GRAY POV:
Dear diary:
Dapat yayayain ko si Lyon magdate kaso bigla niya akong hinila para sundan sina Sherry. Hay patugo naming sinundan ang dalawa at nang marating namin ang tuktok ay gumulong naman kami pababa. At nang tumigil kami sa paggulong ay nakapatong naman ako kay Lyon. Nakakuha ako ng dahilan para mahalikan siya at nang maglapat na ang aming mga labi ay agad akong umalis sa pagkapatong ko sa kanya. Namula ang mukha niya dahil sa ginawa ko. matapos yun ay umuwi na kami ni Lyon. Hinatid ko siya sa Lamia Scale at dumeretso na ko sa paguwi.
LUCY POV:
Nakita kong nagsusulat si Gray sa isang notebook. nagassume naman akong diary niya yun. "Gray. Ano yang sinusulat mo? Siguro diary mo yan no?" tanong ko sa kanya. Namula si Gray at itinago ang sinusulatan niya. "So diary mo nga yan." pangaasar ko at pilit kinukuha ang notebook. "H-hindi n-nga. Ang k-kulit mo naman Lucy." sabi niya habang nakikipagagawan sa akin. "Ang kulit mo." sabi ni Gray. Tumigil na ako dahil mukhang napipikon na siya. Umalis si Gray sa kinauupuan niya at lumapit sa request board. Lumapit si Levy at kinausap ako. "Loko ka. Nainissayo si Gray." sabi niya sa akin. Kumuha ng request si Gray at umalis. Si Levy naman ay hinatak na din nila Jet at Doroy para sa isang request. Naiwan akong nagiisa. Tumingin ako sa paligid ko at lahat sila busy sa kanilang mga ginagawa. Pagtingin ko sa lamesa kung saan kami nagusap ni Gray ay nakita ko ang sinusulatan niyang notebook. "Eto yung diary ni Gray." sabi ko sa srili ko habang tinititigan ito at pinagiisipan kung babasahin ko. Ilang oras pa ang lumipas at nakatitig pa din ako sa diary ni Gray. "Ok I can't help it. Babasahin ko na ito." sabi ko sa sarili ko. "Diary nga ito ni Gray." sabi ko ng binuksan ko ang notebook.
============================================================
DIARY POV:
November 12 X91
Dear Diary,
Tatlong araw matapos akong sumali sa Fairry Tail ay inabot ni Levy sa akin ang notebook na ito para daw mailabas ko kahit papaano ang mga sama ng loob ko. Sige subukan nga natin. Tatlong gabi bago ngayon ay sinubukan kong ipaghiganti ang mga magulang ko kay Deliora. Pinrotektahan nila ako kay Deliora kaya sila namatay. Nagpagala-gala ako at kinupkop ako ni Ul kasama ang taong hindi ko akalaing mamahalin ko. Sinanay kami ni Ul at nung gabing sinugod ko si Deliora ay muntik na naman akong mapahamak at naulit ang nakaraan. Ipinagtanggol ako ni Ul at namatay siya. Sinakripisyo niya ang buhay niya para sa amin. Nakatulog "siya" habang nakikipaglaban si Ul. Kinabukasan ay nagising na "siya" at hinanap "niya" si Ul. Hindi ako nakakibo at bumuhos na langg ang mga luha ko. Agad "niya" akong niyakappara mapatahan ako ngunit hindi ko mapigilan ang mga ito. Nang humupa na ang imosyon ko ay napansin kong wala na "siya". Hinanap ko "siya" kung saan saan ngunit hindi ko na "siya" natagpuan. Ilang araw akong nagpalaboy laboy at napadpad ako sa Fairy Tail at sumali ako dito. Nakilala ko ang bestfriend kong si Levy at ang iba pa. Maganda ang pakikitungo nila sa akin at ngayon pangatlong araw ko na sa guild na ito.
PS: Tama nga si Levy gumaan ang pakiramdam ko.
LUCY POV:
"Grabe pala ang pinagdaanan ni Gray. Nammatay ang mga magulang niya at namatay din ang kumupkop sa kanya. Nawala pa yung taong mahal niya. Pero sino nga ba siya?" tanong ko sa sarili ko. Pinagpatuloy ko ang pagbasa ng diary niya.
============================================================
DIARY POV:
November 25 X91
Dear Diary,
May bagong salta sa guild at ang angas niya. Nakakainis ka Natsu Dragoneel!!!! Sinong bold star huh? Naku kung wala lang si Erza dito binugbog na kita!! Nakakainis ka!! Buti na lang kinausap ako ni Levy tungkol sa "kanya". Medyo gumaan ang pakiramdam ko pero namiss ko naman "siya". Pero at least nawala ang galit ko. Napapakalma ako kahit pangalan lang "niya" ang narinig ko. Mahal na mahal ko talaga siya". Grabe naiiyak na ako ngayon habang sinusulat ko ito. Sobrang namimiss ko na "siya". Kailan kaya kami ulit magkikita? Hay makakuha na nga lang ako ng request para mawala "siya" sa isip ko kahit sandali lang.
BINABASA MO ANG
Mages of Love: The Secret Affair of the Ice Wizards of Fiore (Book One)
FanfictionOverview: This is a Fan Fiction of Fairy Tail shipping the love team of Gray and Lyon. It's a love story between Gray Fullbuster and Lyon Vastia two of the students of Ul Miscov. A love story that is slowly revealed in every pages and chapter.