Chapter 42

8.8K 180 7
                                    

Kimeeko's POV

After 3 weeks, natapos na rin namin ang teleserye namin ni Kanji. At ngayon, wala na akong gagawin. At in-announce na din sa TV na titigil na ako sa pag-aartista. SAYANG! Hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam kung bakit ba ako pinatigil ni dad sa pag aartista.

Bumangon na ako. Pagtingin ko sa crib ni Meeson, wala nanaman siya dun. Kaya naman bumaba na ako at nakita kong naglalaro si Meeson at si Nash. Sa totoo lang, kapag nakikita ko silang dalawang magkasamang naglalaro o nagkukulitan, KINIKILIG AKO! Hindi ko alam kung bakit, siguro kasi ang saya sa pakiramdam na nakikita mong magkasama ang dalawang taong minamahal mo.

"Oh Meeson andyan na pala ang mommy mo, say good morning to your mom." sabi ni Nash kay Meeson.

"Moyning ma--ma." sabi niya sabay giggle pa.

And I can't help it. Nilapitan ko siya at niyakap. And I'm proud to say na nakakapagsalita na si Meeson, kaya lang hindi pa masyadong klaro ang mga sinasabi niya.

"Nash, kumain kana ba?" tanong ko sakanya

"Hindi pa pero si Meeson kumain na." sabi niya

"Ah ganun ba? tara samahan mo akong magbreakfast." sabi ko sakanya, sumunod naman siya sakin.

Si Kath naman muna ang nagbantay kay Meeson.

Habang kumakain kami--

"Ah Meeko uuwi na akong Pilipinas, bukas." sabi niya

Napatigil naman ako sa pagkain at tumingin sakanya. Hinihintay kong sabihin niyang "JOKE" or "NANIWALA KA NAMAN". Pero wala namang lumabas na ganun sa bibig niya.

"Ah t--talaga? Okay mabuti. Malapit na rin pala ang graduation niyo diba?" sabi ko na lang

"Oo nga eh. Andami ko pa kasing gagawin eh" sabi niya

OKAY, so? Kasalanan ko? =_=

"Hmm, okay. Babalik ka pa ba dito?" tanong ko sakanya at napalunok naman ako nun.

"Ah baka matatagalan pa eh." sabi niya

OK, Keep calm!

"Ah-- bakit? Hnd ba pwdeng pagkatapos ng graduation?" tanong ko sakanya

"Hindi eh. Kasi aasikasuhin ko pa yung mga kelangan ko para sa college. Kaya baka malabong makakabalik ako dito agad agad." sabi niya

HAAAAAAAAAAAAAAY! Grabeng buhay to.

"Ah okay."

END OF CONVO.

Ayoko na munang magsalita. Mejo nawawalan na ako ng gana at nag-iiba na ang mood ko ngayon.

8:00 PM

Kasalukuyan akong nakanganga at nakatitig sa kisame. Kung bakit? WALA! Nababaliw lang ako, obviously.

*knock knock*

Binuksan ko ang pinto. At pumasok si daddy.

"Oh dad--"

"Bukas pupunta akong Pilipinas. May aasekasuhin ako tungkol sa business. Gusto mo bang sumama?" diretsong sabi at tanong ni dad sakin

OH SURE! WHY NOT, COCONUT!

Syeeeet! Kung sinuswerte ka nga naman, oo. Blessing to ah!

"Ta--talaga po? Ah magtatagal ba kayo doon?" tanong ko sakanya

Mr. Casanova is a daddy [LuYoon FF]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon