Mahal,
Namimiss ko na ang dating tayo.
Ang aking mundo na balot ng kasiyahan,
Ay napalitan ng biglaang kalungkutan.Hindi ko inakalang,
Darating ang araw na ito.
Ang araw na hinding-hindi ko makakalimutan.Ang araw na masasabi kong, lahat-lahat.
Araw na masasabi kong, tama na.
Tama na sa paghahabol.
Kahit ako' mismo mahal,
pagod na.Pagod na ako.
Pagod na akong umasa sa taong binabalewala lang ako.
Nagising na ako sa reyalidad na alam kong wala nang pag-asang maging tayo pang muli.Nagising ako sa katotohanan na,
Hindi ko nakikita ang aking sarili,
Kung sino ba ako,
Sino ba ako sa buhay mo,
Bakit ba ako nagkakaganito,
Sa isang taong tulad mo.Gaano ba ako katagal nabulag sayo?
Nagbilang na ako ng isa, dalawa, tatlo.
Puso mo'y nagtago,
Puso ko' naghahanap.
Parang laro na lang ba ito?Hanggang ngayon, mahal.
Naguguluhan pa rin ako.
Ano bang dahilan sa biglaan mong pagbabago?
Patuloy pa rin akong umaasa,
Di mo ba nararamdaman?Sa dinami-dami ng tao sa mundo, ba't sayo pa ako nagkakaganito?
Sinabi ko na sa sarili ko na tama na.
Wala na, finish na.
Pero bakit ganito?
Tinamaan mo ako ng todong-todo.Mahal, 'di pa ito ang huli.
Aasahin mong mamahalin pa rin kita.
Umaasa.
Hanggang sa aking pagbabalik, mahal.
Hanggang sa ating muling pagkikita.
Humanda ka dahil ang sasabihin ko lamang sayo ay,
Tapos na.
Wala na.
Sapat na.
BINABASA MO ANG
Umaasa sayo
PoetryPuso't isipan ang ginamit sa librong ito. Mararamdaman mong bawat salita ay may nakatagong kahulugan. Kahulugan kung saan aalamin mo kung ikaw pa ba'y mahal. Itong libro'y iginawa para sa iyo. Kaya ito'y iyong basahin ng buong puso. Para malaman...