Chapter 12:The First Tear

22 0 0
                                    

Ang bilis na natapos ang university week namin.

Nagkaroon din kami ng school break.

Nagkaroon din ako ng heartache sa mga nagdaang araw.

Hindi pa ko umiiyak ng dahil sa isang lalaki.

Hindi pa talaga.

*flashback*

“Patabi ako ang init dun sa pwesto ko eh.”sabi ni clark.

“Sige go lang.”sagot ko naman.

Sobrang kinikilig ako katabi ko ang taong gusto ko.

“Patingin naman ako ng wallet mo sam.”pagpapaalam ni clark.

Hindi!

Wag!

Puro pictures ni MJ yung wallet ko.

Ayokong isipin ni clark na malandi ako.

“Clark! Wag.”sabi ko.

Nagulat sya.

“Bakit naman? Tingin lang eh, mukha ba akong magnanakaw?”tanong niya.

“Hindi naman! Hahaha!”sabi ko.

Bahala na kung ano isipin nya.

Hindi ko sya kayang tanggihan eh.

“Oi! Gwapooooo!”sabi ni clark na baklang boses.

“Syempre! Pipili ba ko ng pangit?”sabi ko naman.

Feeling ko kami lang ni clark ang tao nun.

Nawala sa isip ko na ang mga friends ko nasa paligid namin.

“Mahal ko yan!”sabi ko pa.

Tiningnan nya ko.

Ngumiti sya at binalik ang mga mata sa wallet.

“Eh ikaw? Mahal ka ba nya?”tanong nya ng hindi nakatingin sa akin.

Medyo nagukat ako sa tanong nya.

Hindi ko inaasahan na ganun ang itatanong nya sa akin.

Naspeechless ako nun.

Wala akong naisip na sagot.

“Hindi naman masamang mangarap di ba? Hahaha!”sagot ko.

Ngumiti lang sya.

Hindi ko alam kung ano iniisip nya.

Kung malandi ba o nakakaawa dahil nag-iilusyon ako, ano ba talaga?

“Ako na lang mahalin mo.”sabi nya pagkabalik ng wallet ko.

“Sige ikaw na lang talaga”sagot ko na pabulong.

Parang di ko lang alam yung mga pinagsasabi ko.

Feeling ko kasi nagkakantahan ang mga angels sa langit eh.

“Ehem!”mahina lang.

“Saaam! Narinig ko yun!”sabi ni inna.

“Inna! Ang sarap sa feeling.”sagot ko naman.

Hindi namin maitago ang kilig.

Kinikilig sya para sa akin.

“Inna! Happiest day eveeeeeer!”sabi ko.

Gusto ko mang sumigaw kaso hindi talaga pwede.

Kaya nagpupumilit sumigaw ang loob ko.

“Inna! Don’t tell anyone ha.”sabi ko ulit kay shaina.

“Sam! Grabe baka may feelings din si clark para sayo.”sabi ni inna.

Sobrang saya ko hanggang pag-uwi ko ng bahay.

Hindi ko lang alam kung seryoso si clark sa sinabi nya kanina.

Basta ang alam ko lang sobrang saya ko nun.

“Inna! Im so kilig parin talaga. Hindi ko ineexpect!”txt ko kay inna.

Parang kinikiliti ako ng mga anghel.

Wala namang nakakatuwa pero abot tenga ang mga ngiti ko.

*1 message received*

“Ako din eh, shocks sam im so happy for the both of you.”reply ni inna.

“IKR! Sa tingin mo? Serious sya?”txt ko pa.

Seryoso kaya sya?

Tingin nyo?

*1 message received*

“I can see the spark in your eyes pati rin kay clark. Kayo na samantalang kami ni Richard wala talaga.”reply nya.

Aww poor shaina.

Hindi sya napapansin ni Richard tapos lagi nya pang inaasar ang friend ko.

*end of flashback*

Matapos ng ilang araw na sweet-sweetan kay clark.

Laging pag tabi nya sa akin.

Nakikipagtitigan pa.

Malalaman ko na nakikipagbalikan sya sa ex nyang si patrixa.

Ano ako?

Props para pagselosin lang si patrixa.

Kunsabagay ano nga naman ang lamang ko sa popular na si PATRIXA CLARISSE GUEVARRA?

Isang campus sweetheart.

Sexy. Maganda. Hot chic pa.

Nahulog na ako ng sobra kay clark aaminin ko.

Ikaw ba naman araw-araw mong makakausap at makakatabi ang lalaking gusto mo di ba?

Tapos ang sweet pa nya.

Ganun ganun na lang yun?

Assuming lang pala ako.

Last day ng university week ng malaman ko ang balitang yun.

Ako pa mismo ang nakakita sa kanila.

Kung pano sya ligawan ulit ni clark, pinagtatyagaan at pinapasaya.

Ang sakit pala.

Kaya ayokong mahulog sa isang tao na may existence sa buhay ko eh.

Mas mabuti pa yung artista lang.

“Im falling in love with you all over again”nakita kong status nya sa facebook.

Tapos nagpalit na rin sya ng profile picture yung picture na kasama nya si patrixa.

Nawalan na ko ng gana sa FB kay nag log-out na lang ako.

Sino pa nga ba ang magkakaroon ng gana pag ganun?

Yun din ang pinakaunang iyak ko para sa lalaki.

I Should've told youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon