lahat sa akin?" tanong ko sa sarili ko.

GRAY POV:

Iniwan na ako ni Lyon sa balkonahe at patuloy akong nagisip tungkol sa mga nangyari nang bigla akong hinila ni Juvia at dila sa sayawan. Wala akong nagawa kundi sumayaw kasama si Juvia. Nakita kong sobrang saya ni Juvia kaya't natuwa na rin ako. Patuloy kaming nagsayaw hanggang sa nakita kong nilulunod na ni Lyon ang sarili niya sa alak. Ilang oras pa ang lumipas ay nakita kong nakatulog na siya dahil sa kalasingan. Agad ko siyang nilapitan at binuhat pauwi sa tinutuluyan niya. Habang akay-akay ko siya sa paglalakad ay bigla siyang nagsuka. Nasukahan niya ang kanyang mga samit at pati na rin yung mga damit ko. Nagmadali na akong ihatid siya sa tinutuluyan niya. Agad kong hinubad ang mga suot niya at pinaliguan siya. "Hay, kagaya parin ng dati. Ako pa din ang nagpapaligo sayo kapag may sakit o hindi ka na makakilos." sabi ko sa kanya habang pinapaliguan siya. Matapos ko siyang paliguan ay binihisan ko na siya at inihiga sa kanyang kama. Matapos ay naligo na rin ako at nanghiram ng damit sa kanya. Matapos na masigurong maayos na si Lyon ay iniwan ko na siyang magisa. Naglakbay ako papauwi ng Fairy Tail dala ang mga damit kong nasukahan ni Lyon.

Nang makarating ako sa guild ay agad nilang napansin na iba ang suot kong damit. Ipinaliwanag ko kung bakit nagpalit ako ng damit at umuwi na ako sa tinutuluyan ko. Agad  kong isinulat ang lahat ng nangyari sa dairy ko at mataapos magsulat ay nilinis ko ang aking mga damit at natulog. Kinabukasan ay kwinento ko kay Levy ang lahat ng nangyari at sobra siyang kinilig sa kanyang mga narinig. Pulang pula naman ako habang kinukwento kay Levy ang lahat.

LYON POV:

Matapos kong maligo at magalmusal ay dumeretso ako sa guild para kumuha ng request. "Lyon saan ka nagpunta kagabi? Bakit bigla kang nawala?" tanong sa akin ni Sherry. "Sobrang nalasing kasi yan si Lyon kaya bigla siyang nawala." sabi ni Yuka. "So, i-ikaw ang n-nag uwi sa akin kagabi?" tanong ko kay Yuka. "Hindi. Si Gray ang naguwi sayo. Tinanong kasi niya ako kung paano daw pumunta sa bahay mo kasi ihahatid ka na niya dahil sobrang lasing ka na daw." sabi ni Yuka. Namula ako nung sinabi ni Yuka na si Gray ang naguwi sa akin. Agad akong kumuha ng request at umalis na ng guild.

AUTHOR POV:

Habang naglalakad si Lyon papunta sa kinuha niyang request, "I-ibig s-sabihin si G-gray ang nag-b-bihis at n-nagpaligo s-sa a-akin kagabi?" tanong niya sa sarili niya. "Malamang sa malamang Lyon. Siya yung naghatid sayo pauwi eh." tugon ko sa kanya. "Hay ito na naman ang maingay na voice over na lagi akong kinakausap." bulong ni Lyon. "May sinasabi ka?" tonong ko sa kanya. "I-ibig sabihin nahawakan at nakita niyaa lahat sa a-akin?" tanong niLyon habang pulang pula ang kanyang mukha. "Malamang Lyon. Nakita't nahawakan niya lahat. Pinaliguan at binihisan ka niya ehh." pangaasar ko pa sa kanya. Hindi na kumibo si Lyon pero bakas sa kanyang mukha na kinikilig siya.

Ngayong alam na ni Gray ang tunay na nararamdaman ni Lyon, ano na kaya ang mga sunod na mangyayari? Magkakailangan ba sila  o magiging sila? Ano nga kaya ang maga mangyaayari?

Mages of Love: The Secret Affair of the Ice Wizards of Fiore (Book One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon