Isa, dalawa, tatlo, pang-ilan nga ba ako sa puso mo?
Nakalimutan mo na ba ako?
Ang taong minahal ka ng lubos, isa rin sa mga pinaasa mo.Lagi ko na lang pinagdadasalan,
Na sana ay maging malinaw na ang aking kaisipan,
Kung totoo man ang sinasabi nila,
Ba't ayaw mong magpakita?Natatakot ka ba sa mga katotohanang itinago mo?
'Wag kang mag-alala, hindi naman kita inaano.
Sapagkat, isa lang ang sasabihin ko,
"Salamat nga pala sa panggagago"Buong puso kong tinatanggap,
Na hindi mo ako pinapangarap.
Sa dinami-dami ba naman ng tao sa mundo,
Imposible na yata ako'y mapapasaiyo.Salamat nga pala, mahal.
Sa mga ala-alang hindi mo kinalimutan,
Sa mga tagpuan na ating narating,
at ikaw pa ay aking kapiling.Ang sarap sarap balikan kung sa'n tayo'y nagsimula,
Sa ating unang paguusap,
At sa ating unang pagkikita.Minsan rin ba'y naiisip mo,
Na may tao pang magmamahal sayo?
Hindi, diba?
Dahil pokus ka lang sa taong mahal mo.Masyado na ba akong makasarili?
Kung gusto ko sa'kin ay sa'kin lang?
Madali lang naman akong maniwala,
Isang salita, na kapani-paniwala.
'Mahal Kita'Aabot na ba tayo ng isang taon?
Isang taon, puro gan'to lang ang sitwasyon?
Hindi ka nga ba magsasalita?
Ni anino mo'y di ko maki-makita.
BINABASA MO ANG
Umaasa sayo
PoetryPuso't isipan ang ginamit sa librong ito. Mararamdaman mong bawat salita ay may nakatagong kahulugan. Kahulugan kung saan aalamin mo kung ikaw pa ba'y mahal. Itong libro'y iginawa para sa iyo. Kaya ito'y iyong basahin ng buong puso. Para malaman...