III

71 7 1
                                    

Sabi nga nila, no more what ifs, kung gusto mo siya, take risks.
Paano nga ba?
Nagmahal lang naman ako, pero bakit parang ako tong nasasaktan? nakakarma?

Paturo naman kung saan niyo nakukuha yung lakas na loob niyo para saktan ang taong walang ginawa kundi mahalin kayo.

Araw-araw, pinapangarap ko na ikaw ang kasama ko.
Na parang tayo ay ipinagtagpo,
pero naalala ko na ang imahinasyon ka lang sa puso ko.

Minu-minuto, nagaabang ako na ikaw ang laman ng messenger ko,
Hindi ba pwede ako na lang ulit?
Hindi ba pwede kalimutan mo siya at maging tayo na lang?
Dapat ba talagang humanap ka ng iba?

Alam mo ba, mahal? Ang hirap na.
Ang hirap ng magpakatanga,
umasa,
at paulit-ulit na mahalin ka.
Mahirap ba talaga akong mahalin?

Hindi naman ako nangangagat.
Nakakasawa na ba ang isang tulad ko?
Na lagi na lang ako natutukso
Sa araw-araw na pananalita,
Bigyan mo naman ulit ako ng pag-asa.

Pagsubok ba ito na ibinigay saatin?
Bakit naman ang hirap nitong harapin?
Ito ba ay nagpapalakas satin?
Sana naman bumalik ka na sakin.

Ni hindi ko nga alam kung ano nga ba tayo,
Walang alaman o pansinan,
Nagaalok ka ba ng hiwalayan?
Paulit-ulit to, handa na akong susuko basta't ito'y nanggaling sayo

Umaasa sayo Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon