Jeno's
"Jeno!" Narinig kong tawag sakin ng isang pamilyar na boses mula sa nilalakaran kong hallway kanina. Nilingon ko ito at nakita ko si Koeun na humahabol sakin.
Kasama ang boyfriend niyang bestfriend ko.
Oo, nagkabalikan na sila ni Mark. Masaya naman ako para sa kanya pero ayoko pang kibuin si Mark ngayon.
Tumigil ako at tiningnan lang sila habang parating na sila sa dako ko.
"Akala ko ba may sakit ka? Bakit ka pumasok?" Sabi niya sabay hawak sa noo ko.
"Kailangan. Uuwi din akong maaga." Sabi ko at umalis na. Hindi naman na niya ako hinabol pero totoo, binalikan ako ng lagnat ko.
Dala na din ng pabago bagong klima ng panahon tapos kagabi di ako makatulog.
Napanaginipan ko siya.
Sa panaginip kong iyon, gustong gusto ko siyang yakapin at kausapin.
Pero ang nangyari ay hindi ako makalapit sa kanya.
At may nakita akong babaeng kasama niya.
Ewan ko. Pero dahil dun, di ako nakatulog pagkatapos nun.
Kaya lalong bumigat ang pakiramdam ko ngayon.
Pagkarating ko naman sa klase ay bumungad ang pamilyar na ingay ng mga kaklase namin. Hinanap ng mata ko ang pigura niya pero nakita kong wala pa siya sa upuan niya. Naroon si Chenle naman na nakaupo lang at may hawak na papel, mag isa.
Napalinga linga ako sa paligid. Hanggang sa may nabangga na pala ako mula sa likuran ko.
Na may pamilyar na pabango.
"Excuse me." Nakayukong sabi niya saka na dire diretsong naglakad patungo sa upuan niya, sa tabi ni Chenle.
Nalungkot ako ng bahagya.
Jaemin.
Napailing nalang ako saka ako dumiretso sa upuan ko. Kinuha ko iyong reviewer ko saka ako nagbasa dahil review day namin ngayon para sa exam bukas. Magsisimula na din kasi Finals eh. Tapos ayun, sembreak na naman. Fourth Year na next enrollment. Ang saya diba kahit paano.
Naramdaman ko ng bahagya ang pag upo ng isang tao sa kabilang side ko at pasimpleng tiningnan iyon. Si Haechan, na nangangayayat na.
Pero halatang masaya kasi nakangiti lang siya.
"Hey, brother. Kamusta?" He asked pagkaupo niya.
"Okay lang. Tagal mo yatang di pumasok ah." I put my papers down at hinarap siya.
"Maselan na kasi lagay ni Herin eh kailangan kong bantayan.. Pumasok lang ako ngayon kasi review day." He said.
YOU ARE READING
Overplay S4 : Who Are You
FanfictionFind out how they'll find out the truth about who are they, and whom they came from.
