“Ahm leonard may idea na ba kayo sa theme ng JS natin? Sa feb 1 start na talaga tayo ng practice dahil may cheering pa kayo.”sabi ng level head adviser naming.
January 27 na?
Bat ang bilis naman?
Tapos practice ng cheering para sa one week intramurals namin?
Tapos ano?
Graduation na.
Pwede bang pigilan ang oras?
Ay drama ko aga aga eh.
First subject pa lang eh.
“Sir tatanong ko pa po sa kabilang section kong may idea sila, di po ba pwede yung masquerade?”tanong ni leonard.
“Ay hindi na yata pwede eh kasi nagamit na nung mga dating 4th year eh. Any idea pa?”tanong ni sir Rainier.
“Ay sayang po sige po tatanong ko na lang sa ibang section.”sagot naman ni leonard.
“Oh sige pero kung pwede mamaya na or bukas tapos yung mga songs narin na gusto niyong gamitin ok?”utos ni sir Rainier.
Grabe naman.
Rush na naman to.
Tapos 2 weeks lang yata yung practice naming para sa program.
Grabe naman talaga.
Tapos may kasabay pang thesis completion.
Hirap naman pag graduating.
Daming gawain.
Nakakastress naman.
“Ay nga pala leonard yung gagamitin nyo rin sa cheering paki asikaso narin kasi after JS tuloy-tuloy na ang practice eh.”pahabol pa ni sir.
Kawawa naman ang love of my life ni chloee.
Laging malaki ang responsibilities nya.
For sure to the rescue na naman ang gaga na to mamaya. Hahaha!
“Sige po.”sagot ni leonard.
“Oi! Parang ayoko sumali ng JS natin.”sabi ni chloee samin ni Candice.
“Bakit naman? Minsan lang to eh.”sagot ko naman.
“Oo nga bakit ayaw mo?”tanong pa ni Candice.
“Eh kasi baka walang boys na sasayaw satin eh. Forever alone tayo dun.”sagot naman nya.
Aba! Ambisyosa gusto pang isayaw sya.
Para sakin nga mas nakakhiya na isayaw ng iba eh.
Ok na sakin yung upo lang.
Magbubutas ng bangko kumbaga.
“Mas ok ngayung hindi isayaw eh.”sagot ko naman.
“Gaga! Hindi kaya nakakahiya kaya na walang sasayaw sayo.”pagtatanggol nya sa sarili nya.
“Mas nakakailang na isasayaw ka ng lalaking hindi mo naman kaano ano.”sagot ko pa na ayaw patalo.
Eh baka masabihan pang malandi di ba?
Ok na yung wala.
Naalala ko na naman tuloy ang baby MJ ko.
Kung kami lang sana papupuntahin ko sya dun para may sasayaw sakin.
Hay hirap ng ganitong occasion tapos single ka.
Nakakapanlumo.
Kaso sayang din na hindi ka sasali kasi minsanan lang ang mga event na to.
BINABASA MO ANG
I Should've told you
Teen Fictionwhat if this is one of the decisions i have to think about? would i go for it or not? how about my friends? there's a lot of buts and ifs on my mind. would i give up or will still hold on to my unsure feelings?