CHAPTER 5: HATREDS

2.3K 30 2
                                    

Crystal Jane's POV

Naawa ako kay Kuya.Lagi siyang nakakulong sa kwarto niya at isang linggo na siyang di pumapasok.Di ko alam kung kanino ba ako magagalit.Kay Aya na hinalikan si Kuya dahil gusto niyang paghiwalayin si Kuya at Aika kahit may boyfriend siya o Kay Aika na nakipagbreak at niloko si Kuya.Pero kahit anong dahilan ,Kahit anong pagsisi ang gawin ko sa kanila. Feeling ko ako parin ang may kasalanan.

*knock*knock*

"Kuya? Dinalhan po kita ng breakfast" sabi ko matapos kumatok sa pintuan niya.Pero walang sumagot.

"Kuya... Magmove on ka na please? Ako yung nahihirapan.Hindi ka pumapasok.Hindi na ikaw yung Kuya kong masayahin.Kuya ... Ako ba yung may kasalanan kung bakit nagloko si Aika? Kung ako Kuya wag kanang magalit please.*sob* I want you back from your old self .Kuya Sorry..Sorry po..." Sabi ko akmang tatalikod na ako ng bumukad ang pinto.Makalipas ang ilang Segundo naisipan Kong pumasok .Binuksan ko ang ilaw at bumungad saakin ang magulong kwarto ni Kuya.Ibinaba ko sa study table niya ang tray saka ko hinugot ang kumot niya.Tumambad saakin yung namamaga niyang mga mata.

Dinamba ko ng yakap si Kuya saka humagulhol ng iyak.

"Kuya sorry.Kasalanan ko.Sorry"
Naramdaman kong niyakap ako ni Kuya at hinaplos ang buhok ko.

"Don't be sorry princess.Nasaktan lang ako .But don't worry babalik na ako sa dati para Sayo.Alright?" Napangiti ako sa sinabi Ni Kuya at pinunasan ang luha ko.Hinampas ko siya sa dibdib at at pinagbabato ng unan.

"Ang drama mo pilak! Ew" natatawa Kong pang-aasar sa kaniya.

"Okay lang na madrama basta gwapo't may abs! Dapat maging
Proud ka sa Kuya mong Hot!" Pagmmalaki niya .

"Hot? Bakit may lagnat ka ba?" Bawi ko sa kaniya bigla siyang napasimangot at binato ako ng unan.Tarawa tawa kong pinagbabato siya ng unan at ang ending?

Nag pillow fight kami tulad ng ginagawa namin noong mga bata pa kami.

At ngayon masasabi kong he's back .Bumalik na ang pinakapaborito kong kapatid.

HALEY'S POV

Nakahalumbaba ako habang nakatingin sa labas ng bintana.Hay.Asan kaya ang bruha? Hindi man lang nagpakita.Hmm.Baka sumuko na siya sa pag - suyo saamin at bumalik na sa pinanggalingan niya..

Sa dalawang taong nawala siya masasabi ko talagang marami na ang nagbago at hindi ko nagustuhan ang mga pagbabagong iyon.Minsan iniisip ko kung buhay kaya siya maayos parin kaya kami?Sama-sama pa rin kaya kami sa pag-chee-cheer kay Aya sa mga pageant niya? Sama-sama pa kaya kaming mag-co-cosplay para lang suportahan ako? Sama-sama pa kaya kaming magsuot ng cheerleader uniform para lang macheer si JM sa paglalaro niya? Sama-sama pa kaya kaming mapupunta sa guidance dahil sa kalokohan ni Crystal?at sama - sama pa kaya kaming kakain every Sunday after church sa paborito naming tambayan?

Tss.Ano pa bang aasahan ko? Nababalik ang lahat sa dati? Tss.Never.

Nangyari na ang nangyari at hindi ko na mababago yun.

"Haley!" Sigaw ng lalaking nagnakaw ng first kiss ko.

"What?" Taas kilay Kong tanong sa kaniya.

"MS.HALEY! KANINA PA KITA TINAYAWAG?" Nagulat ako sa sigaw ni Ma'am pero agad din akong humingi ng tawad kahit naman kasi feeling prinsesa kami dito e di pa rin kami ang masusunod.Oo marami kami.

"Haley"tumingin ako sa kaniya at tinaasan siya ng kilay.

"Babalik ka pa ba sa dati?" Mahina niyang tanong.

"Sorry not sorry Jak pero babalik lang ako pag bumalik na rin sa dati ang mga kaibigan ko."sabi ko at nagpatuloy sa pinapasulat ni Ma'am.

Ano kayang nangyari sa mga yon?Si Aya laging tulala alam ko may problema siya ganiyan din ang nangyari noon.

"Jak si Crystal?" Tanong ko

"Hindi talaga kayo nasabihan ng pinsan ko? Pumunta na siya sa States or Paris I don't know kung saan sa dalawang yun.Pero all I know is gusto niyang mapag-isa."
Natapos kong marinig yun ay agad akong pumunta kay Aya.Nakita ko siyang umiiyak habang may hawak na pictures at mga wallpapers.Lahat ng iyon mga gamit niya.

"Wahh!!!" Malakas na sigaw niya sabay bato ng box.Tinapon niya iyon sa basurahan at kasabay noon ay ang pagbabago ng ugali niya.

"Haley! Dismissal na!" Napabaling ako Kay Jak at niling bat nga ba nandito ang isang to.

"Wag lang mag-alala maayos lang si Crys."pagkasabi niya nun ay sinamaan ko siya ng tingin.

"Di ko tinatanong" sabi ko at umirap.

"Pero alam kong nag-aalala ka." Mahinang bulong niya.

"What are you talking about?Ako? I am one of the bully Queens at wala sa vocabulary ko ang salitang pag-aalala" I told him at naglakad na paalis.

"Pero wala nga ba?" Mahinang bulong ko sa sarili habang naglalakad.Lahat sila gumigilid dahil alam nilang hindi ako magandang kalaban.

Teka? Pero ano nga bang paki ko kung ano mang mangyayari sa kanila? E hindi ba kinalimutan din nila ako? Nagbago sila ng hindi man lang iniisip ang mararamdaman ng kaibigan nila? Kaya bakit ako mag-aaksaya ng oras para lang sa kanila?

Baka nga pagnamatay sila magpaparty pa ako.


BEST Friend ko Sila NOONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon