Chapter 21:Journalist Sam

32 1 0
                                    

“Samantha ano ka ba naman! Ayusin mo yung trabaho mo! Palpak na naman.”panininghal ng boss ko.

Araw araw na lang ba mali ang ginagawa ko?

Nakakaasar na tong bakla na to ha.

“Opo sir. Sorry sir ill make a revised copy of this one sir. Sorry sir.”sagot ko sa boss ko.

Ang hirap maging journalist kailangan lahat ng scoops and articles mo maganda yung pagkakagawa.

Eh ginagawa ko naman ang lahat ah.

Halos kakakuha ko lang nitong trabaho na ito eh.

Syempre naman nangangapa pa ako sa ngayon.

Bat ba naman kasi hindi maintindihan to ng boss ko eh.

“Samantha! Ok lang yan. Masanay ka na ganyan talaga dito.”sabi ng isang kasamahan ko sa trabaho.

Pero infairness naman kahit fresh graduate ako may trabaho na agad ako.

Well I deserved this grabe yung hirap ko sa college no.

“Yeah I know. Ill be used to it.”sagot ko naman.

Mababait naman lahat ng mga katrabaho ko.

Yung boss lang talaga naming bakla ang masungit eh.

Ewan ko ba kung paano nila natagalan ang ugali ng bakalang yun.

Araw araw mainit ang ulo tapos kaming mga staff nya ang pinagiinitan.

“Samantha tara coffe muna!”aya sakin ni bryan.

“Aayusin ko pa to eh. Ikape mo ko ha!”sigaw ko sa kanya.

Si Bryan Angelo Castro, medyo matagal ko naring kakilala.

Blockmates kami nung second year college ako tapos nun nagging close na kami.

Kaya kahit nung 3rd at 4th year hindi na kami magkablockmates.

Friends padin kami.

Guy bestfriend ko sa college.

Actually sya yung kasama ko nung nagaaply ako dito.

At dahil nga swerte kami pareho kaming natangap.

“Sige! Dalhan na lang kita.”sigaw nya.

“Thank youuuuuu!”sagot ko naman.

Halos magovertime na ako sa article na ito ha.

Napakaimportanteng article kasi nito eh.

Tungkol ito sa mga top artist na bibisita dito sa pilipinas kailangan mauna kaming magpalabas ng ganitong balita para mas tumaas ang sales namin.

“Best! Busy ka tomorrow? Magkikita kami ni chloee sa seattle’s tara lets have some coffee and bonding time.”natanggap ko na txt mula sa bestfriend kong si Candice.

Akalain mo yun asenso narin ang buhay ng dalwang shunga na ito.

Isang successful fashion designer na si Candice tapos si chloee naman isang flight attendant na at mukhang inlove sa piloto. Hahaha!

“What time ba? Baka kasi hindi ko mahabol tong article ko eh.”sagot ko.

Siguro sinuwerte kaming magkakaibigan kasi kahit na kakagraduate pa lang naming 2 years ago sa college may mga trabaho na agad kami na masasabi kong stable na.

Wala sa itchura namin na sabay sabay parin kaming makakatapos ng pag-aaral.

Although iba iba kaming universities na pinasukan friends forever padin.

“8 am tomorrow. See you there.”sagot ni Candice.

8 am? Sana matapos ko tong article na to ngayong gabi para ok lang kahit umabsent ako bukas.

“Oh kape mo. Panic mode? Relax ka lang kasi.”sabay abot ng kape ni bryan.

Nakabalik na pala sya.

Umupo pa sa desk ko.

“Kailangan kasi ngayon ko to matapos eh may appointment ako tomorrow.”sagot ko naman.

Kinurot ni bryan ang pisngi ko.

“Kaya mo yan! Kaw pa!”sabi nya.

Ang sakit ng kurot nya ah.

“Aray! Umayos ka nga bry ang sakit kaya.”sabay himas ko pa sa pisngi ko.

“Cute mo talaga! Kaya ako inlove sayo eh. Hahaha!”sabi ni bryan sabay kurot ulit sa pisngi ko.

Ganyan talaga si bryan sakin. Sinasabi nyang inlove sya sakin kasi lagi nyang kinukurot yung pisngi ko.

Minsan nakakaasar pero sanay narin naman ako eh simula college ganyan na sya.

“Ok count me in!”reply ko kay Candice nung natapos ko na yung article.

I Should've told youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon