Chapter 14:I Meet His Lover.

35 0 0
                                    

Umuwi ako ng bahay na sobrang saya ng araw na yun.

Ikaw kaya bigyan ng flower ng taong mahal mo di ka sasaya?

“Sammy! Im so happy today kami na po ulit ni patrixa. Hope you liked the rose.”txt from clark.

Halos madurog ang puso ko pagkabasa ko ng message nya.

Masaya ako? Oo.

Malungkot ako? Oo.

Nasasaktan ako? Oo.

Tumakbo ako sa kwarto.

Umiyak ako ng gabing yun kung anong saya ang naramdaman ko kaninang umaga binawi din pala.

Nasasaktan ako pero hindi ako yung tipong suicidal na teenager.

Marunong ako magdala ng problema.

Nakatulog ako na may sama ng loob nung gabing din yun.

Toot! Totooot! Tototooot! Totototooot!

Magpapalate na lang ako ngayon.

Para iisipin nila na kaya maga ang mata kasi sobrang kulang sa tulog.

Ngayong araw din sasabihin ko na sa mga friends ko ang about sa feelings ko kay clark.

Atleast hindi na ako magsisinungaling sa kanila.

At kay clark?

Magpapanggap na lang din ako na friends parin kami kahit nasasaktan na ako.

Buti na lang 1 hour pa kong magiistay dito sa baba.

Atleast 1 hour delay pa bago ko makita si clark.

“Sammmmmmmmy! Late ka rin? Buti na lang dito ka.”si clark yun.

Sure ako maliban kasi sa boses nya, sya lang ang tumatawag sakin ng Sammy.

Naglate ako ngayon para iwisan sya pero ito ako ngayon katabi na naman sya.

Hindi ko na ba pwedeng iwasan ang lalaking to?

“Clarky! Bat ka late ngayon?tanong ko.

“Nalate kasi ng gising si mama sa akin eh.”sagot nya.

Natahimik ako.

Parang ayaw ko ng magsalita nakakawala ng gana.

Naalala ko tuloy nung last week sobrang saya naming naguusap ni clark.

Tapos lagi nya ko nililibre ng snacks.

“Sammmmy! Bat di ka nagrereply sakin kagabi? Nakakatampo ka naman.”sabi ni clark.

Hindi ko alam isasagot ko.

Pwede ko bang isagot na kasi nasasaktan ako kaya ayoko ng makipagplastikan pa sayo?

“Ano ka ba clarky! Wala kaya akong load.”sagot ko.

“Kaya pala eh, dapat nakitxt ka para loadan na lang kita dati naman nakikitxt ka pag wala kang load ah.”sabi ni clark.

Pinaghihinalaan pa ko nun ni tita kasi everytime na nakikitxt ako maya maya makikita nyang nagttxt na ko gamit ang sarili kong cellphone.

One time naman si clark yung nawalan ng load kaya ako nagload sa kanya.

Ang mutual lang ng dating.

“Eh ayoko naman, nakakahiya kaya tsaka bumili ka pa ng rose eh.”sabi ko.

“Ano ka ba sam ok lang yun kaw pa.”sagot nya naman.

Ang ganda ng ngiti ni clark, alam kong inlove sya.

Makikita naman kasi sa mata yun eh.

“Tsaka nahihiya ako kay patrixa clarky adik to. Hahaha!”sabi ko.

Kahit kasi sabihin pa ni clark na ok lang iba parin yung dati na single sya eh.

“Bebepotpot bat ka late?”sabi ni patrixa.

Bumababa pala sya dahil hindi nya siguro nakikita si clark.

Bakit dito pa sa harap ko?

Pwede namang mamaya nalang.

“Hindi ako nagising eh.”sabi ni clark.

Hindi ko lang alam pero bakit parang ang cold ni clark kay patrixa?

Nakikita ko yung spark pero yung pagnaguusap sila ni clark parang walang lambing sa boses nya.

Ano to may away agad sila?

“Pot si Sammy nga pala, Samantha name nya pero Sammy tawag ko sa kanya.”sabi ni clark.

Parang ayoko ngang kausapin yung babaeng yan eh tapos ganito pa ngayon.

Nakakaingit na nakakselos talaga.

“Hello im patrixa clark’s girlfriend.”sabi nya pa.

Ang plastic ng dating ha.

Nakakaasar.

“Im Samantha, nice to meet you patrixa.”sabi ko na lang.

Ngumiti ako pero halatang pilit.

8 na sa wakas naman makakaakyat na ako.

“Clark, patrixa akyat na ako ha 8 na pala.”pagpapaalam ko sa kanila.

“Sammy wait sabay na tayo.”sabi ni clark.

Huminto na lang ako ayoko namang magmukhang trying hard bitter person.

“Pot sama na lang ako kay sam. Bye see you later.”narinig kong sabi ni clark.

“Halika ka na Sammy”sabi ni clark.

Inakbayan nya pa ako na parang super close kami napayuko na lang tuloy ako kasi ang gulo gulo nya.

Sana hindi na matapos to.

Sana ganito na lang kami lagi ni clark.

SANA.

I Should've told youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon