Trenta Y Cuàtro

102 9 0
                                    

Akala ko, iyong tungkol sa pag alis namin ang problema ko.










Nasabi ko naman na kay Jeno, pero wala pa kaming plano at kung anong sasabihin ko sa mga magulang ko.






Ayoko silang madisappoint, at lalong ayoko silang malungkot ng dahil sa kin.





Ayoko ring sirain kung ano man ang mga plano nila sa pag alis namin.






At ngayon, isang malaking balita mula sa press ang bumungad sa araw namin na diko aakalaing mangyayari sakin.






Tungkol ito sa issue ng parents ko, at ang tatay ni Jeno, na mismong City Mayor.













May rehearsals kasi kami sa school, para dun sa pagkuha ng golden achiever award namin ngayon. Siyempre, ganun talaga dapat pinaghahandaan. Nandito din sila Mark, sila Jeno pero hindi ko sila kasama ngayon dahil may inaasikaso sila.







Habang isinasagawa namin ang ensayo, dumating bigla ang ilang media representatives at nilapitan ako.





"Bilang anak ni Chief Gong Yoo, anong masasabi mo tungkol sa ganap ng inyong pamilya at sa paghihiwalay ng City Mayor at Campus Executive Director ng school na ito?" One reporter asked.







Napatitig lang ako sa hawak niyang mikropono ng itinutok malapit sakin ito habang hinihintay ang sasabihin ko.







"Hindi ka ba nahihiyang malaman ng lahat ang gulo ng pamilya niyo?" Another one asked.





"Ah- k-kasi ..." I was speechless, i can't find the right words to say. Alam ko kasing mapapublish ito sa balita mamayang gabi at hindi ko kayang magsalita tungkol sa ganap ng magulang ko.




"Totoo bang kapatid at kadugo mo ang super model na si Mr. Jeno Lee?" That stopped me in a moment.








Mas lalo lang akong naguluhan sa sasabihin. Ayokong madamay si Jeno, at dahil sa kilala siya, baka marumihan ang pangalan niya dahil sakin.






"Anong opinyon niyo tungko-"

"Snap it all out." Someone pulled me from the back kaya nagulat ako, pati nung ibang tao dun na nakikiusisa, at ng ibang reporter.






Nakita ko nalang si Mark na seryosong nakatingin sa mga reporters using his new deadly look.











Teka bakit parang may scars siya sa mukha?









"Wala kayong karapatang tanungin ang kaibigan ko ng ganyan dahil lang sa anak siya ng nasasangkot sa balita niyo. Iyong mismong magulang niya ang tanungin niyo, mabibigyan kayo ng mga yun ng sagot. Walang alam si Jaemin tungkol sa isyung yan kaya umalis na kayo dahil wala kayong maririnig mula sa kanya." He said seriously.





Parang natameme naman iyong mga reporters at nagtinginan silang lahat.





"Tara na." Mark pulled me off at nagpatangay naman na ako hanggang sa makalayo kami sa kanila.




"Teka lang, Mark." I stopped.



"Nagpakulay lang ako ng itim na buhok, Mark na naman tawag mo sakin." He laughed.





Huh?









Nanlaki ang mga mata ko.




"Minhyung?" I asked. He laughed while nodding.




Overplay S4 : Who Are YouWhere stories live. Discover now