Dumating na ang huling araw para sa academic year. Parang recognition day, pero dahil college na, hindi matatawag na Recognition day ito samin. Well, sa mga graduating, oo. Dahil para sa kanila ang seremonyang ito.
Pero dahil nga maraming pakulo ang University namin, ay hindi recognition day ang tawag dito. Imbes na nakatoga, as the traditional dress of graduation, nakapang formal attire lang ang mga graduating students. Habang kami naman ay semi-formal lang.
"Next year, gagraduate na din tayo." Narinig kong sabi ni Mark na nasa tabi ko.
Napangiti naman ako.
Kung tatanungin niyo kung nasaan sila Jeno, ayun nasa may practice room sila. Mamayang after lunch kasi iyong pageant nila, ngayon umaga ay may gaganaping General mass, at Graduating Ceremony para sa mga graduating students. Sa bandang gabi magaganap ang awarding nung mga achievers, at pati na din nung mananalo sa pageant nila Jeno at Barbara. Nakakaexcite, sana manalo siya.
Wala pa si Renjun, si Jisung sigurado nasa practice room din kasi siya ang representative ng section nila, si Chenle at Haechan naman, may saglitang practice sa choir, dahil magpeperform sila mamaya sa misa.
Sila Minhyung? Nasa likod sila banda ng auditorium. Mga freshmen students kasi nasa likod talaga.
"Nasaan pala si Herin? Di ba siya aattend?" I asked Mark.
"Hindi na daw yata. Nilalagnat daw si baby Nomin eh kaya hindi na daw siya aattend." He answered.
"Kaya pala problemado si Haechan, lately." I said. Tumango tango lang siya.
Hindi rin nagtagal ay nagsimula na ang misa at in-introduce iyon ni nanay, as Campus Executive Director.
"Jaemin .." habang nasa misa kami ay, mahina akong tinawag ni Mark kaya napalingon ako sa kanya.
"Malapit na birthday namin ni Minhyung." He smiled.
"May plano ka?" I smiled at him.
"Plano para sa kapatid ko." He smiled back.
"Sige, ano yun?" I asked smiling.
"Simula kasi ng nawala si Minhyung sa bahay nun sa Canada, parang gumuho din ang mundo nila Mama at Papa. Kas kung iisipin, namatay na yung Kuya namin tapos umalis ako, at pati siya. Nakakaawang isipin na nastress ang magulang namin dahil lang sa aming dalawa. Kasi nung araw na nahanap ko si Minhyung, hindi ko napigilang mabanggit sa mga magulang namin na kasama ko siya. Na hindi niya alam. Jaemin, gusto kong isurprise si Minhyung kasi alam kong miss na miss na niya ang parents namin kaso hindi lang niya masabi dahil natatakot siyang ipagtabuyan ulit." He explained.
"Oo nga." I nodded.
"Ang sabi nila Mama, pupunta daw sila dito sa birthday namin which is the day after tomorrow. Gustong gusto na nga din nilang makita si Minhyung dahil alam nilang nagbago na daw ito, at may ginagawa itong maganda sa buhay niya. I send them his materpieces actually at ayun, nagsisisi si Mama na itinaboy niya nun si Minhyung." He continued.
Nakangiti lang ako sa kanya.
"Tulungan mo akong iset up lahat, Jaemin. Hindi ko kakayanin ng mag isa yun. Baka pumalpak eh." He said shyly.
YOU ARE READING
Overplay S4 : Who Are You
FanfictionFind out how they'll find out the truth about who are they, and whom they came from.