Chapter 11:Cheering Competition

19 0 0
                                    

Bakit parang ang bilis lumipas ng mga araw?

Ganito ba talaga pag graduating students?

Parang lahat rush?

Parang kakatapos lang ng prom tapos ngayn cheering competition na?

Eh may school break pa kami after nito.

Malandi ang paaralan na ito eh.

“Seniors! Ready na po!”sigaw ni sir.

Grabe!

For sure, mananalo na naman ang 4th year eh.

Kalian ba natalo?

Tsaka madaming dancer talaga ang batch namin.

“Goodluck seniorssss!”

Uso parin yung magroup shout samin.

Pampalakas ng loob yun eh.

“And for the finale, let us all give a big round of applause for our seniors”sigaw ng MC.

~Wooo!

~Go seniors!

~BOO!

~Galingan nyo!

Nabibingi na ko sa mga sigawan ng mga to.

Hindi ko naeenjoy ah.

Naiirita ako. Hahaha!

Moody ako eh.

“Best! Ang galing ni leonard pati si clark pero magaling talaga si leonard.”sabi sakin ni Candice.

Halos di ko marinig ah.

Ingay ingay ng mga to.

Kunsabagay, cheering nga eh alangan naman na parang may lamay.

“Oo nga eh, si clark nga akala ko hindi yan sumasayaw ng ganyan.”sabi ko naman.

Dati hindi naman sumasali sa mga ganyan si clark eh.

Siguro sa sports oo pa kasi active talaga yun eh.

Pero di ko ineexpect na ganun sya kagaling sumayaw.

Although may sablay paminsan minsan pero natural lang yun.

“Kaya nga eh.”sabi ni Candice.

Nagulat pa nga ako eh.

Gusto kong humiyaw at ang tanging isisigaw ay “Go clark! Go clark!”

Kaso hindi ba’t nakakahiya yun?

Parang wala naman ako sa sarili ko pag ganun.

Hindi nga ako nagkamali nanalo nga ang seniors.

Woo! Magaling kasi talaga kami.

Sarap asarin ng mga lowers levels. Hahah!

Ano kaya gagawin mamaya?

For sure tunganga mode na naman to.

“Tara benta na tayo.”sabi ni Candice.

Ayy!  Peste nakalimutan ko may project pala kami na kailangan naming magtinda.

Bwisit! Kailangan na naman ng sales talk ng mga estudyante dito.

Eh bibili din naman pinapahirapan pa kami.

“Ate bili ka na po. Tulungan nyo naman kami sa project namin pls. mura lang naman eh.”sabi ko sa mga second year students yata.

“Girls, eto pa tinda nyo narin pls.”si clark.

Ano ba yan! Di nga naming matinda yung samin eh.

“Eh! Ikaw na hirap hirap eh.”sabi ni Candice.

“Oonga dali magtinda ka dun oh.”sabi ko naman.

Gusto ko man tulungan si pogi eh hindi ko magawa kasi kailangan rin na maibenta namin yun amin.

“Hindi dito na lang ako senyo.”sagot ni clark.

“Wala! Dun ka oh pwesto namin to.”pagtataboy ko sa kanya.

Kunwari pa ko eh gustong gusto ko naman.

Halata naman di ba? Hahaha!

“Eto naman! Dito na ko ha!”sabi naman ni clark.

Kita ko sa mukha nya na hindi nya gusto ang ginagawa nya.

Napipilitan lang sya.

Kaso hindi ko sya pwedeng tulungan baka mahalata nila ako.

“Ehem! Kunwari ka pa dyan eh.”bulong ni inna.

“Shh! Wag ka ngang maingay.”sagot ko naman.

Ang hirap pala ng nagkakacrush ka sa isang tao na hindi mo naman inaasahan.

Tsaka hindi nya kasi pwedeng malaman eh.

Siguro one time pag wala na kong gusto sa kanya masasabi ko rin.

At sana yung feelings ko para sa kanya mawala na lang dahil hindi ko naman ginusto to eh.

“Yes! Naubos na ang sakin nauuna pa ko senyo oh. Hahahaha!”sabi ni clark.

Sya na pag boys talaga nagtitinda mas madaming bumubili.

Ang unfair naman.

Tong mga babaeng to!

Akin lang si clark no! Duh!

Wala naman sigurong masama sa pangangarap kaya intindihin nyo ko. Hahaha!

“Oi! Ang daya tulungan mo naman kami.”narinig kong sabi ni Candice.

“Tinatamad na ako eh,ang hirap kasi tsaka aalis na ko.”sabi naman ni clark.

Oo! Hindi gentleman yan pero ewan ko ba nagustuhan ko ang mokong na yun.

“Hindi! Hayaan nyo sya mayabang yan ayaw tayo tulungan. Hahaha!”sabi ko.

“Sige! Bye bye! Hahaha!”pangaasar nya.

Gusto ko man na dito lang sya sa tabi ko, wala din naman akong magagawa.

Tsaka di ko rin naman sya nakakausap eh kasi nga naiilang ako.

Ok na ko sa tingin sa malayo.

“Sam! Ok lang yan alam mo naman si clark tamad yun eh.”pangungulit na naman ni shaina.

“Ano ba yan ins, di naman sya yung iniisip ko eh. Tss!”sagot ko.

Ang kulit talaga ni shaina.

Nakakaasar naman tong babaeng  to eh.

Pero sa ngayon si shaina lang ang dapat na makakaalam nito eh.

Kaya tyaga na lang muna ako.

I Should've told youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon