Sabado ng umaga tulo laway pa ko ng bigla akong sinigiwan ni tita.
“SAMANTHAAAA! Si MJ nasa tv daliiiiiii!”si tita yun.
Bigla akong napabalikwas si MJ?
Ang mahal ko?
may guesting?
Bat di ko alam?
Dali dali akong bumaba,
ayokong hindi ma panood ang mahal ko.
Oonga guys, artista ang MJ ko at akin lang sya.
Walang makakaagaw sa mahal ko.
Ay! Ambisyosa ba? Pft!
“Tita ang galing talaga kumanta ng mahal ko no? Nakakainlove talaga sya.”
Pak!
“Aray naman tita. Bakit mo ko binatukan?”tanong ko kay tita na may halong inis.
“Ang taas taas na kasi ng pangarap mo baka lang biglang bumagsak ka.”sagot naman ni tita.
“Hmp! Kaasar ka talaga tita.”sagot ko pa.
Ayan natapos na ang performance nya.
Shit inlove na inlove na talaga ako sa kanya.
Tatlong linggo na ang lumipas nung dinala ako ni candice sa isang malltour ng group ni MJ.
Ayoko sa kanila nung una kasi wala naman yatang gwapo eh.
Pero pagdating ko dun iba ang naramdaman ko sa isang member ng grupong yun.
Ang gwapo nya, chinito pa tapos ang cute cute cute nya talaga.
“Best sino yung chinito na yan?”tanong ko.
“Alin dyan? Yung neka yellow or yung naka black?”balik nya.
“Yung nakared na varsity jacket.”sagot ko pa.
“Ah! Si MJ yan, type mo no?”tanong nyang nangaasar.
“Hindi ah porke’t tinanong ko lang crush na agad?”sabi ko pa.
“Yiee! Utot mo eh bat ka bumili ng album nila?isa pa.
Isa pang tanong nito mababatukan ko to eh.
“Eh anong gusto mo? Hihintayin kita dyan sa labas at tumunganga? Letse to!”asar kong sagot sa kanya.
Ang totoo,
tama talaga si candice kaya lang naman ako bumili ng album para makalapit kay MJ ba yun?
Ayan naaaaa! Lumabas na sila.
Shit! Ang gwapo nya talaga, love at first sight yata ako?
Ah! Basta ang gwapo nya talaga.
“Oi! Best ang dami nila bat kay MJ ka lang nakatingin kanina ka pa kaya nakatitig dyan. Tulo laway ka na nyan. Hahaha!”panggising ni candice sa naglalakbay kong diwa.
Nanonood ba to sa mga sumasayaw sa stage o ako lang inaabangan nitong gagang to?
“Ano ka ba best syempre tinitignan ko silang lahat.manood ka na lang din kasi”sagot ko naman.
Nakakainis naman tong si candice eh.
Simula nun naging bukambibig ko na si MJ,
hindi na sya maalis sa isip ko yung picture nga nung crush kong si Lee Minho tinanggal ko na
at pinalitan ng mga pictures ni MJ
pati nga yung wallet ko hindi na nakaligtas may picture narin ni MJ.
Pati yung pagpunta ko sa kanya at nung nagpapicture ako fresh na fresh parin sa utak ko.
Yung pag-akbay nya sakin, yung kinausap nya ko basta kilig to the bones talaga.
“Sam! Sam! Tulala ka na naman, kakain na tayo.”si tita.
Kakain na pala?
Eh di ang tagal kong nakatulala dito?
Hay sarap mag day dreaming.
“Opo tita, susunod na agad ako may kukunin lang ako sa kwarto.”sagot ko.
Nakalimutan ko kasi ang cellphone ko sa sobrang pagmamadaling bumaba.
Baka may mga importanteng txt dun.
*18 messages and 3 missed calls*
Halaa! Shemay may missed calls pa.
Nadismaya naman ako nung nakita kong si candice lang pala.
May mga txt pa na nagsasabing si MJ raw nasa tv.
Duh! Ako pa papahuli? No way!
“Ano ka ba best syempre alam kong may guesting si MJ ngayon no. Tss!”replyko kay candice.
Ang totoo nyan kasi patuloy akong umaasa na magtxt si MJ sakin kahit “hi” lang sana ok na.
*flashback*
“Ate May Ann, dba nakakatxt mo naman si MJ? Pakibigay din po yung number ko sa kanya pls.”pagmamakaawa ko.
Si ate May Ann kasi laging present sa mga malltours ng group nila MJ,
kaya yun sa katagal tagalan ng pagtatyaga nya ay nakuha nya rin yung mga numbers ng mga members.
“Sige, bibigay ko pero walang assurance yan kung ittxt ka nya or hindi ah”reply ni ate May Ann.
“Sige po ok lang. Thank you po talaga. ILOVEYOU!”tuwang tuwang sagot ko.
*end of flashback*
Walang txt from an unknown number nakakawalang gana naman.
“Wow tita! Sarap ng ulam natin”sabi ko kay tita.
Niluto pala ni tita ng favorite kong menudo na may boiled egg.
Wow! Sarap talaga!
Parang ang bilis matapos ng dalawang araw na weekend.
Bukas pasok na naman.
Wala narin akong panaginip inshort wala akong maishahare.
Hay hirap ng single na nga tapos artista ang crush.
Bat kasi walang gwapo sa school? Kung meron man taken naman. Tsk!
BINABASA MO ANG
I Should've told you
Teen Fictionwhat if this is one of the decisions i have to think about? would i go for it or not? how about my friends? there's a lot of buts and ifs on my mind. would i give up or will still hold on to my unsure feelings?