“Best halika dali ! may ikukwento ako sayo. Shocks! Nakakakilig talaga nanaginip ako kasama ko raw si- -
“MJ? Lagi na lang si MJ bwisit to ni di pa nga ako nakakaupo eh!”pambara ng bestfriend kong si candice.
Ni hindi ko nga natapos ang sasabihin ko eh, aga aga suplada. Hmp!
Pero ewan ko ba bat kami naging bestfriend nyan eh killjoy yan eh kabaliktaran nya naman ako ng sobra.
“Eh di wag! Hmp! Taray taray ang ganda pa naman ng kwento.”sabi ko naman.
“Oi! Joke lang eto naman di na nasanay, di pa ko nakakaupo oh. Laki mo kasing harang sa pinto eh.”sagot naman nya.
Ay! Oo nga pala nakalimutan ko kakadating nya palang sa school.
Tiyak BV na naman to sa service nya.
“Oh eto na panget! Dumaan ka na, hiyang hiya ako sayo eh.”sabay lahad pa ng aking kamay na parang sya yung reyna at dakilang alipin lang ako.
“Sige na kwento mo na yang panaginip mo. Hahaha!”sabi nya ng naayos na nya yung gamit nya.
KRIIIIIIIIIINGGGGG! KRIIIIIIIIIINGGGGG! KRIIIIIIIIIINGGGGG!
Ayy! Epal! Tumunog na ang bell ng di man lang ako nakapagintro.
Kaasar naman!
“Gara bell na, sige mamaya mo ikwento para andito narin si chloee.”dagdag pa ng bestfriend ko.
“Ok, sige. Tara baba na tayo malate pa tayo maging center of attraction pa tayo eh.”pag sang-ayon ko naman.
Ako nga po pala si SAMANTHA BEATRICE BAUTISTA,
isang ordinaryong tao lang,
hindi ako yung kagaya sa ibang babae na sexy at maganda.
Simple lang din talaga ako.
Mababa po talaga self confidence ko eh,
pero parang totoo kasi,
eh bakit?
Paki naman nila atleast tanggap ko sa sarili ko yung totoong ako.
Madaldal nga lang talaga.
Ang bestfriend ko naman ay si CANDICE VILLEGAS,
napakasuplada nya actually hindi mo sya mapapaamo,
tapos magkaibang iba kami sa lahat ng bagay pero ewan ko,
naging best of friends kami.
Ang totoo nyan may grupo kami ang FOREVER LASTING FRIENDSHIP,
sige sabihin nyong baduy kaltukan ko kayo. Bleh!
all girl group yan pero makikilala nyo rin sila sa mga susunod na chapters. Mehehe.
*snap! *snap! *snap!
Bumalik ako bigla sa reality si Chloee kasi ang kulit.
Hala! Tapos na ang flag ceremony? Ang bilis naman yata? Hmm.
“Twin, bat ka tulala? Aakyat na kaya tayo maya-maya.”tanong ni chloee sakin.
Di ko lang sure kung concern ba sya sakin o deep inside tuwang tuwa na naman tong pesteng to.
Yan ang twin ko, si MARIAN CHLOEE DELGADO,
kabaliktaran naman yan sa ugali ng bestfriend kong si candice pero tatlo talaga kaming close na close.
“Ano ba naman yan te? Panira ka na naman ng araw eh.”sabay simangot sakanya.
“Ay? Pabebe kang gaga ka? Letse to.”sagot naman nya.
Bwisit talaga hindi na ko pinatawad.
Di ko namalayan nakapaglocker na kami at nakaakyat na kami pabalik sa classroom.
“Oi! Best kwento mo na samin ni chloee dali ng may magawa naman tayo habang wala pa si sir
Jun.”tuwang tuwang banggit ni candice.
“Bakit te? Nanaginip ka na naman no? maharot ka eh.”dagdag pa ni chloee.
“oo eh kasi ano eh- -
“Good morning sir Jun!”bati ng mga classmates namin
Eh wala na kong nagawa hindi ko na naman naikwento sa kanila.
Bwisit naman bat parang ayaw yata nilang magkwento ako?
Bat laging may epal?
“Best mamaya na lang sa recess. Hahaha.”bulong sakin ni candice.
“KDOT!”sagot ko sa kanya na may halong inis.
Aba inasar pa ko ng bruha na to.
Natapos ang dalawang subject,
hanggang sa recess,
may tatlong subject pa ulit,
may isang oras na lunch,
may dalawang subject pa
sabay di man lang ako nakapagkwento?
Badtrip naaraw naman! Napakadaming epal!
Umuwi ako na hindi man lang naikwento kay candice at chloee ang panaginip ko na kasama ko raw
ang ultimate crush kong si MJ.
“Hi tita nakauwi na po ako.”bati ko ng pagdating ko ng bahay.
“Oh buti naman sige magmerienda ka na at magbihis maglalaba tayo mamaya ha.”si tita.
Oh damn! Nakalimutan ko Friday na pala ngayon.
Paano na yan di ko nashare yung dream ko?:(
BINABASA MO ANG
I Should've told you
Teen Fictionwhat if this is one of the decisions i have to think about? would i go for it or not? how about my friends? there's a lot of buts and ifs on my mind. would i give up or will still hold on to my unsure feelings?