Cry's POV
Matapos ang panyayaring iyon at muli nanaman kaming bumalik sa dati.Iirapan ang isa't-isa,ngingisi ng nakakaloko at maglalaban-laban.
Hindi ko alam pero iyon ang napansin ko.Masyadong masama sa pandinig ko.Pero kahit papaano at masaya ako.Masaya akong tila bumalik kami sa nakaraan ng mga sandaling iyon.
"Cookies for my ladies!" Masiglang Bati saamin ng Mama ni Haley habang may dalang Plato na punong-puno ng cookies.Biglang humugis ng puso ang mga mata ko at dali-dali kong kinuha ang mga cookies Kay tita ng may matamis na ngiti.
"Thank you po!" Sabi ko sabay ipinatong ang tray sa lamesa ang dalawa naman ay nagsasamaan ng tingin.Akmang kukuha ako ng cookies ng biglang paluin ni Aya ang kamay ko.Tiningnan ko siya ng inosente at ngumuso.
Pinicture-an nila ang cookies sabay post sa kani-kanilang accounts.Humalukipkip ako at sumama ang mukha habang sila tila mamamatay na kakatawa.
Kinuha ko ang unan sa tabi ko at ibinato kay Haley nailagan niya ito at binalik ang bato saakin.Sa sobrang bilis naramdaman ko na lang ang lambot ng unan na ito.
Sumimangot ako at iniharap ang computer ko.Pasulyap-sulyap sila saakin sabay ngingisi.
Natapos ang thesis namin saka ko nalamang may kalokohan pala ang dalawa.Matapos kasi namin gawin yung thesis ay pumunta kami sa garden nina Haley.Nabigla na lang ako ng may hawak silang water gun.Ang dalawang loka-loka pinagtulungan ako.
BINABASA MO ANG
BEST Friend ko Sila NOON
Teen FictionBest friend yan yung mga taong sobrang close mo at halos lahat nang sikreto mo at alam Nila Best FriEND oo may wakas ang pagkakaibigan pero hindi ibig sabihin noon ay kailangang mag wakas ang pagkakaibigan niyo nang nasasaktan Araw-araw at halos hin...