Kimeeko's POV
Nasa library kami ni Micah ngayon. Nagrereview ako para sa quiz namin mamaya, pero si Micah, parang hindi naman.
"Pupunta ako o hinde? Pupunta o hinde? Pupunta o hinde? Pupun-- ARAY!" sabay himas sa batok niya
Binatukan ko nga. Eh kasi naman, para siyang baliw na nagrirtwal o kung ano ba.
"Ba't mo naman ako binatukan? Saket ah!" sabi niya sakin ng nakasimangot..
"Eh kasi ikaw eh, ano ba yang sinasabi mo? Pupunta o hinde?" tanong ko sakanya
Nanlaki naman ang mga mata niya. "Ah kasi-- anu eh.. May field trip tayo, oo nga.. Tapos parang ayokong pumunta, kaya ano--"
"Ah ganun? Pupunta ka, sasama tayo. Enjoy kayang sumama sa mga field trip noh." sabi ko sakanya
Halatang may tinatago siya sakin, at hindi tungkols a field trip ang sinasabi niya. Pero nakisakay na lang ako. Hihintayin ko na lang na siya ang magsabi sakin.
Tumango tango siya. "Ah sige sige. Sasama na lang ako. Pero teka ha-- Ah, mauuna na ako sayo? Ok lang ba?" paalam niya sakin
Nginitian ko lang siya tapos tumango..
Then umalis na siya..
Micah's POV
Hays! Mabuti na lang at agad naniwala si Kim sakin. Kung di, patay! Baka malaman niyang may gusto ako kay Kevin. Hmp!
Naglalakad na ako ngayon papunta sa may field. Malayo pa ako, nakikita ko na ang likod ni Myco. Hayyy! Hindi ko alam kung ano talaga tong sinasabi niya, pero curious ako eh. Curiousity kills, kaya eto ako ngayon, palapit sakanya..
BINABASA MO ANG
Mr. Casanova is a daddy [LuYoon FF]
Fiksi RemajaNash Tyson Ahn ay isang sikat na casanova sa University nila. Anong mangyayari pag isang araw, nagising na lang syang may baby na siya with a nerd? ~Mr. Casanova is a Daddy!~