CHAPTER 3: Starting Over Again

260 21 2
                                    

MIRAJANE POV:

"Ang ganda ng araw ngayon sa Fiore." sabi ko ky Elfman. "Tama ka Nee-chan." sagot sa akin ni Elfman. "Mira, kukunin ng namin ni Gray itong request na ito." sabi sa akin ni Levy. "I-itong Ice Swamp Attack?" tanong ko kay Levy. "Bakit hindi sila Jet at Doroy ang kasama mo?" tanong naman ni Elfman. "Yan nga kukunin kong request Mira. Kaya rin si Gray ang kasama ko kasi nga Ice-Make ang magic niya at makakatulong siya sa akin ng husto." sagot sa amin ni Levy. "Pero guild alliance ang request na ito. Ibig sabihin may makakasama kayo galing sa Lamia Scale." sabi ko sa kanya. "Ok lang yun Mirajane. Para makakilala na rin kami ng ibang tao sa guild." sagot ni Gray. Matapos ang usapan ay agad na umalis sina Gray at Levy.

GRAY POV:

Umalis na kami ni Levy at dumeretso sa Lamia Scale. "Gray, anong ginagawa ninyo ni Levy dito sa guild." tanong sa amin ni Sherry. "Kinuha namin ni Gray ang Ice Swamp Attack at nakalagay dito na may kasama kaming taga Lamia Scale kaya't sinundo namin siya ngayon." tugon ni Levy. "G-gray i-ikaw ang kumuha ng request?" nauutal na tanong ni Lyon. "Teka Gray, paano ka  niya naakilala?" tanong ni Levy. "Levy siya si Lyon, yung lagi kong kinukwento sa iyo." bulong ko sa kanya. "Oo kami ang kumuha ng request na ito. Ako nga pala si Levy at ang partner kong si Gray." pagpapakilala ni Levy. "Ako si Lyon. Lyon Vastia. Ako ang kumuha ng request na ito kaya tayo na bago pa mahuli ang lahat." sabi ni Lyon habang naglalakad papalapit sa amin.

LEVY POV:

"Tama nga si Gray. Si Lyon ang kukuha ng request." bulong ko sa sarili ko. "Sisimulan ko na ang plano ko." sabi ko pa. Habang naglalakad papunta sa amin si Lyon, "Aray!" isang malakas na sigaw na ginawa ko sabay hawak sa ulo ko. "Levy ok ka lang?" nagaalalang tanong ni Gray. Agad ding tumakbo si Lyon papalapit sa akin para tignan ang kalagayan ko. Nagpanggap akong nawalan ng malay. "L-levy anong nangyari sayo?" sobrang pagaalala ni Gray. "Iiwan nyo na lang siya dito para magamot namin siya." sabi nung lalaking makapal ang kilay. Agad naman akong binuhat nung lalaking mukhang aso at dinala sa clinic nila. "Success. Umubra ang plano ko." sabi ko sa sarili ko. Nang makarating ako sa clinic, nagkunwari akong hirap sa pagdilat. "N-nasaan a-ko? Na-kaalis na ba sila?" sabi ko. "Magpahinga ka na muna at wag mo nang alalahanin sila Lyon. Ako ngga pala si Yuka matalik na kaibigan ni Lyon." sabi nung lalaking makapal ang kilay. "Hindi papabayaan ni Lyon si Gray." pahabol pa nni Yuka. "Siguro alam mo na mahal nila ang isa't isa no? At plinano mo itong lahat." tanong niya sa akin. "Oo. Plinano ko lahat ng ito. Wag ka na lang maingay." sagot ko sa kanya. "Matulog ka na, nanjan na ang doctor namin." sabi ni Yuka. Agad naman akong nagtulug tulugan. "Ano na kaya ang nangyari sa kanila?" tanong ko sa sarili ko.

GRAY POV:

Umalis kami ni Lyon sa Lamia Scale at tumungo sa request. "Loko yun si Levy, mukhang set-up ang lahat." sabi ko sa sarili ko. "G-gray ba-bakit hindi ka nagsasalita?" tanong ni Lyon sa akin. "M-may gusto akong itanong sa-yo." nauutal kong sinabi. "Ano yun?" sabi niya sa akin. "Bakit mo ako inawan nung mga bata pa tayo?" tanong ko sa kanya. "Nagpaalam ako sayo noon na kukuha ako ng pagkain para sa atin at wag kang aalis dun sa kinatatayuan mo noon." pagpapaliwanag niya at biglang bumuhos ang luha niya. Agad ko siyang niyakap. "W-wag ka ng umiyak Lyon." sabi ko sa kanya habang patuloy ko siyang niyayakap. "G-galit ka ba sa akin?" tanong niya habang patuloy na umiiyak. "Bakit naman ako magagalit? Umalis ka para kumuha ng makakain natin kaya wala akoong dahilan para magalit." sabi ko sa kanya. 

Natapos ang usapan namin at pinahid ko ang mga luha ni Lyon. Naglakbay kami ni Lyon patungo sa Ice Swamp. Hindi namin namalayan ni Lyon ang oras at hindi rin namalayan na nakarating na pala kami  sa Ice Swamp. "T-teka, prang wala namang masamang nangyari dito ah." sabi ni Lyon. "O-oo nga. Mukhang set-up lang ito Lyon. Maghanda ka." sabi ko sa kanya. Sumapit na ang gabi ngunit wala parin nangyayaring masama. Umupo si Lyon at tumingala sa langit. "Gray, tignan mo ang mga bituwin." sabi ni Lyon sa akin. "Oo nga ang ganda ng mga bituwin." sabi ko habang humihiga sa mga hita nii Lyon. "A-anong ginagawa mo Gray?" tannong niya sa akin habang pulang pula ang kanyang mukha. "Ano ka ba, gaya ng ng dati. Humihiga ako sa mga hita mo." sabi ko sa kanya. Hindi ko makakalimutaan ang mukhang yun ni Lyon. Ang tamis ng ngiti niya at pulang pula ang buong mukha niya.

LYON POV:

Humiga si Gray sa mga hita ko. Grabe namiss ko ang mga lambingan namin na ganto. O ako lang talaga ang nakakaramdam ng ganto at binibigyan ko lang ng malisya ang mga ganto. Habang nakatingala si Gray sa kalangitan, patuloy ko namang pinagmamasdan ng kanyang mukha. "Ang laki na ng pinagbago ni Gray. He's so Kawaii." sabi ko sa sarili ko. Ilang oras pa ang nakalipas at nakatulog na si Gray habang nakahiga pa rin sa mga hita ko. "Hay Gray. Ang cute mo pa rin talaga matulog. Walang pinagbago." sabi ko sa kanya kahit alam ko namang hindi  na niya ako maririnig kasi tulog na siya. Hindi ko maexplain ang nararamdaman ko ngayon. Sobrang saya ko pero parang tambol ang naman ang pagtibok ng puso ko. "Ano ba ang nararamdaman kong ito?" tanong ko sa sarili ko. Dahil sa takot kong mawala ulit sa akin si Gray, hindi ako natulog at binantayan ko lang ang taong pinakamamahal ko. "Alam na kaya niyang mahal ko siya?" tanong ko sa kanya habang tinititigan ko siyang natutulog.

Ang sarap ng ng tulog ni Gray sa mga hita ko. Hindi ko napansing maguumaga na pala. Patuloy kong tinitignan si Gray. "Mimic Dragon's Roar!" sigaw nung lalaking kulay abo ang buhok. "Mimic Dragon's Roar!" sigaw naman nung babaeng blonde ang buhok. "Water Dragon's Roar!" sabi pa nung isa pang babaeng magenta ang buhok na kasama nila. Agad kong yinakap si Gray at sinubukang iwasan ang mga atake. Dahil sa biglaang paggalaw ko. "A-anong nangyayari?" tanong niya sa akin. "May umaatake sa atin tatlong tao." sabi ko sa kanya. "Hydra attack them."  sabi nung babaeng magenta ang buhok. Laking gulat ko ng hinarang ni Gray ang atake para sa akin. Napunit ang damit ni Gray. Lumitaw ang napakagandang hubog ng katawan ni Gray. Napatigil sa pagatake ang tatlo ng makita nila ang guild mark ni Gray. "Taga Fairy Tail ka din?" tanong nung blonde kay Gray. "Ako nga pala si Scarlet. Isa sa mga members ng Sunlight Wyvern." pagpapakilala niya sabay pakita ng guild mark niya. "Ako naman si Crimson. Kakambal ni Scarlet member din ng Sunlight Wyvern." pagpapakilala naman nung lalaking abo ang buhok. "At ako naman si Ayame. Member din ng Sunlight Wyvern." sabi naman nung isa pang babae. 

"So ikaw siguro si Gray ng Fairy Tail?" tanong ni Crimson. "P-paano mo ako nakilala?" nagtatakang tanong ni Gray. "Kinausap kami ni Levy." sabi naman ni Scarlet. "May pagtatagpuin daw siyang dalawang Ice Wizard isang taga FT at isang taga Lamia Scale." dagdag pa ni Ayame. "Kilala mo si Levy?" tanong ni Gray. "Oo close kami ni Levy eh." sagot ni Scarlet. "So sige iwan na namin kayo." sabi ni Crimson at umalis na ang tatlo. Nang tignan ko si Gray ay pulang pula ang mukha niya. Niyakap ko na lang si Gray at sabay naming tinignan ang pagputok ng araw. "Ang rromantic dito diba Gray?" tanong ko sa kanya habang yakap ko siya. Hindi kumibo si Gray at patuloy lang ang pagtingin niya sa pagsikat ng araw. "Eto pala yung sinasabing makikita ninyo doon ang reward." sabi ko kay Gray. Nginitian ako ni  Gray at hinila na para bumalik sa guild.

Nagsimula na kaming bumalik sa guild at sinubukan kong hawakan ang kanyang kamay. Tinignan ako ni Gray ngunit hindi siya kumibo so naglakad kami pauwi ng magkahawak ang kamay. Liningon ulit ako ni Gray, "Let's Start Over Again." sabi niya sa akin at naramdaman kong namula ang buong mukha ko. Patuloy kaming naglakad patungo sa Lamia Scale.  Nang makarating na kami sa Lamia Scale ay nakita naming nagaabang si Levy sa pagdating namin. Agad bumitaw si Gray sa pagkakahawak kamay namin at hinila si Levy. "Uuwi na tayo at maguusap pa tayo." sabi niya na parang galit kay Levy.

Ano kayang susunod na mangyayari sa amin ni Gray? Ano ba ang alam ni Levy para gumawa siya ng ganung request? At bakit biglang namula si  Gray ng sabihin na si Levy ang may pakana ng lahat ng ito?

AUTHOR POV:

"Ano nga ba ang mga sagot jan sa mga tanong mo Lyon?" tanong ko sa kanya. "Ewan ko sayo. ikaw nagsusulat ng kwentong ito diba?" sagot ni Lyon sa akin. "Maghintay ka na lang kasi ang dami pang tanong eh." sabi ko kay Lyon. Pero oo nga ano na nga ba ang mangyayari kanila Lyon at Gray ngayong tapos na ang request  na iyon? Magkikita pa ba sila ulit?

Mages of Love: The Secret Affair of the Ice Wizards of Fiore (Book One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon