Chapter 17:Graduation Day

29 0 0
                                    

Eto na nga ang hinihintay ng lahat graduation day.

“Ano ba yan parang ayaw ko pang grumaduate.”si chloee.

“Mamimiss ko kayo ng sobra.”naiiyak na sabi ni Candice.

“Ano ba kayo magkikita pa naman tayo di ba?”sabi ko naman.

Naiiyak nga rin ako eh.

Sa isip pa lang na magkakahiwalay na kami naiiyak na ako eto pa na totoo na.

Oras na lang ang binibilang aalis na kami ng school namin.

Bago ako umalis ng bahay sinabi ko na kahit anong lungkot pa hindi hindi ako iiyak.

Graduation day to dapat  lahat kami masaya hindi naman ito burol ng isang namayapa di ba?

Hinding hinding hindi ako iiyak ngayon.

“Guys and girls on your lines now please, tawagin na rin po yung mga parents nyo.”sigaw ng teacher.

May narinig na akong iyakan pero hindi yun sa grupo namin.

“Nice one girls! Lets go!”sabi ni chloee.

Ang tagal matapos ng program.

Umiiyak na ang mga taong nakapaligid sa akin.

Madadala ako nito eh.

Tapos ang mga speeches pa.

Nakakaasar naman.

Pero alam nyo ang isang reason pa bakit nagmamadali ako?

Eto na yung araw na hinihintay ko.

Ang araw ng pagtatapat ko kay clark.

Alam din to ng mga super duper close friends ko.

Sabi pa nga nila sasamahan nila ako pero ayaw ko.

Kaya ko naman eh.

“Congrats girls.we’ve made it.”sabi ni alex may group hug pa.

~HOOOOOO!

May mga narinig din akong sigawan, may iyakin din.

“Grabe mamimiss ko kayo.”sabi ko.

At eto na nga ang mga luha ko naguunahang bumagsak.

Hindi ko kinaya.

Tears of joy to.

“Graduate na tayo? Akalain mo yun?”sabi ni Candice.

Sa mga kalokohan ba naman namin sa school possible na hindi kami makagraduate.

Ilang beses narin kami nakapasok ng principal’s office dahil sa

may mga inaway kami,

may mga death threat pa kaming pinagsasabi,

may cheating pa,

nahuli kaming hindi nakikinig sa teacher at nagtatawanan pa,

may mga proposal na walang kakwenta kwenta,

may pinagtitripan kami.

Walang school year na hindi namin nabibisita ang office ng mahal naming principal.

Mahal nga ba talaga namin? Hahaha!

“Girls dali group picture kayo.”sabi ng mommy ni alex.

Tapos nun ang dami pang nagpicture samin, di namin alam kung saan titingin.

May mga nagpicture din na hindi naman naming kaano ano.

Nakikiphotographer lang. Hahahaha!

“Tara party party!”sabi ni chloee.

“Ang galing talaga natin ever we’re like so matalino kasi.”sabi ni jazzy.

Nakailang group hug kaya kami?

Amoy pawis na kami plus luha

plus sipon?

“Sandali lang girls ha pamimigay ko muna tong mga gifts ko.”sabi ni Nadine.

Eto na sasabihin ko na rin kay clark to.

“Ako din girls I have some unfinished business here.”sabi ko naman

Alam na nila yun.

“Goodluck best!”sabi ni Candice.

“Twin gusto mo samahan kita?”concerned na tanong ni chloee.

Hindi na siguro.

Kaya ko na to.

“Wag na twin kaya ko na to. Fighting!”sabi ko naman.

Lakasan na lang ng loob.

Hindi ko narin kakausapin si clark after nito.

Goodluck Samantha!

I Should've told youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon