Mahal,
Naalala mo pa ako?
Ang taong minahal ka ng buong puso.Meron nga pala akong gustong ipaalam sa iyo.
Ako'y pagod ng lumaban.
Sa halip na ako'y dapat patuloy na lumaban pa.
Ako ngayon ay susuko na lamang.Nais ko nga pa lang sabihin,
Isang salita na hindi ko inaakalang lalabas sa aking bunganga.Isang salita na nakakapag-taka.
Ako nga ba talaga ito?
Ako nga ba talaga tong taong ito?
Isang salita na hindi nakakapani-paniwala.Malaya
Oo, mahal.
Ika'y malaya na.
Sapagkat ako'y di na kayang magtiis at masaktan.
Atleast kahit papaano ay naramdaman kong tayo'y nagmahalan.Naramdaman ko na ang isang tao pala ay dapat pinapahalagahan, hindi pinapabayaan.
Sapat nang malaman kong hindi na ako.Sapat nang malaman ko na hindi na ako ang laman ng iyong puso.
Kaya naman sa puntong ito, mahal, ako'y pagod ng masaktan.
Ito'y sasabihin ko muli,
Ika'y malaya na.
BINABASA MO ANG
Umaasa sayo
PoetryPuso't isipan ang ginamit sa librong ito. Mararamdaman mong bawat salita ay may nakatagong kahulugan. Kahulugan kung saan aalamin mo kung ikaw pa ba'y mahal. Itong libro'y iginawa para sa iyo. Kaya ito'y iyong basahin ng buong puso. Para malaman...