Masayang masaya ako ngayong araw dapat. Nasurpresa ako pagpasok ko ng school, kasi nasa top 1 ulit ako ngayong sem. Ibig sabihin, hindi din ako eliminated sa pagiging dean's lister ng University dahil muntikan na akong malaglag nun, after kong mapunta kong sa rank 3rd last sem.
Masaya naman ako eh. Proud si nanay nga eh ng sumilip siya sa classroom namin.
Pero kaninang umaga kasi, bago kami pumasok ni nanay sa University, pumunta kami sa kanina sa DFA para magpaprocess ng Passport. Yun yung nagpapalungkot sakin pero diko ipinapahalata kay nanay dahil ayokong baguhin nila iyong plano nila dahil lang sakin.
Oo, ayoko ng umalis dito. Ayoko ng pumunta ng New York.
Selfish na kung selfish, pero di ako sasaya doon.
Pero ayoko ding saktan ang magulang ko.
Paano ko ipakikiusap ito?
"Ice Cream?" A hand holding a choco ice cream was infront of me kaya napasulyap ako sa may ari ng kamay nito.
Nakita ko ang guwapong mukha ni Jeno na nakangiti sakin.
Walang klase. Hinihintay ko lang siya mula sa rehearsal nila para dun sa pageant sa Ending Event soon dito sa school.
Kinuha ko iyong ice cream at naramdaman ang pag upo niya sa tabi ko.
"Thanks." I said and started eating my ice cream.
"Mukhang malungkot ka ha. Ang tagal ko ba?" He asked while putting his phone in our table.
"Wala to." I lied.
"Matagal na tayong magkasama. Hindi mo ako malilinlang sa mga kasinungalingan mong ganyan." He said.
I just sighed lowly.
"Jeno," i stopped eating and looked at him.
I catched how his tantalizing eyes stared back at him.
"Paano kung umalis ako? Mahal mo pa ba ako? O maghahanap ka na ng iba?" I asked.
My question is a crap.
"Aalis ka?" He asked shooked.
Napahinga ako ng malalim.
"Ang sabi nila nanay, pagkatapos ng kasal nila ni Dad, lilipat na kami sa New York. Bale dun ko na ipagpapatuloy yung last year sa course nating ito. Gusto kasi naming lumagay sa tahimik at para makapagsimula na din kami ng buong buo kami." I explained.
Nung una ay di siya nagsalita pero nakangiti lang siya all the way.
"Anong gusto mong mangyari kung sakali?" He asked.
I bowed my head down. "Ayokong umalis. Pero ayokong masaktan ang parents ko. Alam ko namang para sa ikabubuti naming lahat iyong pagpunta namin doon. Pero ayokong mahiwalay sainyo. Sayo."
I feel how he slides his palm in my lap kaya napatingin ako dito, saka sa kanya.
"Ako din naman, ayoko ring mahiwalay sayo kung sakali. Wag kang mag alala, kakausapin ko ang tatay mo." He said smiling.
YOU ARE READING
Overplay S4 : Who Are You
FanfictionFind out how they'll find out the truth about who are they, and whom they came from.