Kimeeko's POV
"Meeko, akala ko ba family date natin ngayon? Bakit kasama natin tong mga to?" bulong ni Nash sakin
Karga karga niya ngayon si Meeson. Actually, FAMILY DATE lang naming tatlo to, kaso sinabihan ko sila Yulie at Micah na pupunta kami dito sa fun kingdom (NOTE: Wala po talagang fun kingdom, kathang isip lang. Ayoko kasing gumamit ng mga pangalan ng lugar na nag-eexist talaga) Hindi ko naman alam na pupunta din pala sila dito, basta pagdating namin dito sa fun kingdom, bigla na lang nila kaming sinalubong, at ang saya pa nila ah!
"E--eh Nash, hayaan mo na. Hi--hindi naman sila ibang tao eh, diba? Mga kaibigan natin sila." sabi ko sakanya
Napapout na lang siya sa sinabi ko.
"Kim tara dun sa horror house!" yaya ni Micah
"Ah hindi kami pwde e, andito kasi si Meeson. Sige kayo na lang." sabi ko sakanila.
Actually hindi naman talaga yan ang dahilan eh. Ang tunay na dahilan eh ayaw ni Nash sa mga horror house, basta't multo na ang pinag uusapan, ewan ko na lang.
"Ah sige sige. Kami na lang." sabi ni Micah tapos ayun hindi ko na alam ang nangyayari sakanila
"So san tayo?" tanong ko kay Nash
"Kumain na lang tayo. Nagugutom ako eh." sabi niya sakin
Yulie's POV
Nasa loob na kami ng horror house. Wala pang masyadong taong pumapasok dito, kami pa nga lang apat e. Si Micah panay kakasigaw, si Kevin naman kunware bibitawan niya si Micah, tapos si Micah kakapit ng mahigpit kay Kevin. So ang labas ni Kevin eh, CHANSINGERO.
"KYAAAAAAAAAAAAH!" oops, hindi po si Micah yan. At mas lalong hindi ako yan. Hindi naman ako natatakot sa mga nagpapanggap na multo dito eh. Hindi naman ako tanga para matakot sakanila.
BINABASA MO ANG
Mr. Casanova is a daddy [LuYoon FF]
JugendliteraturNash Tyson Ahn ay isang sikat na casanova sa University nila. Anong mangyayari pag isang araw, nagising na lang syang may baby na siya with a nerd? ~Mr. Casanova is a Daddy!~
![Mr. Casanova is a daddy [LuYoon FF]](https://img.wattpad.com/cover/14830838-64-k869492.jpg)