updatee! hohoho
inspired by KTJO2617 ❤Nakakamatay talaga, no?
Nakakabaliw-ng isiping wala ng tayo.
Araw-araw akala mo bang okay ako?
Simula nung nawala ka, dahilan ng puso kong maglaho.Naglaho dahil sa sobrang sakit na iginawa mo.
Ang taong tunay na nagmamahal sayo, nagbigay ng todong-todo, binalewala mo.
Sa dinami-dami ba naman ng babaeng mailoloko mo, mahal, bakit ako?Sira na.
Sira na ang puso kong lagi akong isaalang-alang
Hindi ka ba naawa?
May isang taong nasasaktan nang hindi mo makita-kita,
Akalain mo nga naman,
Ika'y nagbait-baitan,
Sa harapan pa ng puso kong matagal ko ng gustong bitawan.Ni hindi ko nga maiklaro,
Kung ano nga ba talaga tayo,
Sinabi ko ng wala pero bakit sabi ng isip ko'y meron?Ginagago ba ako ng isip kong ito?
O ako'y lamang nagpapauto-uto?
Marami pa akong gustong marinig at malaman mula sa iyo.Ilang araw ba dapat tayong ganito?
Akala mo ba ako'y nagbibiro?
Nakakapagod na kasing umasa.
Umasa tapos wala lang namang mapapala.Mahal, alam mo ba?
Iyak ng iyak ang puso kong ito,
Yung pakiramdam na gusto na nitong masabog sa sobrang sakit na pinagdadaanan nito.Pinaparusahan ba ako?
Hindi naman kita sinaktan at iniwan, hindi tulad ng ginawa mo.
Dapat bang tanggapin ko na lang?
Na hindi nga talaga magiging tayo,
Dahil puso ko lang naman talaga itong nagloloko-ng umaasa sayo.

BINABASA MO ANG
Umaasa sayo
PoetryPuso't isipan ang ginamit sa librong ito. Mararamdaman mong bawat salita ay may nakatagong kahulugan. Kahulugan kung saan aalamin mo kung ikaw pa ba'y mahal. Itong libro'y iginawa para sa iyo. Kaya ito'y iyong basahin ng buong puso. Para malaman...