Chapter 12

13.9K 298 10
                                    

Kimeeko's POV

Hayyy. Nasa condo lang kami ni Nash ngayon, malamang lamang naman kasi, SUSPENDED kami. Nang dahil sa nangyari kahapon. Gago talaga si Nash eh, sabi niya mas mabuti na nga raw yung suspended, atleast pwdeng ulitin. Kaya naman sinampal ko siya. Chos, hindi noh! Sinuntok ko sa mukha, manyak eh ^____^

Nanonood lang ng movie si Nash. Focus na focus siya sa panonood ng TV. Ako? Wala, katext ko si Yulie at Micah,sabi nila andami ko raw namiss na lessons and activities. Hayyy, at ang dagdag pa nila hindi daw nila ako pahihiramin ng notes =_= Ang galeng diba? KAIBIGAN nga naman.

"Meeko, diba ako ang first love mo?" biglang tanong sakin ni Nash

Napatingin naman ako sakanya. "H--huh? A--ano bang.. Wag ka nga. Manood ka na lang dyan." sabi ko sakanya

Nakakahiya ang topic niya. I mean, nakakailang! Eh kasi naman eh, jeje days ko pa yun. =_= Malaki nang nagbago sakin noh, maliban na lang sa nararamdaman ko kay Nash ^_^ Landi ni ate oh!

"Sige na, sagutin mo na lang." sabi ni Nash

Hayyy!

"Hmm. Oo, kaya nga nagpaka-uto uto ako sayo diba?" sabi ko sakanya

"Meeko, sorry ha. Sorry kung di ko kaagad nasuklian yung nararamdaman mo para sakin dati. Tama nga sila, nasa huli ang pagsisisi. Kasi ayaw kong aminin sa sarili ko na mahal na kita noon, tapos bigla ka na lang umalis ng bansa, kaya nagsisisi ako nun kung bakit ang duwag ko." sabi niya sakin

Uh? Bakit naman siya nagdadrama? At ngayon pa ha?

"Ah--ano ka ba! Okay lang. Bakit ka namang masyadong seryoso ngayon? Hindi bagay sayo eh. Dapat moody ka lang. Yun ka eh diba?" sabi ko sakanya

"Meeko, naaalala mo ba nung nasa Park tayo? Yung kilala kita bilang Kim? Yung babaeng pinag uusapan natin don, ikaw yun. Tinanong ko si Micah kung san kayo lumipat. Ang sabi niya, sa Korea daw, kaya dun kita hinanap." sabi ni Nash sakin

Mr. Casanova is a daddy [LuYoon FF]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon