CHAPTER 4: PHILIPPA

1.4K 83 27
                                    

PHILIPPA's POV


Hindi pa man din nag-aalarm ang cellphone ko ay nagising na ako. Kinapa ko ang cellphone ko at tiningnan ang oras.

6:05 a.m.

Binaba ko na ang cellphone ko at saglit na pumikit. Bakit hindi nag-alarm ang cellphone ko? Nag-set pa naman ako ng maraming oras tapos hindi naman pala mag-aalarm. Buti na lang ay nagising pa rin ako ng maaga kundi male-late ako sa school.

Nag-hikab ako sabay nag-inat ng katawan at napakunot ang noo ko nang maramdaman kong parang may something weird sa katawan ko. Why do I feel like my body became heavy and bulky? Ahh, baka dahil sa kahapon nung nasubsob ako sa kalsada at muntik masagasaan.

I sighed. Inaantok pa rin ako kaya nanatili lang akong nakapikit. Paulit-ulit ko kasing naaalala 'yung matandang nakausap ko kahapon kaya hindi ako nakatulog kagad dahil sa takot. Creepy. Sana naman hindi ko na sya makita baka mamaya ay balikan pa ako non.

Biglang nangati ang singit ko kaya kinamot ko ito. My eyes automatically flew open when I felt something.. something weird and big.. Hindi ko ito tiningnan dahil natatakot ako. Shems! Ano 'yon? May nakapasok na malaking daga sa shorts ko? Kyaaah! But why it isn't moving?

Kahit natatakot ako ay sinubukan ko itong kapain nang hindi nakatingin. Pigil hininga ko itong hinawakan dahil natatakot ako na kung sakaling daga nga ito ay baka bigla na lang akong kagatin nito.

Pero teka nga! Bakit naman magkakadaga sa kwarto ko?

Napa-sign of the cross pa ako bago ko tuluyang hinawakan. Pagkahawak na pagkahawak ko ay tinanggal ko kagad ang kamay ko at napasigaw kagad ako ng malakas. Napabalikwas ako sa pagkakahiga ko at napatingin sa bandang baba ko. W-Why did it became hard? Patay na ba 'yung daga sa loob ng shorts ko?!

Kyaaaah! Nagtatalon kagad ako pababa sa kama ko at pilit na tinataktak palabas 'yung patay na daga pero ayaw pa rin lumabas! Maiiyak na ako sa takot at pandidiri! Talon lang ako ng talon hanggang sa bigla na lang akong bumagsak dahil natisod ako sa maliit na dumbbell.

"Kailan pa ako nagka-dumbbell sa kwarto?!"

Ngayong gising na gising na ang diwa ko ay tsaka ko lang napansin ang itsura ng kwarto ko. Dark blue curtain, white wall, clothes everywhere, bag of chips which is half eaten, pizza, xbox and empty beer bottles.

"Nasaan ako?! Kaninong kwarto ito?!"

May kumidnap ba sakin habang natutulog ako? Tapos.. tapos.. lumipad kagad ang tingin ko sa katawan ko para sana tingnan kung suot ko pa rin ang damit ko at halos mahimatay ako sa nakita ko dahil wala! Wala akong suot na pang-itaas! Nakaboxers lang ako pero hindi iyon ang mas nagpagulat sakin kundi..

"Bakit ang macho ko?!"

Tsaka.. 'yung boobs ko! Nawawala ang boobs ko! Waaaaaaah!! Ang liit na nga lang non tapos mawawala pa!

Ano ba ang nangyayari? Bakit nagkaganito ang katawan ko?! Did I sleep exercised kaya ganito kalaki ang katawan ko?! Nilibot kagad ng mga mata ko ang buong kwarto at mabilis akong napatakbo sa harap ng salamin nung makita ko iyon.

"KYAAAAAA! OH MY GOD! OH MY GOD! OH MY GOD!"

Bakit katawan at mukha ni Vander Esquival ang nakikita ko?! Why am I inside the body of the most arrogant and number one bully of our school?! Panaginip! Nananaginip ako! Hindi, bangungot! Isa itong bangungot! Pero teka, kahit kailan ay hindi ko pinagnasahan si Vander kaya bakit ako mananaginip ng tungkol sa kanya?!

Mula sa walang pang-itaas na damit na katawan ni Vander ay nalipat ang mata ko sa boxers nya. I gulped. Ibig sabihin hindi daga 'yung nahawakan ko kanina?!

"Kyaaaaaaaah!"

Mababaliw na ako sa bangungot na 'to! Nakakadiri! Gusto ko nang gumising! Gusto kong ipaputol ang kamay ko na kamay talaga ni Vander!! Waaaa! Anong klaseng bangungot ito at ganito kalala?! Hindi ko alam kung ano ang mas nakakatakot, ang mapanaginipan kong nandito ako sa katawan ni Vander o ang mahawakan ko ang kanyang...

"Waaaaaaaaah!"

Kahit ba bangungot lang ito ay hindi ko pa rin maiwasang isipin na parang totoo ang nangyayari? May ganito ba talagang bangungot? Bakit parang totoong-totoo?

Narinig kong tumunog ang cellphone ko—ay hindi, hindi ko cellphone ito. Nasa katawan ako ni Vander so ibig sabihin ay kwarto nya 'to at cellphone nya 'to. Kinuha ko kagad ang cellphone ni Vander at bubuksan na sana..

"Shems! Bakit may password?!"

Buti na lang ay nag-prompt sa pinakataas ang message. It was a text from his friend Mico.

Dude, papasok ka ba ngayon?

Teka, bakit ako nakakabasa? Ang alam ko kapag nananaginip ka ay hindi ka nakakapagbasa sa panaginip mo. Ibig sabihin..

Sinampal ko kagad ng malakas ang sarili ko which is ang pisngi ni Vander, "Ouch!" nahimas ko kagad ang mukha ko dahil sa sakit.

Pain? Shems!! Hindi pwede! Kung ganoon, hindi ako binabangungot?! What then? Reality?! Waaaaaaah! Hindi pwede! What on earth is happening?!

Bakit ako nasa katawan ng isang Vander Esquival?!

Nagpagulong-gulong ako sa kama dahil sa sobrang inis at pagkalito. Kung nandito ako ngayon sa katawan ni Vander.. paano naman ang katawan ko?! Ano na ang nangyari doon?!

"Shems!"

Dinampot ko kagad ang damit na nakakalat sa sahig. Wala na akong pakialam kung marumi na ito basta sinuot ko na lang ang itim na pants at dark green v-neck shirt. Dinampot ko kagad ang cellphone ni Vander at tumakbo palabas ng kwarto nya.

Pagbaba ko sa sala ay may naabutan pa akong isang babaeng sa palagay ko ay mommy ni Vander. Nakaupo ito sa sala habang nagbabasa ng magazine at umiinom ng kape.

"Oh, Van. Ang aga mo namang nagising, anak." Nakangiting sabi nya. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya at isa pa nagmamadali ako kaya nag-bow lang ako sa kanya ng konti.

"G-Good morning po, Mrs. Esquival."

Kumunot naman ang noo nya dahil sa sinabi ko pero hindi ko na lang iyon pinansin at kumaripas kagad ako ng takbo palabas ng bahay nila. Mabuti na lang at pamilyar sakin ang lugar nila kaya hindi ako nahirapang hanapin ang daan papunta sa bahay ko. 

I need to see my body! Baka mamaya ay akalain nila mama na na-comatose ako kapag nalaman nilang hindi gumigising ang totoong katawan ko.

Takbo lang ako mg takbo hanggang sa matanaw ko ang school namin. Crap! Bago ako makapunta sa bahay namin ay madadaan ako sa harap ng school namin. Magkaiba kasi ang daan namin ni Vander. 

Sa left side kasi ang daan papunta sa bahay nila samantalang ang bahay naman namin ay sa right side kaya sa ayaw at sa gusto ko ay madadaanan ko talaga ang tapat ng school namin. Wala namang ibang daan na pwedeng daanan kaya wala talaga akong lusot.

"Girls, look. It's Van.."

"Kyaa! Ang gwapo nya talaga!"

"Omg! He's so hot!"

"God! Is that his bed hair? How cute!"

"Hala, hindi sya papasok?"

Napatampal na lang ako sa noo ko at nakayukong binilisan ang lakad nung nasa tapat na ako ng school at maraming studyante ang nakakakita sakin. Shems!

Nakayuko lang ako at hindi ko na pinapansin ang bulungan nila hanggang sa makarinig ako ng malakas na harurot ng motor. Napaangat kagad ako ng tingin ganoon rin ang ibang studyante para tingnan kung sino ang mayabang at kaskaserong driver ng motor.

Halos mahimatay ako sa gulat nang makita at makilala ko ang driver ng motor. Maangas nyang pinark ang motor sa harap ko at tinanggal ang helmet na suot nya. Winasiwas nya pa ang kanyang mahabang buhok pagkatanggal ng kanyang helmet. 

Namula ang mukha ko sa kahihiyan nang mapagtanto ko kung ano ang suot nya. Big tee and short shorts! Mabilis syang lumapit sakin at kinuwelyuhan ako.

"You're fucking Pippay, right?"

"Va..Vander?"

I gulped.

"Fuck!"

SWITCHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon