Jeno's
Pagkatapos ng first subject kung saan nag exam kami ay dumiretso ako ng library. Ewan ko, gusto ko lang bumalik doon.
Kung saan nagkasama kami ng panandalian kahapon ng taong bumuo ng mundo ko nun. Na naging dahilan din ng pagkawasak nito ngayong mga araw na to.
Ewan ko pero parang nawawalan na ako ng pag asang ibalik ang dating kami pa.
Pagkarating ko ng library, iba ang nakita ko. Si Miss Hani. Umiiyak ito at may hawak na mga papeles sa kamay habang nakasandal sa pader ng library kung saan di siya nakikita ng mga estudyante.
Nagtaka ako. At siyempre medyo nacurious kung bakit ito umiiyak.
Pero yung iyak niya hindi yung parang nasasaktan o ano. Parang masaya ito. Ewan eh.
Pinagmasdan ko muna siya bago ko nakitang inilagay yung papel sa mesa niya at kinuha ang phone mula sa bag niya at dumiretso sa may kabilang dako ng library. Habang may kinakausap sa phone.
Dala ng kyuryusidad ko, lumapit ako sa table niya at kinuha ang mga papel na yun mula sa mesa niya.
Isa itong papeles ng DNA result. Hindi sana ako magugulat kung dna result lang to. But i saw my name on it. I saw my complete name on the Child's section.
And the mother was her. Her name was indicated in it.
Agad kong nabitawan iyon at napatakbo palabas ng library bago pa mang may makakita sakin.
Lumakas ang tibok ng puso ko na parang sasabog na di mo maintindihan.
Huminga ako ng malalim.
Siya na nga kaya ang nanay ko?
Lumingon ako ulit sa loob ng library at nakita ko siyang paparating saka niya kinuha ang bag niya at iyong papel. Nagmamadali itong lumabas ng library kaya di niya ako napansin sa tabi habang pinagmamasdan ko siya.
At dahil na din sa di ako matahimik ay napasunod na ako sa kanya.
"Manong, sundan mo ang cab na yan." Sabi ko sa driver ko sabay turo sa sinakyan niyang cab palabas ng university. Agad namang sumunod sa utos ko ang driver ko at nakarating kami sa hospital.
Hinintay kong pumasok siya ng hospital saka ako dahan dahang sumunod sa kanya para di niya alam na sumusunod ako sa kanya.
Hanggang sa nakarating siya ng office room ni Dr. Benitez at sinalubong siya nito ng yakap.
"I am now 100% sure na ang resultang iyan. Now, go and tell him." The doctor smiled at her.
"Hindi pa ako ready at baka kung ano maisip niya." Natatakot na wika ni Miss Hani.
"Saan ka di ready?" Binuksan ko ang pinto sabay sabi nun kaya nilingon nila akong dalawa na halatang gulat.
Nagkatinginan silang dalawa saka ngumiti si Dr. Benitez.
Dahan dahang tumayo si Miss Hani at kinakabahang tumingin sakin.
YOU ARE READING
Overplay S4 : Who Are You
FanfictionFind out how they'll find out the truth about who are they, and whom they came from.