"Happy Christening, baby Nomin!" Sabay sabay naming sigaw in a snap.
Nandito kami ngayon sa bahay nila Haechan, with a Christening + Wedding Party. Oo, hindi gaya ng napagplanuhan, pinagsabay na ang kasal ni Haechan and Herin at iyong binyag ni baby. Ang saya saya kasi kami lang din mga kaibigan nila ang nagprepare ng lahat.
"Ang cute ni Nomin." I said.
"Mas cute ka pa." Sabi ni Jeno kaya napalingon ako sa kanya.
"Siyempre joke lang. Aawayin mo na naman ako eh." Bawi niya kaya tumawa nalang ako.
"Kain na guys!" Yaya nila Herin kaya sabay kaming pumunta sa dining area at naupo kami ng magkatabi.
Nagtagal din kami ng ilang oras din dahil nilaro namin si Nomin at tumulong na din sa paglilinis after ng party. After nun, nagpaalam na kaming umuwi.
"Sama muna ako sa inyo." Sabi ko kay Jeno.
"Osige. Sabihan ko kay Mama, magluto siya ng paborito mo." He winked. I chuckled lowly.
Ng makarating kami doon ay tahimik kaming pumasok ng gate nila. Kaso nasa labas palang kami ay may narinig kaming di inaasahan sa loob ng bahay.
Parang may kasagutan na iba ang Mama ni Jeno sa loob.
"Umalis ka na bago ka pa niya makita!" Rinig naming sigaw ng Mama ni Jeno kaya lalo kaming nabahala.
"Let me see him." A voice of a man was heard. Napalingon ako kay Jeno na seryosong nakatitig sa pinto.
Dire diretso siyang sinipa ang pintuan at nakasunod lang ako sa kanya. Pagkabukas nun, bumungad ang Mama niya habang may kaharap na isang lalaking, mga kaedad din niya. Medyo wavy and brown niyang buhok at maganda ang singkit niyang mata.
Napatitig silang dalawa samin.
"Anong ginagawa mo sa Mama ko?" Seryosong wika ni Jeno sa lalaki na nakatitig sa kanya na parang di makapaniwalang nakikita niya si Jeno ngayon.
May kutob na ako sa kung sino siya. Yung lips and nose niya, may hawig kay Jeno.
"Heechul, umalis ka na." Pinagtutulakan ng Mama ni Jeno iyong lalaki but he stopped her.
"Jeno .." sabay lapit nung lalaki kay Jeno pero napaatras lang si Jeno. Namumula na yata siya sa galit o kaba.
Napatakip naman ng bibig si Ms. Hani na parang nagpipigil ng iyak.
"Sino ka?" Nanggigigil na tanong ni Jeno pero di ito sumagot.
His Mom hugged him from the back at nakatitig lang ako sa kanila.
"Anak, siya ang Daddy mo." Ms. Hani were crying. Napansin ko din ang pagtulo ng luha nung lalaki, at ni Jeno.
Natakot ako sa puwede niyang gawin ng lumapit lalo ang Daddy niya sa kanya. Pero nung yumakap ito kay Jeno, ay parang nanghina na siya at di na lumaban pa.
Alam kong galit siya sa ama niya. Pero sa nakikita ko, wala na yun.
He holds Jeno's shoulder sabay punas sa luha ni Jeno. "I know i did a lot of mistakes to your Mom, pero nung nalaman kong nagbunga ang lahat at buhay ka, bumalik ako dito at hinanap siya. Pinagtatabuyan ako ng Mama mo kasi alam niyang gusto mo akong saktan sa pananamantala ko sa kanya noon. Pero hayaan mo akong bumawi sa inyo. Gusto ko lang maging ama sayo. Kahit di na ako tumira dito, kahit na di kami makasal ng Mama mo. Basta tanggapin mo ako bilang ama mo." He said.
Napangiti ako ng marinig iyon. Alam kong maliNis ang intensyon ng ama niya sa kanila.
"May mga kapatid ba ako at may pamilya ka bang iba kaya ayaw mong makasal kay Mama?" Tanong ni Jeno na seryosong nakatingin pa din.
Umiling ito. "Wala. Ang iniisip ko lang ay wala naman talagang kami ng Mama mo."
Nakaiwas lang ng tingin si Miss Hani.
"Pero kung gusto ko, papakasalan mo ba siya at di iiwan?" Sabi ni Jeno na gumitla samin pareho ni Miss Hani.
Bumitaw siya kay Jeno at napahinga ng malalim. "Kung gusto niya."
Kahit paano ay natuwa ako sa narinig ko. Makukumpleto na ang pamilya niya.
But then, Miss Hani replied, "Ayoko makasal sayo."
Dun nawala ngiti ko pero si Jeno, nakangisi lang.
"Tatanggapin kitang ama ko once napapayag mong makasal si Mama sayo. Kung hindi, hindi din. So start pleasing my Mom and be her suitor." Jeno teased.
Ibang klase. Napangiti nalang ako ulit.
The end.
•••••
Check my Overplay S5: Her. Thank you for supporting the season 4! Saranghaeyo!
YOU ARE READING
Overplay S4 : Who Are You
FanfictionFind out how they'll find out the truth about who are they, and whom they came from.