Kinabukasan, hinatid ako nung isang kotse ni Dad kasama ni Brent at nung driver. My Dad was asking me to pay a time for driving lessons, dahil pagka 18 ko daw puwede na akong magdrive at ibibigay na niya sakin yung kotse. Tatanggi sana ako kaso anong aasahan ko diba? Gaya ng sabi niya nun, he'll give me everything. Sumama lang si Brent ngayon dahil assistant ko nga daw siya pero ang sabi naman nito ay magpapaiwan siya sa parking lot with the driver para di daw ako mairita na may nakasunod sakin. Hindi naman ako maiirita nun. Ayoko lang yung feeling na nakabuntot sila sa akin at kaya ko naman ang sarili ko. Tsaka mapapansin ako ng mga ibang estudyante and i honestly hate attentions, especially kung sa gaya nilang mapanghusgang atensyon.
Ang sabi ko nalang ay kahit umuwi nalang muna sila at balikan nila akong alas kuwatro ng hapon. They didnt accepted my offer, dahil magagalit daw si Dad pag nalaman niyang dumating silang wala ako.
Kaya ayun, magpapaiwan na daw sila sa may parking lot.
Pagkarating ko sa classroom nandoon na sila Jeno, panay ang usap nila ni Mark. Mukhang masaya naman siya ngayon.
Nginitian ko lang siya ng magkatinginan kami. At naupo na ako sa tabi ni Chenle.
"Kamusta ang buhay prinsepe?" Chenle chuckled.
Tumawa lang ako.
"Balita ko buong araw nandoon sila Jeno kahapon diba?" He asked.
"Ah. Oo. Hinihintay nga namin kayo eh. Si Jisung sinamahan daw Mommy niya somewhere. Si Renjun naman sumasakit yung katawan. Eh ikaw bat di ka pumunta?" I asked while looking at him.
"Di ako payagan nila Papa. Linggo kasi. Hindi niya ako pinapalabas ng bahay." Dahilan niya.
Ay. Oo nga pala.
"Kamusta naman yung Dad mo?" He asked out again.
"Hmm. Okay lang. Mabait siya." I said.
"Mukha nga eh. Pati kami parang turing na din niya anak niya eh." He smiled.
I just smiled back.
Namalayan ko nalang na nasa tabi ko na pala si Jeno at isinandal ang ulo sa balikat ko.
"May problema?" I asked while facing his side.
"Wala. Namiss lang kita." He said at iniangat na ang ulo niya para makita ako.
"I missed you too." I pinched his nose at napatawa siya ng mahina.
"Anyway," he said kaya napalingon ako sa kanya ulit.
"Niyayaya ka ni Mama ng lunch para mamaya. Namiss ka daw niya." He said smiling.
"Sure." Natutuwa kong pagsang ayon.
Kaya pagkatapos ng klase namin ng morning session ay dumiretso kami ni Jeno sa opisina ng Mama niya. Naabutan namin si Maam Lucy, na may inaayos sa table niya bago niya kami nilingon at nginitian.
Pansin ko ang nangingilid niyang luha nung niyakap niya si Jeno. Nagtaka din si Jeno kaya yumakap lang dito at di nagtanong.
Sumunod nun ay ako naman ang niyakap niya.
I pat her back before she let me go, and smiled.
"Nagpadeliver ako ng lunch na natin. Hintayin nalang natin saglit. Upo na kayo." She said kaya umupo lang kami ni Jeno.
YOU ARE READING
Overplay S4 : Who Are You
FanfictionFind out how they'll find out the truth about who are they, and whom they came from.