Jeno's
Nilalagnat ako ngayon. Ang sakit nga ng likod ko eh pero kailangang pumasok para sa lintek na practice na yun.
Hanggang alas sais dapat ng hapon ang uwian eh kaso nagpaalam na akong umalis alas kuwatro palang ng ibinalita nila Chenle na isinugod daw sa hospital si Koeun. Naalarma ako siyempre. Kapatid ko yun. Ate ko yun.
"Osige, Jeno ha? Agahan mo nalang bukas." The trainor let me left at hindi na ako nagpalit ng damit kahit medyo pawisan na ako dahil kinakabahan talaga ako para kay Koeun.
Kahit naman may pagkabruha ugali nun, kapatid ko pa din siya.
Nalaman ko din kay Chenle na dahil dAw sa may nangharass at nanakit ata kay Koeun kaya siya sinugod sa hospital. Magbabayad ang gumawa nun sa kanya talaga.
Humahangos ngunit kalmado akong nakarating sa hospital. Mabigat pa kasi pakiramdam ko dahil sa lagnat at back pain ko kaya medyo seryoso ako ngayon. Tinanong ko sa may nurse desk kung asan ang kuwarto ni Koeun at kung ano na ang lagay niya.
"Nasa operating room po siya sa second floor left at okay na po siya. Kakatapos lang po siyang salinan ng dugo ng half-sibling niya kaya hinihintay nalang po recover-"
I cut her in there. "Anong ibig mong sabihing half sibling?"
Napatingin sakin iyong nurse at kumunot ang noo. Hindi ko na sinayang pa ang panahong iyon at tumakbo papunta sa second floor at dumiretso sa left operating room. Doon lumakas ang kabog ng dibdib ko ng maabutang bukas ng slightly and pinto, at nakita ko si Koeun na may balot na benda sa ulo habang nakahiga sa kama niya at yakap yakap siya ni Dad. Higit pa doon, nasa tabi lang din nila si Mama, at hinahaplos ang likod ng tatay ko na mukhang kino-comfort niya ito. Nakita ko din si Sir Gong yoo pati na yung sila Mark at Minhyung at isang pamilyar na babae. Ngunit ang nakakasindak din doon ay nakita ko si Jaemin sa kabilang kama malapit kay Koeun at napansin ko cotton cover sa wrist niya na mistulang kinuhanan ng dugo o anuman.
My heart beats fast. Lalo ng marinig ko ang sinabi ng Dad kong pasasalamat kay Jaemin.
Pasasalamat kay Jaemin dahil sa pagbibigay niya ng dugo sa half sibling niya.
Napaisip ako at parang gumuho ang mundo ko ng magtagpo tagpo ang mga ideyang magkapatid silang dalawa sa utak ko.
Napatakbo ako at napatulak sa pinto at tiningnan nila akong lahat.
At aware akong nasindak sila sa presensiya ko.
"Anong pinagsasabi niyo? Half-siblings?!" I blurted out.
Nung una ay di sila nakapagsalita. Until Mama called for my name, at halos paiyak na siya.
"Tell me." I seriously said while breathing in deeply.
"J-jeno .." Mama cried already.
Tinitigan ko sila ng masama. Tumayo si Dad at nagsabi, "Anak, calm down."
But i didnt. Kinokontrol ko iyong emosyong kanina pa gustong lumabas.
YOU ARE READING
Overplay S4 : Who Are You
FanfictionFind out how they'll find out the truth about who are they, and whom they came from.