Kimeeko's POV
Nasa school kami ngayon. Si Meeson, iniwan ko kay Kathy (if you remember her, siya yung pinsan ko. Sa prev. chap. ko lang sinabi) Kasama ko ngayon si Earth, yes, kasama ko siya talaga. Kasi kaninang umaga, 6:30 am, nung umalis ako sa bahay, paglabas ko, nasa gate na siya.
*flashback*
6:30 am. Nagpaalam na ako kay Kathy at kay Meeson, maaga akong nagising kaya maaga din akong natapos. Pagbukas ko ng gate--
"Earth, bakit ka andito?" tanong ko sakanya
Napatingin naman siya sakin. Tapos parang nataranta siya at hindi alam ang sasabihin niya sakin, halata sakanya na nag-iisip pa sya ng sagot. "A--ah, wa--wala. Wag mong iisiping gusto kong sumabay sayo ah. Napatambay lang ako" sabi pa niya.
Natawa naman ako sa sagot niya. "Haha, ah ganun ba? Wala naman akong iniisip na ganun eh. Okay, edi napatambay ka lang talaga." sabi ko sakanya
Tapos lumakad na ako. At iniwan ko siya dun sa may gate, since napatambay naman siya, edi dun na lang siya forever. :)
"K--Kim, teka!" sigaw niya
Napatigil naman ako sa paglalakad. "Oh akala ko ba ayaw mong sumabay sakin?" tanong ko sakanya
"Tss. Tara na nga!" sabi niya.
Kita niyo to, siya na nga tong napatambay lang sa may gate namin, siya pa tong nagtataray-tarayan. Asus! Kunwari pa eh. Hahaha.
*end of flashback*
Hinatid na ako ni Earth sa room namin, hindi kami magkaklase ni Earth eh. Pumasok na ako sa classroom namin, tapos umupo na ako sa upuan ko (malamang! alanganamang, umupo ako sa table ko?) =_=
"Oh Kim, bakit hinatid ka ni Earth? Kayo ba?" tanong ni Micah sakin
Napalingon naman ang tatlong lalaking nasa harap namin. Kilala niyo naman ang tinutukoy ko diba? Hindi ko na kelangan pang imention ang mga pangalan nila.
"Tss, tinatanong pa ba yan? Single naman si Kim ah? So pwdeng pwde siya." sabi naman ni Yulie
"Gwapo din naman si Earth, may kamukha siya sa EXO, yung sikat na sikat na grupo ng Kpop." sabi pa ni Micah
"Oh? May kamuka siya dun? Sino naman?" tanong pa ni Yulie
"Si Kai. Hindi ba? Magkahawig naman sila ah." sabi pa ni Micah
Tapos sumang ayon si Yulie, at ako din naman, sang ayon na sang ayon ako. Dahil magkamuka talaga sila ni Kai, ang pagkakaiba lang ni Earth at Kai, si Earth nakakasama ko, si Kai hanggang sa TV ko lang nakikita. How sad!
"Wow, congrats sa inyo Kim." sabi pa ni Kenchan
"Bakit mo naman siya kinocongrats?" tanong pa ni Kevin
"Wala, eh kasi sila na ni Earth." sabi pa ni Kenchan
"May sinabi ba si Kim na sila na?" Kevin
"Yun nga eh, wala siyang sinabi. Kunwari ayaw niya pang ipagkalat. Simple lang yan Kevin, silence means yes. Di siya umimik nung tinanong siya diba?" Kenchan, si Kenchan talaga kung makapagsalita akala mo kung sinong expert, eh takot naman pala sa multo. Haha.
Hindi naman lahat ng SILENCE means YES. Minsan kelangan mo na lang maging SILENT kasi yung mga kaibigan mo HIRIT ng HIRIT, kung ano ano ang nasasabi at napre-predict, so pano ka pa iimik? =_= Hay!
BINABASA MO ANG
Mr. Casanova is a daddy [LuYoon FF]
Teen FictionNash Tyson Ahn ay isang sikat na casanova sa University nila. Anong mangyayari pag isang araw, nagising na lang syang may baby na siya with a nerd? ~Mr. Casanova is a Daddy!~