Song:
Dive- Ed Sheeran
-------------------------------------------------------
Ni minsan ba ay natanong mo kung okay lang ako?
Ni minsan ba natanong mo kung musta na ako?
Ni minsan ba ay natanong mo kung masaya ba rin ako?
Hindi, diba? Dahil wala ka namang pake.
Kapag ba sinabi kong mahal pa rin kita, ay maniniwala ka pa ba?
Hindi na, diba? Dahil ako lang naman tong nag-aakalang may pag-asa pa.
Bawat paglipas ng oras, akala mo'y nakakalimutan kita?
Mga panahon na tayo'y nagtatawanan, nagkukulitan at nag-aasaran, ni minsan ba natanong mo rin, 'musta na kaya siya?'
'Wag kang mag-alala, sinta.
'Di naman ako tulad ng iba,
Na madaling pakawalan ang taong mahal nila.
Araw-araw pinapangarap kong ikaw ang kasama ko.
Buo na ang araw ko, marinig lang boses mo.
Masaya na ako kung ika'y kapiling ko.
Ikaw ang tanging inspirasyon ko, pati ba naman ika'y maglaho?
Hindi na nga ba talagang makapaghintay?
Hindi ba talaga tayong ipinagtagpo?
Nakakamiss ang panahon na magkakasama tayo
Pero ngayon, iba na ang kasama mo.
Hanggang dito na lang ba talaga tayo?
Bawat sandali, ay naalala kita.
Hindi ka ba nasasayangan?
Sa mga ala-alang, sabay nating ginawa,
Hindi ka ba talaga gagawa ng paraan?
O wala na ba talaga?
Handa na akong susuko, kung ito'y manggaling sayo.
BINABASA MO ANG
Umaasa sayo
PoetryPuso't isipan ang ginamit sa librong ito. Mararamdaman mong bawat salita ay may nakatagong kahulugan. Kahulugan kung saan aalamin mo kung ikaw pa ba'y mahal. Itong libro'y iginawa para sa iyo. Kaya ito'y iyong basahin ng buong puso. Para malaman...
