Jaemin's:
Kinabukasan, maaga ako nagpaalam para sa sinasabing date ni Jeno. Ayoko munang sirain ang araw. Ayoko munang sirain yung merob kami. Kaya pupunta ako sa bahay nila para di niya mabisto na nandito si Ma'am Lucy.
"Anak, may pupuntahan ka?" Sabi ni Dad habang palapit ako sa kanila ni Mama na nasa dining area, nagkakape. Oo, nandito na si Mama at simula pa kahapon, dito na siya titira. Masaya ako pero malungkot din kasi iniisip ko si Jeno.
"Ah. Lalabas sila ni Jeno. Diba?" Sabi ni Nanay saka kinindatan ako.
Alam na niya kasi sinabi ko kagabi.
"Talaga ba? Magbestfriend ba kayo nun at lagi kayong magkasama?" Dad asked kaya nagkatinginan kami ni nanay.
Alam ni nanay ang relasyon namin ni Jeno, pero si Dad, hindi.
At mukhang di maganda kung malalaman niya yun.
"Uhm, magkai-"
"Isipin mo nalang date nila yan." Nanay said as she chuckled and Dad chuckled too.
Ngumiti lang ako.
"Mag ina talaga kayo kasi ang hilig niyong magbiro." He said kaya nagtinginan kami ni Nanay ulit.
Mukhang masama nga yata pag malalaman niya.
"Osiya. Ingat. Enjoy!" Nanay said saka nila ako hinalikan sa noo ko bago ako pinayagang umalis.
Umalis na ako agad at dumiretso sa bahay nila Jeno. Pagkarating ko doon, iyong ama niya ang nasalubong ko.
"Akyat ka, hijo. Baka tulog pa yun sa kuwarto niya. Punta ka sa kuwarto niya. Medyo nagmamadali kasi ako." He smiled bago ako iniwan sa harap ng pinto nila. Wala naman na akong nagawa at pumasok na sa loob ng magara nilang bahay at umakyat sa taas at hinanap ang kuwarto ni Jeno.
Pagbukas ko ng pinto, bumungad ang amoy ng kuwarto niya sanhi na din ng airconditioner niya na amoy strawberry na lagi kong naaamoy kay Jeno.
Nakakainlove na amoy niya.
Nakita ko siyang nakadapa sa kama niya at tulog na tulog. Ngumiti ako at lumapit sa bintana at hinawi ang kurtina kung kaya ay medyo gumalaw siya dahil sa pagpasok ng liwanag sa kuwarto niya.
"Jeno." I said as i laid down and hugged him from his back.
"Mmm." Ungol niya kaya natawa ako.
I kissed him in his cheeks and there, he tried opening his tiny eyes pero di halatang nakatingin na siya sakin dahil sa singkit nga siya.
Bigla siyang ngumiti.
"Ang aga mo." He said.
I poked his nose, "Miss na nga kasi kita."
He chuckled.
YOU ARE READING
Overplay S4 : Who Are You
FanfictionFind out how they'll find out the truth about who are they, and whom they came from.