CHAPTER 13: Pippa&Van

1.2K 71 3
                                    

PHILIPPA’s POV

Nandito kami ngayon sa bahay nila Van. Dito na lang kami nagpunta at naisipang tumambay kaysa hintayin namin mag alas-sais sa park. Ang sabi ni Van ay wala raw tao dito sa kanila dahil parehong nasa trabaho raw ang parents nya at mamayang alas-otso pa raw magsisipagdatingan.

“Maupo ka dyan.” Utos nya at itinuro ang sofa. Napapailing na sinunod ko ang sinabi nya. Kahit kailan talaga walang manners, “Kung nagugutom ka kumuha ka na lang ng pagkain sa ref. Wag kang umasang pagsilbihan pa kita.” Sabi nya habang naghahagilap ng papel at ballpen. Tsk, tsk. Ilang taon kaya ang aabutin bago tumino ang isang Vander Esquival? Baka mamaya ay tumanda na kami’t lahat hindi pa rin nawawala ang sumpa. Shems! Nooo! Hindi pwede!

“Pippay!”

“Oh.” Tumingin ako sa kanya.

“Abutin mo nga ‘yon! Bakit ba kasi ang pandak mo?!”

“Wow ha. Sorry naman kung hindi katangkaran ang lahi namin,” sarcastic na sabi ko bago tumayo, “Saan ba?” Tanong ko at lumapit sa kanya. Hindi ko maiwasang mapatitig sa sariling katawan ko na nasa tabi ko. Grabe nga. Mas lalong nanliit ang katawan ko nung itabi ko itong katawan ni Van. Hanggang balikat lang ni Van ang katawan ko.

“Anong height mo Van?” Curious na tanong ko.

“5’11”

“Wow.” Nasabi ko na lang.

“Tsk. Humanga ka na naman.”

“Whatever. Tabi nga, bansot.” Pang-iinis ko at kita ko namang nagsalubong kagad ang kilay.

“Aware ka ba na sariling katawan mo itong nilalait mo?”

Natigilan ako at napanguso. Oo nga pala.

“D-Don’t pout! Shit! You're making me look like a freaking gay!” Singhal nya. Hay, here we go again.

“Nasaan ba dito?” Tanong ko habang sinisilip ang taas ng cabinet. Shems! Ganito pala ang feeling na matangkad! Para akong higante.

“Dyan sa bandang dulo. May nakalagay dyan na isang balot ng bond paper.”

Nakita ko naman kagad ang sinasabi ni Van at binigay ito sa kanya. Kumuha muna sya ng dalawang ballpen at binigay sakin ang isa. Then we sat opposite to each other. Binigay nya sakin ang kalahating balot ng bond paper.

“Rules and regulations, right?” Tanong nya. Tumango ako.

“Make a list of whatever rules and regulations or do’s and don’t which concerns our body's welfare. Then we'll do a process of elimination on which are highly necessary and which are not.”

Tahimik na inumpisahan namin ni Van ang paggawa ng mga rules ang regulations. Mabuti na lang at mukhang sineseryoso naman nya itong ginagawa namin. Akala ko nung una ay tatanggi sya sa suggestion ko pero buti na lang ay hindi.

Habang nagsusulat ako ay tinititigan ko ang sarili kong katawan na nasa harapan ko. Mula ulo hanggang paa ay sinigurado kong wala akong makakalimutan na patakaran. Inimagine ko rin ang loob ng kwarto ko; ang mga dapat at hindi dapat gawin sa loob ng kwarto ko. Sunod naman na inisip ko ay ang kapakanan ng pag-aaral ko at image ko—kahit pa sabihing nerd ako at laging nabubully ay may image pa rin akong iniingatan.

Halos tatlumpong minuto rin yata ang naubos naming oras bago kami natapos magsulat ni Van.

“You done?” Maangas na tanong nya habang nakahalukipkip pa at nakasandal sa sofa.

I gulped, “O-Oo.” Pagkasagot ko ay nagpalit na kami ng papel ni Van at binasa ang mga nakasulat sa papel.

Master Van’s RULES and REGULATIONS:

SWITCHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon